You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 17: Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Sariling Lalawigan at
Karatig Lalawigan ng Rehiyon Gamit ang Mapa
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Kevin R. Idanan Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Editors: Mary Grace B. Espanola Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Tagasuri: Mathematics, ABM
• Nilalaman: Chona H. Vergara Solito C. Dela Joselito E. Calios, EPS -
Paz Jr. English/SPFL/GAS
• Wika: Maria Brombuela, Paula Micaela Adeza Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Teknikal: Ernesto D. Tabios Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz, Ernesto D. Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tabios MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Management Team: Librada L. Agon, EdD, EPS
EPP/TLE/TVL/TVE
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Dulce O. Santos, PhD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Carolina T. Rivera, CESE Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Assistant Schools Division Superintendent Special Education Program
Manuel A. Laguerta, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations
Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
Araling
Panlipunan
3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Sariling Lalawigan
at Karatig Lalawigan ng Rehiyon Gamit ang Mapa

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng Modyul 17
para sa araling Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Sariling Lalawigan at Karatig
Lalawigan ng Rehiyon Gamit ang Mapa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 Modyul 17 ukol sa
Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Sariling Lalawigan at Karatig Lalawigan ng Rehiyon
Gamit ang Mapa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang
natutukoy ang pagkakaiba at pagkakapareho ng kapaligiran ng
sariling lalawigan at karatig na mga lalawigan ng rehiyon gamit
ang mapa.

PAUNANG PAGSUBOK

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan natin kung anung mga


lalawigan ang mga nakapaligid sa NCR. Bago tayo
magpatuloy ay magkaroon muna tayo ng paunang pagsubok
upang tingnan kung mayroon kayong nalalaman patungkol sa
mga lalawigan na ito.
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Ang _____ pinakamaunlad na rehiyon sa buong Pilipinas.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A
2. Anong ilog ang naghahati sa NCR?
A. Ilog Pasig
B. Ilog Pateros
C. Ilog Taguig
3. Batay sa pangungusap, ano ang pinakatamang katangian
ng NCR?
A. Maraming gusali sa rehiyong ito.
B. Maraming taniman sa lugar na ito.
C. Napapalibutan ito ng mga nagtataasang bundok.
4. Malaking bahagi ng rehiyon na ito ay kapatagan. Ang
pagtatanim ng palay ang pangunahing hanapbuhay dito.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A

1 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
5. Ito ang tinaguriang Bangan ng Bigas ng Pilipinas.
A. NCR
B. Rehiyon IV-A
C. Rehiyon III

BALIK-ARAL

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at sagutan ang mga


tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.
______________1. Lalawigan na matatagpuan sa hilaga ng NCR.
______________2. Anyong-tubig na matatagpuan sa Timog-
Silangang bahagi ng NCR.
______________3. Lalawigan na matatagpuan sa Timog-Kanluran
ng NCR.
______________4. Sa anong rehiyon nabibilang ang lalawigan ng
Cavite?

______________5. Ang Manila Bay ay matatagpuan sa __________


ng NCR.
A. Silangan D. Cavite
B. Bulacan E. Rehiyon IV-A
C. Laguna de Bay F. Kanluran

ARALIN

Ang NCR ay isang malawak na kapatagan kung saan nakatayo


ang pambansang pamahalaan, mga sentro ng kultura, pang-
edukasyon, at kalakalan. Dahil dito maraming mga naglalakihang
gusali ang makikita rito. Mayroon din ang rehiyon na ito ng look,
lambak at talampas. Hinahati ng Ilog Pasig ang kalakhang
Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan
kinahahanggan nito, ang Manila Bay sa Kanluran at Laguna de

2 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
Bay sa Silangan. Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang
NCR, subalit pinakamatao at pinakamakapal
ang populasyon nito.

MANILA
BAY

Ang mga karatig lalawigan ng NCR, katulad ng Rehiyon IV-A


o CALABARZON ay mayaman sa likas na yaman. Mapalad ang
lugar na ito sapagkat naririto ang mayamang karagatan,
malawak na taniman, bakahan, kagubatan, kabundukan at
minahan. Niyog ang pangunahing produkto ng rehiyong ito.
Maraming mga ilog, talon, lawa, at bundok sa lugar na ito. Sa
Rehiyon na ito matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa
Pilipinas, ang Laguna de Bay.
Sa kabilang dako, ang Rehiyon III o Gitnang Luzon na karatig
rehiyon ng NCR sa Hilaga ang may pinakamalaking kapatagan
sa bansa at nanggaling ang malaking suplay ng bigas sa bansa,
kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" o Rice
Granary of the Philippines. Mayroon din itong mga dalampasigan
at bundok katulad ng Bundok Arayat. Dahil sa kalapitan nito sa
NCR, dumarami na rin ang mga gusaling pang-industriya sa
rehiyon na ito.

