You are on page 1of 12

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Ano ang target ko?
IKALAWANG LINGGO
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa
mo ang mga sumusunod:
1. Pagtutukoy ng mga araw at buwan gamit ang
kalendaryo.
2. Pag-unawa ng wastong paggamit ng kalendayo.

Ano ako magaling?


Panuto: Piliin at isulat sa kwaderno ang letra ng tamang
sagot.
1. Kung ang Mayo 24 ay Linggo, anong araw ang Mayo
30?
A. Miyerkules B. Huwebes C. Biyernes D. Sabado
2. Pupunta ng Market Market si Ate Guia sa Sabado. Kung
Marso 15 ngayon at Miyerkules, Kailan siya pupunta ng
Market Market?
A. Marso 17 B. Marso 18 C. Marso 19 D. Marso 20
3. Gusto mong sorpresahin ang Nanay mo sa kanyang
kaarawan. Bumili ka ng regalo noong Linggo. Binigay
mo ito ngayon Martes ika-11 ng Pebrero. Kailan mo
binili ang iyong regalo?
A. Pebrero 7 C. Pebrero 9
B. Pebrero 8 D. Pebrero 10
Para sa bilang 4-5. Pag-aralan ang kalendaryo sa
ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

4. Anong araw ang Marso 9?


A. Linggo B. Lunes C. Martes D. Miyerkules
5. Ang mga sumusunod ay mga petsa sa araw ng
Biyernes maliban sa isa. Alin ito?
A. 12 B. 19 C. 26 D. 31

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Sagutan ang Palaisipian (crossword puzzle)


Pahalang Pababa

1. Huling buwan 1. Unang buwan


2. Pangsiyam na buwan 2.Pang-anim na araw
3. Pangpitong araw 3. Pangatlong buwan
4. Pangatlong araw 4. Pangalawang buwan
5. Pangalawang araw 5. Pang-apat na buwan

Ano ang gagawin ko?

Basahin at unawain suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga


tanong.

Magdiriwang ng ika-anim na

kaarawan si Angela sa Oktubre


19.

Maghahanda ng pagkain ang


kanyang nanay. Inimbitahan niya ang kanyang mga
kaibigan. Ipapadala niya ang imbitasyon sa Oktubre 13.
Ito ay araw ng Miyerkules. Anong araw ang ang
eksaktong kaarawan niya?

Mga tanong:

➢ Sino ang magdiriwang ng kaarawan?


➢ Kailan ang kanyang kaarawan?
➢ Sino ang maghahanda ng pagkain?
➢ Sino ang mga inimbitahan ni Angela?
➢ Kailan ang eksaktong araw ng kaarawan niya?

Ano ang kahulugan?


A. Paggamit ng kalendaryo
 Ang kalendaryo ay isang tsart o magkakasunod
na pahina ng mga bilang.Ito ay nagpapakita ng
araw, linggo, buwan, at partikular na taon.

Tignan ang halimbawa ng kalendaryo sa ibaba.


Ito ang bahagi na
nagpapakita ng buwan at
taon.

Ito ang araw sa isang


linggo.

Ito ang mga petsa sa isang buwan.

➢ Gamit ang kalendaryo. Ang petsang 19 ay nasa


hanay ng Martes o Tuesday. Ito ang araw ng
kaarawan ni Angela.

B. Pag-unawa sa paglutas ng suliranin gamit ang


kalendaryo.
1. Paglutas sa pamamagitan ng pagtatala

Oktubre 13- Miyerkules Oktubre 17- Linggo


Oktubre 14- Huwebes Oktubre 18- Lunes
Oktubre 15- Biyernes Oktubre 19 – Martes
Oktubre 16- Sabado
Kaya Martes ang Oktubre 19. Nangagahulugan na
Martes ipagdiriwang ni Angela ang kanyang kaarawan
2. Paglutas sa papamagitan ng Pgbabawas

Ang Oktubre 13 ay Miyerkules. Ang Oktubre 19 ang


kanyang kaarawan. Ibawas ang 13 mula sa 19. Kung
kaya’t 19-13 = 6. Magsimulang magbilang ng anim na
araw mula Oktubre 13. Ang ika-anim na araw mula
Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes,at Martes. Kaya
Martes ang kaarawan ni Angela.

Ano pa ang gagawin ko?


A. Panuto: Gamitin ang kalendaryo upang masagutan
ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang mga petsa na
naangkop sa binigay na araw

Halimbawa: Biyernes = Pebrero 5 Pebrero 12 Pebrero 19


1. Linggo = _________ _________ _________ ________
2. Sabado = _________ _________ _________ ________
3. Huwebes= _________ _________ _________ ________
4. Lunes = _________ _________ _________ ________
5. Martes = _________ _________ _________ ________

B. Panuto: Gamitin ang kalendaryo upang maibigay ang


ngalan ng araw sa bawat petsa.

