You are on page 1of 2

I.

Layunin

A. Maipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa


B. Magagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng ibat ibang gawain sa tahanan,
paaralan at pamayanan
C. Maging masunurin na mamamayang Pilipino

II. Paksang Aralin

A.  Paksa: Pandiwa


B.  Kagamitan: Powerpoint Presentation
C. Sanggunian: https://k12resources.files.wordpress.com/2014/06/filipino-3-tg-draft-4-
10-2014.pdf
  MELC pahina 291

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain       
1. Balik-Aral
Ating balikan ang ating nakaraang aralin.
-Ano ang tawag natin sa panghalip na humahalili sa ngalan ng tao?
-Magbigay ng halimbawa nito.

2. Pagganyak
Ipa awit sa mga bata ang kantang Kung Ikaw ay masaya at samahan ito ng kilos
Kung ikaw ay masaya tumawa ka. (Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka. (Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka. (Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla,
kung ikaw ay masaya tumawa ka! (Hahaha!)
Kung ikaw ay masaya kumembot ka. (Kembot!)
Kung ikaw ay masaya kumembot ka. (Kembot!)
Kung ikaw ay masaya kumembot ka. (Kembot!)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla, kung ikaw ay masaya kumembot ka! (Kembot!)

Sagutin ang tanong.


 Ano Anu ang mga salitang kilos na ating ginawa sa awit?

B. Panlinang na Gawain

1.  Paglalahad

         Ipakita ang mga ibat ibang larawan na nagpapakita ng ibat ibang kilos at tanungin kung ano
ang ginagawa ng mga nasa larawan

2. Pagtatalakay sa Aralin

Sa kantang “Kung Ikaw ay Masaya”, nakagawa tayo ng ibat ibang kilos, at sa mga larawang
aking pinakita marami pa kayong nalaman na ibat ibang kilos na ating nagagawa sa araw araw.

Talakayin ang kahulugan ng Pandiwa


Ang Pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng mga kilos o galaw.

3. Kasanayang Gawain 
Ipagawa sa mga bata ang mga kilos na ginagawa ng mga katulong sa ating pamayanan.

4. Paglalahat

       Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng salitang kilos o galaw.

5. Paglalapat

Gumuhit ng limang larawan na nagpapakita ng kilos o galaw.

IV. Pagtataya 

Pagtambalin ng guhti ang salitang kilos sa larawan.

Larawan Kilos

1. naglalaba

2. nanonood

3. naglalakad

4. umaawit

5. nagbabasa

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng 20 salitang kilos na ginagawa mo sa araw-araw.

You might also like