You are on page 1of 13

Mathematics 3

Kwarter 1
Modyul 4
Nakababasa at Nakasusulat
ng Bilang Hanggaang 10,000
sa Simbolo (Figure) at sa Salita

1
Mathematics– Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Nakababasa at Nakasusulat ng Bilang Hanggang 10,000
sa Simbolo (Figure) at sa Salita.
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Eva S. Linezo Victor M. Javeña, EdD


Editors: Chief, School Governance and Operations
• Nilalaman: Hanna M. Ledesma, Victoria R. Division
delos Santos Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
• Wika: Shielah Marie B. Pascual, Divina V. Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Cagayan Mathematics, ABM
Tagasuri:Lani M. Garcia Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
• Nilalaman: Hanna M. Ledesma, Victoria R. Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
delos Santos, Dindo D. Vicente Filipino/GAS/Piling Larang
• Wika: Shielah Marie B. Pascual, Divina V. Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Cagayan Norlyn D. Conde, EdD, EPS
• Teknikal: Rona C. Almazan MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Tagaguhit: Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Librada L. Agon, EdD, EPS
Rona C. Almazan EPP/TLE/TVL/TVE
Dulce O. Santos, PhD, EPS
Management Team: Kindergarten/MTB-MLE
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
OIC-Schools Division Superintendent Education Program
Carolina T. Rivera, CESE Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

i
Mathematics 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Nakababasa at Nakasusulat ng Bilang
Hanggaang 10,000 sa Simbolo (Figure) at
Salita

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 3 ng Modyul 4
para sa araling Nakababasa at Nakasusulat ng bilang Hanggang 10.000 sa Simbolo
(Figure) at Salita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 3 Modyul 4 tungkol sa araling


araling Nakababasa at Nakasusulat ng bilang Hanggang 10,000 sa Simbolo (Figure)
at Salita

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

iv
INAASAHAN
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makabasa at
makasulat ng bilang hanggang 10,000 sa simbolo (figures), at sa
salita.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Hanapin sa kolum B ang simbolo ng pasalitang bilang sa


kolum A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Kolum A Kolum B
____1. limang libo, at labimpito A. 1,479
____2. tatlong libo, apat na raan, limampu’t siyam B. 2,805
____3. anim na libo, dalawang daan, walumpu’t tatlo C. 3,459
____4. isang libo, apat na raan, pitumpu’t siyam D. 5,017
____5. dalawang libo, walong daan, at lima E. 6,283

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang mga salitang bilang sa bawat patlang na
binubuo ng mga digits na nasa place value chart.
PLACE VALUE CHART
LIBUHAN UNITS
(Thousands)

Libuhan Sandaanan Sampuan Isahan


(Thousands) (Hundreds) (Tens) (Ones)

2 3 4 8

1
SDO_Pasig_Q1_Math_3_Modyul_4
1 9 7 2
5 0 9 8
4 8 6 5
3 0 0 0

1._____________________________________________________
2._____________________________________________________
3._____________________________________________________
4._____________________________________________________
5._____________________________________________________

ARALIN

Basahin at unawain.
Ang mag-asawang Roy at
Rosie ay nakagawa ng iba’t
ibang kulay ng mask na umabot
sa 6,450 sa loob ng tatlong
buwan. Ito ang naging
alternatibong pinagkakitaan nila
habang hindi pa nakababalik sa
trabaho sa panahon ng
pandemyang COVID-19.

Mga Tanong:
1. Ano ang alternatibong pinagkakitaan ng mag-asawang Roy
at Rosie sa panahon ng pandemya?
___________________________________________________
___________________________________________________
2. Paano ito nakatulong sa pamumuhay ng kanilang pamilya?

2
SDO_Pasig_Q1_Math_3_Modyul_4
______________________________________________
______________________________________________
3. Ilang mask ang nagawa nila sa loob ng tatlong buwan?
___________________________________________________
___________________________________________________
4. Ilang digits mayroon ang 6,450?
___________________________________________________
___________________________________________________________
5. Anong digit ang nasa libuhan (thousands)?
______________________________________________
____________________________________________________________

6. Paano mo isusulat ang 6,450 sa salita?


______________________________________________
___________________________________________________
Talakayin natin.
Upang lubos na maunawaan kung paano
isusulat ang 6,450 sa salita, ilagay natin ito sa Place
Value Chart.
PLACE VALUE CHART
Libuhan Sandaanan Sampuan Isahan
(Thousands) (Hundreds) (Tens) (ones)

6 4 5 0
Ang kinakatawang value ng digit 6 ay 6,000.
Ang kinakatawang value ng digit 4 ay 400.
Ang kinakatawang value ng digit 5 ay 50.
Ang kinakatawang value ng digit 0 ay 0.

