You are on page 1of 15

MTB-MLE 2

MTB-MLE – Ikalawang Baitang


Ikalawang Kwarter – Modyul 10: Pagsulat at Pagsipi ng Salita, Parirala at
Pangungusap na may Wastong Espasyo ang Letra at Salita
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Edralyn C. Erasga


Editors:
Tagasuri: Diana E. Acujeda , Vivian U. Bantigue
Azineth A. Bobis , Cindy C. Macaso Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Nilalaman: Glowen G. Santos Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Medy Nota Mathematics, ABM
• Wika: Cindy C. Macaso Joselito E. Calios, EPS -
• Teknikal: Ana J. Minguez English/SPFL/GAS
Tagaguhit: Dylan Russel A. Omaga Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Tagalapat: Leny V. Abong Filipino/GAS/Piling Larang
Ronnel B. Felonia Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Management Team: MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Librada L. Agon, EdD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent EPP/TLE/TVL/TVE
Carolina T. Rivera, CESE Dulce O. Santos, PhD, EPS
Assistant Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Manuel A. Laguerta, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Chief, Curriculum Implementation Division Special Education Program
Victor M. Javeña, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MTB-MLE 2
Ikalawang Kwarter
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10

Pagsulat at Pagsipi ng Salita,


Parirala at Pangungusap na may
Wastong Espasyo ang Letra at
Salita
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 Modyul 10 para sa
araling “Pagsulat at Pagsipi ng mga Salita, Parirala at Pangungusap na may Wastong
Espasyo ang Letra at Salita.”

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng Lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 2 Modyul ukol sa “Pagsulat at Pagsipi ng


mga Salita, Parirala at Pangungusap na may Wastong Espasyo ang Letra at Salita.”

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong makapagbigay ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Masusukat dito ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Masusukat dito ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, magbibigay ang guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito, ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito, titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Masusukat dito ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga bata ay


inaasahang :
• makasisipi at makasusulat ng mga salita, parirala at
pangungusap na sumusunod sa wastong paraan ng
pagsulat, wastong espasyo sa pagitan ngletra at
salita.

PAUNANG PAGSUBOK
Lagyan ng (tsek ) / kung ang sumusunod na grupo ng
mga salita, parirala at pangungusap ay wasto ang
pagkakasulat at (ekis) X kung hindi

1. Nakikiisa ang barangay sa pagsugpo sa sakit na


Covid-19.
2. kapitan bubot guevarra
3. tahanang may pagmamahalan
4. Maghugas palagi ng kamay upang malayo sa
sakit.
5. santo tomas

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
BALIK-ARAL

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga


di pamilyar na salita sa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. face mask A. Isang sakit na nakahahawa


na ang karaniwnag
sintomas ay sipon, ubo at
lagnat.

2. quarantine B. Tamang layo sa kausap


upang hindi mahawaan ng
sakit.

3. isang metro C. Ginagamit na pantakip sa


ilong at bibig upang
makaiwas sa sakit.
4. hand washing
D. Pananatili natin sa loob ng
ating bahay.

5. COVID-19
E. Palagiang paghuhugas ng
ating kamay.

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
ARALIN

Basahin at pansinin ang sumusunod na salita,parirala


at pangungusap.
Mga Parirala
sa aming barangay nasa tabing-ilog
maghugas ng kamay

Mga Pangungusap
Ang mga bata ay naglalaro sa palaruan.
Si Mang Jose ay naglilinis sa paligid ng paaralan.Ang
mangga ay mayaman sa bitamina C.

Ang parirala ay grupo ng mga salita na hindi buo ang


diwa samantalang ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na buo ang diwa. Ang mga salita, parirala at
pangungusap ay dapat na isinusulat nang may tamang
espasyo sa pagitan ng letra at salita. Hindi dapat
magkakadikit ang mga letra. Ganiyan ang wastong
pagsulat ng mga salita, parirala at pangungusap.

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Ilagay ang Tama sa patlang kung wasto ang
pagkakasulat ng mga salita, parirala, at pangungusap at
Mali kung hindi.

1. Ang aming mayor ay masipag.


2. mataas na kaso ng gumagaling
3. ang nagkakasakit ay nasa pasig city general
hospital upang gamutin.
4. Si dr. salas ay isang “frontliner” sa isangpagamutan.
5. kami ay nakatira sa malinis na bahay.

Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang letra na angkop na sagot sa bawat
larawan.
1.
A. bilog na buwan
B. mainit na araw

2.
A.papunta sa kubo
B.papasok ng paaralan

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
3. A.nasa itaas ng puno
B.nasa ilalim ng mesa

A.kumakain
4. B.nag-aaral

A.pagtatapon ng basura sa
5. tamang basurahan
B.pagtatapon ng basura sa
ilog

Pagsasanay 3
Panuto: Sipiin nang wasto at maayos ang mga salita,
parirala atpangungusap.
1. Si Dr. Cruz ay isang magaling na manggagamot.
2. masarap mag-aral
3. Si Lorna ay masipag na mag-aaral.
4. malinis na kagamitan
5. Ang Pasig ay tinawag na “Green City”.

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
Naisulat ko ba nang wasto at maayos ang mga 5
salita,parirala at pangungusap na may tamang
espasyo sapagitan ng letra at salita ?
Naisulat ko ba nang wasto at maayos ang mga 4
salita, parirala at pangungusap na may tamang
espasyo ang letra ?
Naisulat ko ba nang maayos at wasto ang mga 3
salita,parirala at pangungusap?

PAGLALAHAT

Isulat ang pangungusap na may wastong espasyo


ang mga letra at salita.
Ako ay nagdarasal bago matulog sa gabi at
pagkagising sa umaga.
Tandaan
May mga pamantayan sa pagsipi at pagsulat ng
mga pangungusap.
a. Isulat ang mga salita nang may tamang espasyo.
b. Gumamit ng malaking letra sa unahan ng
pangungusap.

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Lagyan ng ❤ ang mga parirala o


pangungusap nanagpapakita ng kahalagahan ng
pakikinig sa guro.
Naiintindihan nang mabuti ang aralin.
Nagtatanong sa katabi ng sagot.
Mataas ang grado sa pagsusulit
Nag-iingay
Nakasasagot agad kapag tinatanong ng guro

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang letra ng wastong parirala o


pangungusap na angkop sa larawan.

A.ang orasan ay parihaba.


1.
B.Ang orasan ay bilog.
C. Ang orasan ay tatsulok.

A.Ang batang babae ay kumakain.


2.
B.Ang batang babae ay nalilgo
C.Ang batang babae ay nag-aaral.

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
3. A. Ang lapis ay matulis.
B. Ang lapis ay malaki.
C. Ang lapis ay masarap.

4. A.may apat na paruparo


B.maraming paruparo
C.may dalawang paruparo

A.nakatira sa kalawakan
5. B.nakatira sa lupa
C.nakatira sa tubig.

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10
9
Panapos na Pagsusulit
1. B
2. A
3. A
4. C
5. C
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. Tama 1. B 1. Si Dr. Cruz ay isang magaling na
manggagamot.
2. mali 2. A
2. masarap mag-aral
3. Mali 3. B
3. Si Lorna ay masipag na mag-
4.Mali 4. A
aaral.
5.Mali 5. A
4.malinis na kagamitan
5. Ang Pasig ay tinawag na “Green
City”
Balik-aral Paunang Pagsubok
1. C 1. /
2. D 2. X
3. B 3. /
4.E 4. /
5.A 5. X
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Department of Education Image Bank

Cartoon Story Maker V1.1 Software Application

Grace Urbien-Salvatus, Babylen Arit-Soner, Nida Casao-Santos, Riane Pesigan-


Tiñana.2013.Mother Tongue-Based Multiligual Education Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog.MGO Enterprises.dd 67-68
Department of Education Image Bank PicturesPangungusap at Parirala. June 2,
2020.
https://teacherworksheets.co.uk/sheets/pangungusap-at-parirala

Worksheets sa Salita, Parirala at Pangungusap. June 4, 2020.


https://www.google.com/search?q=worksheet+sa+salita%2C+parirala+at+pangung
usap&oq=&aqs=chrome.1.69i59l8.936028865j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

Grade 2 Filipino Pangungusap o Parirala. June 4, 2020.


https://docs.google.com/viewer?url=http://ourhappynest.com/wp-
content/uploads/2012/11/Grade2_Filipino_Pangungusap-o-Parirala.pdf

10

SDO_Pasig_Q2_MTB-MLE_2_Modyul_10

You might also like