Halimbawa: Abril 23 - Biyernes


1. Abril 12 - _________ 6. Abril 15 - _________
2. Abril 21- _________ 7. Abril 4- _________
3. Abril 20 - _________ 8. Abril 1- _________
4. Abril 8 - _________ 9. Abril 1- _________
5. Abril 30- _________ 10. Abril 26 -_________

C. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang


papel.

1. Kung Hunyo 12 ay Lunes anong araw ang Hunyo 15?


A. Huwebes B. Biyernes C. Sabado D. Linggo
2. Kung Agosto 5 ay Sabado, anong araw ang Agosto 10?
A. Lunes B. Martes C. Miyerkules D.Huwebes
3. Anong araw ang Marso 13 kung ang Marso 9 ay
Martes?
A. Biyernes B. Sabado C. Linggo D. Lunes
4. Kung Mayo 15 ay Miyerkules, anong petsa ang susunod
na Miyerkules?
A. Mayo 20 B. Mayo 21 C. Mayo 22 D. Mayo 23
5. Anong araw ang Enero 6 kung Linggo ang Enero 3?
A. Martes B. Miyerkules C. Huwebes D. Biyernes

Ano ang natamo ko?

➢ Ang kalendaryo ay isang tsart o magkakasunod na


pahina ng mga bilang. Ito ay nagpapakita ng araw,
lingo, buwan, at partikular na taon.
➢ Ang pagtatala at pagbabawas ay mga paraan
para maunawaan ang paglutas ng suliranin gamit
ang kalendaryo.

Ano ang kaya kong gawin?


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa papel.
1. Ngayon ay Lunes Hulyo 17. Si Venuz ay magdiriwang
ng kanyang kaarawan sa Hulyo 21. Anong araw ang
kaarawan ni Venuz?
2. Nagbakasyon si Karen sa Bicol ng 5 araw. Kung
umalis siya ng Manila ng Mayo 16. Kailan ang balik ni
Karen?
3. Kung ngayon ay araw ng Martes. Anong araw ng
linggo apat na araw mula ngayon?
4. Mayroong apat na linggo sa isang buwan. Ilang
linggo mayroon ang apat na buwan?
5. Kung Huwebes ang Mayo 20. Anong araw ang
Mayo 17?

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Gamitin ang kalendaryo at sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.

1. Anong araw ang Mayo 15?


A. Lunes B. Martes C. Miyerkules D. Huwebes
2. Nagsisimba ang mag-anak tuwing Linggo. Alin sa mga
sumusunod na petsa sila nagsimba?
A. Mayo 12 B. Mayo 17 C. Mayo 18 D. Mayo 26
3. Mayo 23 ang kaarawan ni Marlon. Gusto niya itong
ipagdiwang tatlong araw pagkatapos ng kanyang
kaarawan. Kalian niya ipagdiriwang ang kanyang
kaarawan?
A. Mayo 24 B. Mayo 25 C. Mayo 26 D. Mayo 27
3. Anong araw ang Pebrero 17 kung Lunes ang Pebrero
12?
A. Sabado B. Linggo C. Martes D. Huwebes
4. Magsisimula sa kanyang bagong trabaho si Ate sa
Lunes. Nagyon ay Huwebes, Marso 4. Kailan
magsisimula si Ate sa kanyang bagong trabaho?
A. Marso 7 B. Marso 8 C. Marso 9 D. Marso 10
B.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Itala sa iyong kwaderno ang petsa at araw ng


kaarawan ng miyembro ng iyong pamilya ngayong taon.

Pangalan Petsa ng Araw sa Isang


kapanganakan Linggo

Sanggunian:
❖ Teacher’s Guide in Mathematics 1 pages 57-58
❖ Learner’s Materials in Mathematics 1 pages 108-112
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Development Team of the Module
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson:
Writer Name: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
MAY N. UMALI
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief
Content Evaluators:
Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
Language Editor:
ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
Reviewers: MIRASOL I. RONGAVILLA
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator:
DELIA V.DR. DANILO S. GUTIERREZ
GONZALES
Writer: MAY N. UMALI
SUCHI M. AGUILLAR
Content Evaluators: MICHELLE JOY P. GERESOLA
Illustrator: ELIZABETH A. ROBIS
Reviewers:
MICHELLE JOY P. GERESOLA
Layout Artist:
ANAMARIE N. CABACCAN
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
Content Validator: DR. ANAMARIE
DR. GEORGE N. P.
CABACCAN
TIZON, SGOD- ESVES
Chief
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
REPRESENTATIVES
School Head In-charge:DRJOSEFINA
DAISY L.R.MATAAC,
GRANADA EPS(Primary)
– LRMS/ALS
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
MIRASOL I. RONGAVILLA, EPS-MATH
EPS In-charge: MIRASOL I. RONGAVILLA, EPS – MATH
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan
Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like