Sa pagsulat ng 6,450 sa salita, dapat alam natin ang


place value ng bawat digit. Isusulat ito kung paano natin
binabasa ang kinakatawang value mula sa kaliwa papunta
sa kanan.
Kaya babasahin natin ang 6,450 ng:
Anim na libo, apat na raan at limampu

3
SDO_Pasig_Q1_Math_3_Modyul_4
Iba pang halimbawa:
Simbolo (Figures) Salita
7 386 pitong libo, tatlong daan, walumpu’t anim
4 016 apat na libo, at labing anim
9 365 siyam na libo, tatlong daan, animnapu’t lima

Sa pagsulat ng mga salitang bilang sa simbolo


(figure), isulat kung paano ito binabasa mula sa
kaliwa papunta sa kanan.

Halimbawa:
Salita Simbolo o Figures
1. walong libo, apatnapu’t siyam 8,049
2. tatlong libo, pitong daan dalawampu’t isa 3,721
3. anim na libo, dalawang daan at labing siyam 6,219

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1:
Panuto: Isulat sa patlang ang simbolo (figures) ng sumusunod
na bilang.
__________1. dalawang libo, tatlong daan, at limampu
__________2. tatlong libo, pitong daan, apatnapu’t walo
__________3. anim na libo, tatlumpu’t dalawa
__________4. walong libo, anim na raan, apatnapu’t tatlo
__________5. sampung libo
Pagsasanay 2:
Panuto : Ang sumusunod ay expanded form ng mga
bilang, isulat ang mga ito sa simbolo (figures).
1. 2,000 + 800 + 30 + 4 = _______________________

4
SDO_Pasig_Q1_Math_3_Modyul_4
2. 90 + 2 + 4,000 + 600 = _______________________
3. 6,000 + 50 + 6 = _______________________
4. 5 + 30 + 900 + 7,000 = _______________________
5. 8,000 + 500 + 9 = _______________________
Pagsasanay 3:
Panuto: Isulat sa salita ang bawat bilang.

1. 2,739
________________________________________________
2. 3,204
________________________________________________
3. 5,483
________________________________________________
4. 7,694
________________________________________________
5. 8,513
_________________________________________________

PAGLALAHAT
Panuto: Paano natin binabasa at isinusulat ang bilang sa simbolo
(figures) sa salita?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

5
SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_4
PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalagang marunong kang bumasa at sumulat ng


bilang sa simbolo o figure at sa salita?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang simbolo (figure) o salita ng


sumusunod na bilang.

1. 7,149 ___________________________________________________
___________________________________________________
2. 5,081 ___________________________________________________
___________________________________________________
3. 9,453 ___________________________________________________
___________________________________________________
4. limang libo, walumpu’t isa ______________________________
5. anim na libo, tatlong daan, pitumpu’t dalawa ___________

6
SDO_Pasig_Q1_Math_3_Modyul_4
SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_4
7
Paunang Pagsubok
1. D 2. C 3. E 4. A 5. B
Balik Aral
1. dalawang libo, tatlong daan, at apatnapu’t walo
2. isang libo, siyam na raan, at pitumpu’t dalawa
3. limang libo, at siyamnapu’t walo
4. apat na libo, walong daan, at animnapu’t lima
5. tatlong libo
Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. 2 350 1. 2 834 1. Dalawang libo, pitong daan, tatlumpu’t
siyam
2. 3 748 2. 4 692 2. Tatlong libo, dalawang daan, at apat
3. 6 032 3. 6 056 3. Limang libo, apat na daan, walumpu’t
tatlo
4. 8 643 4. 7 935 4. Pitong libo, anim na daan, siyamnapu’t
apat
5. 10 000 5. 8 509 5. Walong libo, limang daan at labintatlo
Panapos na Pagsubok
1. pitong libo, isang daan apatnapu’t siyam
2. limang libo, walumpu’t isa
3. siyam na libo, apat na raan limampu’t tatlo
4. 5 081
5. 3 372
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Bennagen Laya , Math World 3,839 EDSA, South Triangle, Quezon City, C&E
System Publishing Inc., 2014
Chingcuangco, Ofelia, Henry Contemplacion, Eleanor Flores, Laura
Gonzaga,
Carolina Guevara, Ma. Corazon Silvestre, Teresita Tagulao et al.,
Mathematics- Ikatlong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral
saTagalog, Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon,2014
Marcos Winsdy Joy , Nila R. Jaramillo, Josefina Tan,., Soaring 21st Century
Mathematics Grade ,Quezon City, Phoenix Publishing House , Inc.,
2014

8
SDO_Pasig_Q1_Math_1_Modyul_4

You might also like