You are on page 1of 13

Mathematics 1

Kuwarter 4
Modyul 2
Nasasabi ang mga ngalan ng buwan sa
isang taon sa tamang
pagkakasunod-sunod
Mathematics – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Nasasabi ang mga ngalan ng buwan sa isang taon sa
tamang pagkakasunod-sunod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Leah N. Montero
Editor: Rhea C.Bucayan
Tagasuri: Wilma P. Soriano at Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat: Michelle S. Bansil
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Mathematics 1
Kuwarter 4
Modyul 2
Nasasabi ang mga ngalan ng buwan sa isang taon sa
tamang pagkakasunod-sunod
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul para
sa araling Nasasabi ang mga ngalan ng buwan sa isang taon sa tamang
pagkakasunod-sunod.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 1 ng Modyul para sa araling


Nasasabi ang mga ngalan ng buwan sa isang taon sa tamang pagkakasunod-sunod

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang masasabi


ang mga ngalan ng buwan sa isang taon sa tamang
pagkakasunod-sunod.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Kailan ipinagdiriwang ang Pasko?
A. Pebrero 14 B. Marso 1
C. Disyembre 10 D. Disyembre 25
2. Ilang buwan mayroon sa isang taon?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 13
3. Kailan natin ipinagdiriwang Araw ang Kalayaan ng
Pilipinas?
A. Enero 1 B. Hunyo 12
C. Agosto 20 D. Nobyembre 1
4. Ilang araw mayroon sa buwan ng Pebrero?
A. 26 B. 27 C. 28 D. 31
5. Kailan ang Araw ng mga Puso?
A. Pebrero 14 B. Abril 9
C. Mayo 1 D. Nobyembre 1
BALIK-ARAL
Panuto: Isulat kung anong araw ang nawawala sa bawat
patlang.
1. _______________, Miyerkules, Huwebes
2. Martes, Miyerkules, _________________
3. Huwebes, ______________, Sabado
4. Biyernes, ______________, Linggo
5. _____________, Lunes, Martes
6. Lunes, Martes, ___________________
7. ___________, Martes, Miyerkules

ARALIN

Labingdalawang Buwan sa loob ng isang Taon


Twelve Months in a Year

Enero Pebrero Marso Abril


January February March April

Mayo Hunyo Hulyo Agosto


May June July August

Setyembre Oktobre Nobyembre Disyembre


September October November December

 Pag-awit ng Lubi-lubi.
Enero, Pebrero, Marso Abril, Mayo,
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre,
Nobyembre. Disyembre, lubi-lubi
 May 12 buwan sa loob ng isang taon. Ito ay ang
sumusunod:
1. Enero 7. Hulyo
2. Pebrero 8. Agosto
3. Marso 9. Setyembre
4. Abril 10. Oktubre
5. Mayo 11. Nobyembre
6. Hunyo 12. Disyembre
 Ano ang unang buwan ng taon?
____________________________________
 Ano naman ang huling buwan ng taon?
____________________________________
 Anong buwan pagkatapos ng Marso?
____________________________________
 Anong buwan ang susunod sa Agosto?
____________________________________
 Kung ngayon ay buwan ng Abril, anong buwan
ang kasunod nito?__________________________
 Kung ang nakaraang buwan ay Agosto, anong
buwan ngayon? _________________________
 Ilang buwan mayroon sa isang taon?__________

MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Panuto: Isulat ang tamang ngalan ng buwan sa bawat


patlang.
1. Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng Pasig?
A. Enero 1 B. Pebrero 14
C. Mayo 1 D. Hulyo 2
2. Anong buwan naman ipinagdiriwang ng mga taga-
Palatiw ang Pista ni San Agustin?
A. Agosto B. Setyembre
C. Oktubre D. Nobyembre
3. Kailan nagsimula ang pandemya sa ating bansa?
A. Enero B. Pebrero
C. Marso D.Abril
4. Noong wala pang pandenya ng Covid-19, anong
buwan ang pasukan natin sa paaralan?
A. Mayo B. Hunyo
C. Hulyo D. Agosto
5. Anong buwan naman natatapos ang pasok ng mga
bata sa paaralan?
A. Marso B. Mayo
C. Agosto D. Oktubre

Gawain 2:

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Kailan natin ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan?


A. Enero B. Marso
C. Hunyo D.Setyembre
2. Anong buwan ng taon nagsisimula ang tag-init o
Summer?
A. Marso B. Hunyo
C. Agosto D.Nobyembre
3. Anong buwan naman nagsisimula ang tag-ulan?
A. Mayo B. Hunyo
C. Setyembre D. Nobyembre
4. Masaya ang mga bata kapag sumasapit ang Pasko,
kalian ito ipinagdiriwang?
A. Disyembre B. Oktubre
C. Hunyo D. Marso
5. Si Dr. Jose Rizal ang ating Pambansang bayani.
Kailan siya binaril sa Luneta?
A. Pebrero 25 B. Mayo 1
C. Nobyembre 1 D. Disyembre 30

Gawain 3:
Panuto: Isulat ang sunod-sunod na buwan sa isang taon.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Mga Buwan sa Isang Taon

1 5 9
2 6 4

3 7 11
4 8 12

Setyembre Hunyo Agosto Oktubre

Enero Mayo Abril Disyembre


Marso Pebrero Hulyo Nobyembre
e
PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


 Ilang buwan mayroon sa isang taon? _____________
 Ano-ano ang mga ito?
__________, __________, ___________, __________, __________,
__________, ___________, __________, __________, __________,
__________, at __________.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong.


Kaarawan ng iyong nanay sa susunod na buwan. Ibig
mong bigyan siya ng isang kakaibang regalo ngunit wala
kang pera. Naisip mong gumawa ng tula para sa kanya.
Tuwang tuwa ang iyong nanay sa napakagandang tula
na handog mo sa kaniyang kaarawan.
 Dapat bang maalala ng isang anak ang
mahahalagang araw ng ating mga mahal sa buhay?
 Bakit mahalaga na maalala mo ito?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Ibigay ang ngalan ng buwan kung kailan


ipinagdiriwang ang sumusunod na okasyon
1. Araw ng mga Puso
A. Enero B. Pebrero
C. Abril D. Agosto
2. Pasko
A. Marso B. Mayo
C. Oktubre D. Disyembre
3. Araw ng mga Manggagawa
A. Pebrero B. Marso
C. Mayo D. Hulyo
4. Araw ng Kalayaan
A. Marso B. Abril
C. Mayo D. Hunyo
5. Araw ni Rizal
A. Mayo B. Hulyo
C. Oktubre D. Disyembre
https://youtu.be/29G2npbSugk
https://samutsamot.files.wordpress.com/2013/07 mgabuwanworkheets, pdf
Let’s Work, Learn and have Fun with Math Skillbook
Castillo, Balmera (2008)
Tagalog, Binagong Edisyon 2017
Padilla, Danilo S., et al. Mathematics-Unang Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral sa
SANGGUNIAN
Paunang Balik-aral Gawain 1 Gawain 2
Pagsubok
1. D 1. Martes 1. D 1. C
2. C 2.nHuwebes 2. A 2. A
3. B 3. Biyernes 3. C 3.B
4. C 4. Sabado 4. B 4. A
5. A 5. Linggo 5. A 5. D
6. Miyerkules
7. Lunes
Gawain 3 Panapos na Pagsusulit
1. Enero 7. Hulyo 1. B
2. Pebrero 8. Agosto 2. D
3. Marso 9. Setyembre 3. C
4. Abril 10. Oktubre 4. D
5. Mayo 11. Nobyembre 5. D
6. Hunyo 12. Disyembre
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like