You are on page 1of 15

Mathematics 1

Kwarter 4
Modyul 8
Paglulutas ng mga Suliranin na may
Oras
Mathematics – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Paglutas ng mga Suliranin na may Oras

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: DESSIE D. IGNACIO
Editor: RHEA C. BUCAYAN
Tagasuri: WILMA P. SORIANO
Tagaguhit:
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Mathematics 1
Kwarter 4
Modyul 8
Paglulutas ng mga Suliranin na may Oras
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul para
sa araling Paglutas ng mga Suliranin na may Oras.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 1 ng Modyul 8 para sa araling


Paglutas ng mga Suliranin na may Oras!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang malulutas ang


mga suliranin na may oras.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Nagbasa ng kanyang aklat si Sheryl ng 2 oras. Kung
nagsimula siya ng 6:00, anong oras siya matatapos?
A. 7:00 B. 8:00 C. 9:00

2. Nagpunta sa mall si Nina , umalis siya sa kanilang


bahay ng 3:00, dumating siya sa mall ng 4:00. Ilang oras sa
biyahe si Nina?
A. 1 oras B. 3 oras C. 2 oras

3. Si Aubrey ay mag-aaral sa unang baitang. Ang simula


ng kanilang klase ay 7:00 ng umaga. Limang oras siyang
nasa klase. Anong oras ang uwian nila?
A. 11:00 B. 10:00 C. 12:00
4. Ang tatay ni Roma ay isang manggagawa, 8:00 ang
simula ng kanilang trabaho hanggang 4:00. Ilang oras
nagtatrabaho ang tatay ni Roma?
A. 8 oras B.10 oras C. 9 oras

5. Si Pipoy ay magpapastol ng kanyang mga alagang


hayop sa bukid, 5 oras syang magpapastol. Nagsimula
siyang magpastol ng 5:00 ng umaga. Anong oras siya
matatapos?
A. 9:00 B. 10:00 C. 11:00

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


1. Ilang buwan ang mayroong 31 araw? _______
2. Ilang buwan ang mayroong 30 araw? _______
3. Kung sa Pebrero ang Araw ng mga puso. Anong buwan
naman ang Buwan ng Wika? ________
4. Kung ang ika-8 buwan ay Agosto. Ano naman ang ika-
7 buwan? ______
5.Ano ang huling buwan ng taon? ________
ARALIN

Panuto: Basahin at suriin ang suliranin.

Tinutulungan ni Shania ang kanyang nanay sa


paghahanda ng kanilang hapunan. Nagsimula nang
magluto si nanay ng ulam habang naghahanda na ng
bigas si Shania para isaing. Kung tumagal ng isang oras
ang paghahanda nila ng hapunan, anong oras sila kakain
kung nagsimula sila ng 6:00?

1. Ano ang inihanda ni Shania at ng kanyang nanay?

2. Anong oras nagsimula na mag naghanda ng


hapunan si Shania at ang kanyang nanay?

3. Anong oras sila nag hapunan?

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Basahin, suriin at lutasin ang bawat suliranin.
Isulat ang sagot sa patlang.

1. Natutulog si Jiro ng
dalawang oras tuwing hapon.
Kung natulog siya ng 2:00,
anong oras siya magigising? _______
2. Kasali sa MTAP class si Yesha.
Ang klase niya ay apat na oras tuwing
Sabado . Kung 8:00 ang simula ng
klase niya anong oras naman ito
matatapos? _______

3. Tuwing umaga ay naglalaro ng


basketbol si Jenkin. 6:00 siya
nagsimulang maglaro, tumagal nang
dalawang oras ang kaniyang
laro.Anong oras siyang natapos mag
laro? _______

4. May proyektong dapat ipasa sina


Mara. Kailangan nilang tapusin ito
hanggang 9:00, dahil tatagal ng
tatlong oras ang pagpapatuyo nito,
anong oras nila dapat magsimulang
gumawa? ________

5. Maliligo sa dagat si Bamvi.


Nagpaalam siya sa kanyang nanay.
Sabi ng kaniyang nanay kailangan niyang
makabalik agad sa bahay at binigyan
lamang siya ng dalawang oras para
maligo sa dagat. 7:00 siya umalis ng
kanilang bahay. Anong oras siya dapat
makabalik sa kanilang bahay? _______
Gawain 2
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot. Ilang oras
ang nakalipas mula sa unang orasan hanggang sa
pangalawang orasan.