3 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pahayag. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Anong rehiyon ang pinakamaliit sa buong Pilipinas?
A. NCR
B. Rehiyon IV-A
C. Rehiyon III
2. Ang rehiyon na ito ang nagsusuplay ng bigas sa bansa.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A
3. Sa rehiyon na ito matatagpuan ang pinakamalaking lawa
sa buong Pilipinas, ang Laguna de Bay.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A
4. Niyog ang pangunahing produkto ng rehiyong ito.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A
5. Ano sa sumusunod na pahayag ang totoo?
A. Ang NCR ay sentro ng kalakalan sa buong bansa.
B. Ang Rehiyon IV-A ay higit na mas maunlad sa NCR.
C. Ang Rehiyon III ay maraming anyong tubig tulad ng
Laguna de Bay

Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Anong ilog ang nagdurugtong sa Manila Bay at Laguna
de Bay?
A. Ilog Marikina
B. Ilog Pasig
C. Ilog Taguig

4 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
2. Ano ang kabuuang pisikal na katangian ng NCR?
A. Kapatagan
B. Kabundukan
C. Lambak
3. Pinakamatao ang rehiyon na ito.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A
4. Mapalad ang lugar na ito sapagkat naririto ang
mayamang karagatan, malawak na taniman, bakahan,
kagubatan, kabundukan at minahan.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A
5. Dahil sa kalapitan nito sa NCR, dumarami na rin ang mga
gusaling pang-industriya sa rehiyon na ito.
A. NCR
B. Rehiyon III
C. Rehiyon IV-A

Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin kung saang rehiyon matatagpuan ang
sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.
_____1. Ilog Pasig
_____2. Laguna Lake
_____3. Bundok Arayat
_____4. Rice Granary of the Philippines
_____5. Manila Bay
A. NCR B. Rehiyon IIII C. Rehiyon IV-A

PAGLALAHAT
Panuto: Batay sa aralin, ano-anong anyong lupa at tubig ang
matatagpuan sa bawat rehiyon. Isulat ang sagot sa mga kahon.
Rehiyon Anyong Lupa Anyong Tubig
NCR 1. 1.
Rehiyon III 1. 1.
Rehiyon IV-A 1. 1.

5 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
PAGPAPAHALAGA

1. Sa iyong palagay, ano ang pinagkaiba ng NCR sa mga


karatig lalawigan nito?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Anong mga kabuhayan, produkto, at katangiang mayroon
ang NCR at sadyang napakaunlad ng rehiyon na ito?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag.


Isulat sa patlang ang J kung ang pahayag ay tama at L kung
mali.
___________1. Ang NCR ay napapaligiran ng mga
nagtataasang gusali, sentro ng pamahalaan,
edukasyon, kultura at kalakalan.
___________2. Maraming bulubundukin sa Cavite at NCR.
___________3. Katulad ng NCR, malawak din na kapatagan
……………………ang Rehiyon III.
___________4. Ang Rehiyon IV-A ay maraming lawa, bundok,
…………………….ilog at talon.
___________5. Ang bawat rehiyon ay may pagkakapareho at
…………………….pagkakaiba ng pisikal na katangian.

6 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17
SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17 7
Paunang Pagsubok Balik-Aral
1. A 1.B
2. A 2.C
3. A 3D
4. B 4. E
5. C 5. F
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. A 1. B 1. A
2. B 2. A 2. C
3. C 3. A 3. B
4. C 4. C 4. B
5. A 5. B 5. A
Paglalahat
Rehiyon Anyong Lupa Anyong Tubig
NCR 1. Kapatagan 1. Ilog
2. Lambak 2. Look
3. Talampas
Rehiyon III 1. Kapatagan 1. Dalampasigan
2. Bundok
Rehiyon IV-A 1. Kabundukan 1. Karagatan
2. Bundok 2. Ilog
3. Talon
4. Lawa
Panapos na Pagsusulit
1. J 2. L 3. J 4. J 5. J
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Aralin Panlipunan Teacher’s Guide pg. 156-157

Free World Maps. Provinces of Luzon.


https://www.freeworldmaps.net/asia/philippines/luzon/luzon-provinces-
map.jpg

Frumencio Co. August 2017. A Map of NCR with City Labels. Research Gate.
https://www.researchgate.net/profile/Frumencio-
Co/publication/319310671/figure/fig1/AS:531987815714816@1503847187102/A-Map-
of-NCR-with-City-Labels.png

https://tl.wikipedia.org/wiki/Gitnang_Luzon

https://www.wikiwand.com/en/Index_of_Metro_Manila-related_articles

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakhang_Maynila

https://www.slideshare.net/ceetrie/rehiyon-iv-a-15119846

8 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_17

You might also like