You are on page 1of 14

MTB-MLE 1

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
MTB-MLE– Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Nakapagbibigay ng Kasalungat sa Paglalarawan ng mga
Salita.
Ikalawang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Nenita C. Fruylan
Editor: Jocelyn C. Rivera
Victor M. Javeña, EdD Liza A. Alvarez, EPS -
Tagasuri: Bernadette C. Graspela Science/STEM/SSP
• Nilalaman: Ma. Menchie C. Moreno, Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Marjorie F. Batan Mathematics, ABM
• Wika: Yejean D. Delfin, Joselito E. Calios, EPS -
Liza Mae G. Roldan English/SPFL/GAS
• Teknikal: Jane Ross G. Nokom Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Zyril P. Baylon
Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Tagalapat: Raquel R. Santos
Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Ma. Danessa T. Bulingit
MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Management Team:
Librada L. Agon, EdD, EPS
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
EPP/TLE/TVL/TVE
OIC-Schools Division Superintendent Dulce O. Santos, PhD, EPS
Carolina T. Rivera, CESE Kindergarten/MTB-MLE
Assistant Schools Division Superintendent Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Manuel A. Laguerta, EdD Special Education Program
Chief, Curriculum Implementation Division Wilma Q. Del Rosario, EPS -
Victor M. Javeña, EdD LRMS/ADM
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
MTB-MLE

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE- Unang Baitang ng Modyul para sa
araling Nakapagbibigay ng Kasalungat sa Paglalarawan ng mga Salita !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing
Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa


pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21
siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking, and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa


loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE Unang Baitang Modyul ukol sa


Nakapagbibigay ng Kasalungat sa Paglalarawan ng mga Salita !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Masusukat dito ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Masusukat dito ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, magbibigay ang guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito, ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito, titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Masusukat dito ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-


aaral ay nakapagbibigay ng kasalungat sa paglalarawan
ng mga salita.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang kasalungat ng bawat salita.Piliin


ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. malakas -
2. kaibigan -
3. mataba -
4. itim -
5. mahaba -

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
BALIK-ARAL

Panuto: Lagyan ng bituin ( ) kung ang pares ng salita ay


magkapareho ng kahulugan at tatsulok ( )
naman kung magkasalungat ang kahulugan ng
salita.
_______ 1. (masaya, maligaya)
_______ 2. (matamis, mapait)
_______ 3. (mayaman, mahirap)
_______ 4. (bata, matanda)
_______ 5. (maputla, mapula)

ARALIN
Ano ba ang ibig sabihin ng magkasalungat? Para
mas lalo mong maintindihan ang ating aralin, ito ang
mga halimbawa ng mga magkasalungat na mga salita:

malaki maliit

masaya malungkot

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
Narito ang ilang pares ng mga salita na may
magkasalungat na kahulugan.

araw – gabi
makapal – manipis
masipag – tamad
malayo – malapit
itaas – ibaba
makinis – magaspang

Ang mga salitang iyong binasa ay pares ng


mga salita na kabaliktaran ang kahulugan o hindi
magkatulad ang kanilang kahulugan. Ito ay
tinatawag na mga salitang magkasalungat.

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang kasalungat ng salitang may
salungguhit sa pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Masaya si Beth sa regalong natanggap.
A. maligaya B. malungkot C. masipag
2. Malawak ang plasa ng Pasig.
A. malaki B. maganda C. masikip
3. Ang batang hindi kumakain ng gulay at
prutas ay nagiging sakitin.
A. malusog B. mataba C. payat
4. Uminom ako ng malamig na tubig.
A. maasim B. mainit C. matamis
5. Pumasok ka sa loob ng bahay.
A. gilid B. gitna C. labas

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
Pagsasanay 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasalungat ng
mga sumusunod na salita. Isulat ang
tamang sagot sa papel.
1. madilim
2. mabait
3. ayaw
4. tulog
5. mabangis

Pagsasanay 3
Panuto: Sa tulong ng mga larawan, buuin ang
pangungusap gamit ang mga angkop na
salitang magkasalungat.

1.Ang pagong ay . Ang kabayo naman ay .

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
2. Ang bulak ay . Ang bato naman ay .

3. Ang tubig ay . Ang sopas naman ay ______.

4. Ang pintuan ay . Ang refrigerator ay .

5. Ang asin ay . Ang kendi naman ay .

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
PAGLALAHAT

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa


pangungusap at M kung mali. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.

1.Ang salitang magkasalungat ay


magkabaliktad ang kahulugan.
2. Magkatulad ang kahulugan ng salitang
magkasalungat.
3. Ang asul na dagat ay bughaw rin.
Ang asul at bughaw ay magkasalungat.
4. Ang gabing madilim ay maliwanag.
Ang salitang nakasalungguhit ay
magkasalungat.
5. Ang bukiring malawak ay maliit.
Ang salitang malawak at maliit ay
magkasalungat.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat ang 5 magandang katangian mo. Ibigay


ang kasalungat ng mga salitang ito.
MAGANDANG KATANGIAN KASALUNGAT

1.

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
2.
3.
4.
5.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap.Piliin ang


kasalungat ng salitang may salungguhit. Piliin
ang letra ng tamang sagot sa papel.
1.Bumili si Abby ng maraming kendi sa tindahan.
A. kakaunti B. sapat C. wala

2.Nakabukas ang pinto.


A. nakaharap B. nakalaylay C. nakasara

3. Ang rosas ay mabango.


A. mabaho B. matamis C. maganda

4.Si Boboy ay umakyat sa hagdan.


A. bumaba B. gumilid C. tumalon

5.Ang buhok ni Alvin ay kulot.


A. mahaba B. manipis C. tuwid

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
DepEd Image Bank

SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_1_Modyul_6

You might also like