1.

A. 3 oras B. 4 oras C. 5 oras


2.

A. 6 oras B. 7 oras C. 8 oras

3.
A. 6 oras B. 2 oras C. 1 oras
4.

A. 4 oras B. 5 oras C. 6 oras


5.

A. 12 oras B. 3 oras C. 1 oras

Gawain 3
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Araw-araw ay nagsasasanay ng dalawang oras mag


tiktok ang magkapatid na sina Jasper at Jepoy. Nais nila
itong iupload sa Facebook. Kung 5:00 sila natapos
magsanay, anong oras sila nag nagsimula?

A. 3:00 B. 1:00 C.4:00

2. Tinulungan ni Amy ang kanyang nanay sa paglalaba.


Maraming damit ang kanilang nilabahan. Nais ng nanay
ni Amy na matapos nila ang paglalaba sa loob ng tatlong
oras. Nagsimula sila ng 6:00, anong oras silang natapos
maglaba?
A. 7:00 B. 9:00 C.10:00

3. Si Pilo ay may alagang aso. Nawala ang kanyang aso.


Walong oras na ang nakalipas bago niya nakita ang
kaniyang alagang aso. 7:00 siya nagsimulang maghanap,
anong oras niya nakita ang kanyang aso?
A. 12:00 B. 3:00 C. 2:00

4. Nagpaalala ang baranggay na mawawalan ng tubig


sa inyong lugar mula 10:00 hanggang 6:00. Ilang oras
kayo mawawalan ng tubig?
A. 8 oras B. 7 oras C. 9 oras

5. Pinapayagan na ang mga traysikel na mamasada,


pero binigyan lamang sila ng 5 oras na makapamasada.
Kung magsismula sila ng 5:00, anong oras sila matatapos?
A. 3:00 B. 8:00 C. 10:00

PAGLALAHAT

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong.


Ika-apat na ng hapon, sinabihan si Vivian ng kanyang
nanay na magbasa ng kanyang mga aralin at pag dating
ng 6:00 ng gabi ay maghanda na para sa hapunan. Ilang
oras nag basa ng aralin si Vivian? Paano mo nalutas o
nalaman ang iyong sagot? Ano ang iyong ginawa upang
makuha ang tamang oras na hinihingi?
________________________________________________
____________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gumuhit ng isang malaking puso. Iguhit sa loob ng


puso ang paborito mong gingawa ng inyong pamilya
mula 1:00 hanggang 3:00 ng hapon.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti at lutasin ang suliranin.

Gumising si Sarah ng 6:00 ng umaga. Pagkalipas ng


isang oras siya ay kumain ng almusal. Nakahanda na rin
ang kanyang uniporme, pinalantsa ni nanay ang kanyang
uniporme tatlong oras bago nagising si Sarahh. 8:00 umalis
na ng bahay si Sara. Dalawang oras naglakad si Sara
papuntang paaralan. 11:00 nagsimula ang klase ni Sara,
Natapos ang kanyang klase ng 5:00 ng hapon.

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Anong oras kumain si Sarah? ______

2. Anong oras pinalantsa ni nanay ang uniporme ni


Sarah?________

3. Kung 8:00 umalis si Sara, anong oras siya dumating sa


paaralan?______

4. Ilang oras nakapagpahinga si Sarah bago magsimula


ang klase? _______

5. Ilang oras ang klase ni Sarah? _____


SUSI SA PAGWAWASTO

5. 6 oras 5. C 5. B 5. 9:00 5. B

4. 1 oras 4. A 4. A 4. 6:00 4. A
3. 10:00 3. B 3. C 3. 8:00 3. C
2. 3:00 2. B 2. C 2. 12:00 2. A
1. 7:00 1. A 1. A 1. 4:00 1. B
test
Post Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1 Pre-test

SANGGUNIAN
Padilla, et.al., Mathematics Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog

https://www.123rf.com/clipart-vector/active_grayscale.html

https://images.app.goo.gl/A8ieyiMpmkMuxmN98

https://images.app.goo.gl/RcZ1SqVDHBRmsEPz5

https://www.dreamstime.com/illustration/grayscale-desk.html

https://www.illustrationsof.com/1306443-royalty-free-girl-clipart-illustration

https://www.pinterest.com/pin/249668373062333838/

https://depositphotos.com/108207712/stock-illustration-the-boy-was-asleep-in.html

You might also like