You are on page 1of 4

Department of Education

Region IV – CALABARZON
Division of San Pablo City
FuleAlmeda District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City

Banghay-Aralin sa MTB-MLE 1
S.Y. 2018-2019
I. Layunin:
M1ME-Iva-2
Natutukoy ang araw o buwan gamit ang kalendaryo
II. Paksa: Buwan ng Taon
Sanggunian: Curriculum Guide pah. 12, Gabay ng Guro pah. 55-56
Kagamitan: power point presentation, kalendaryo
Magandang-asal: pagbibigayan at pagmamahalan
II. Pamamaraan/Gawain
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Itanong:
1. Ano-ano ang araw sa isang linggo?
2. Ilan ang araw sa isang linggo?
B. Panlinang na gawain/Paghahabi ng layunin ng gawain
Pangkatang Gawain:
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang puzzle na kanilang bubuuin. Ang
unang makakabuo ng larawan ang siyang panalo at papalakpakan ng “Ang galing
galing clap”

pangkat 1 pangkat 2 pangkat 3


pangkat 4

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Tanong:
1. Anong larawan ang nabuo ng pangkat 1? pangkat 2? pangkat 3? pangkat 4?
2. Kailan natin ipinagdiriwang ang Bagong Taon?
3. Kailan natin ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?
4. Kailan natin ipinagdiriwang ang Araw ng Pagtatapos?
5. Kailan natin ipinagdiriwang ang Pasko?
6. Ano ang dapat nating gawin sa araw ng pasko?
7. Dapat bang magalit tayo sa ating magulang kung wala tayong bagong damit sa
Araw ng Pasko? Bakit?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
 Magpapakita ng kalendaryo sa mga ang guro at tatanungin kung ano
nakikita nila.
 Ipabasa sa mag-aaral ang mga buwan sa isang taon
 Itanong kung sa anong letra nagsisimula ang bawat buwan at ipatunog ito.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Tingnan ang kalendaryo at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Enero 2019
Linggo Lunes Martes Miyerkul Huwebes Biyernes Sabado
es
3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
1. Ilan ang araw sa buwan ng Enero?_____
2. Anong araw ang Bagong Taon?___________
3. Anong araw ang Enero 28?________
4. Anong buwan ang susunod sa Enero?___
5. Anong araw ang Enero 21?_______

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Pangkatang Gawain: Hahatiin ng guro ang mga bata sa 4 na pangkat
Pangkat 1: Isulat ang nawawalang ngalan ng buwan sa patlang.
1. Enero, _________ Marso
2. ______, Hulyo, Agosto
3. Marso, Abril, ________
4. Agosto, ______, Oktubre
5. _________, Nobyembre, Disyembre
Pangkat 2:
Tingnan ang kalendaryo at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Enero 2019
Linggo Lunes Martes Miyerkul Huwebe Biyerne Sabado
es s s
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

1. Anong petsa ang huling Biyernes sa buwan Enero?__________________


2. Anong araw papatakan ang Enero 26?
3. Anong araw papatakan ang Enero 31??_____
4. Anong buwan ang kasunod ng Enero?_______
5. Ano-ano ang mga petsa ng lahat ng Sabado sa buwan ng Enero?

Pangkat 3:
Anong Pagdiriwang ang tinutukoy sa hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot
sa hanay B.

HANAY A HANAY B

______1. Enero 1 A. Araw ng Pasko

______2. Disyembre 25 B. Linggo ng Wika


______3. Pebrero 14 C. Bagong Taon

______4. Nobyembre 2 D. Araw ng mga Puso

______5. Agosto 19 E. Araw ng mga Patay

Pangkat 4: “Sige Ikanta mo”

Awit: Lubi-Lubi
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,
Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Lubi-lubi.
(Bigyan ng ang galing clap ang grupo na may pinakamataas na puntos)

PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN


Puntos Pamantayan
5 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may tamang lakas ng boses
Tahimik sa pagsasagawa.
4 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
3 May isang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
2 May dalawang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.
1 May tatlong mali sa sagot.
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ipahanap sa kalendaryo ang petsa ng kaarawan ng mapipiling mag-aaral at
sasabihin niya kung sa anong araw ito mapapatapat.
H. Paglalahat ng Aralin
Paano ang paghanap ng petsa sa kalendaryo?
Tandaan:
Hanapin muna ang buwan.
Hanapin ang binigay na araw
Hanapin ang petsa sa hanay na katapat ng araw na ibinigay.

I. Pagtatataya ng aralin
Enero 2019
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
1. Anong petsa ang huling Huwebes sa buwan ng Enero?
A. 31 B. 3 C. 10 D. 17

2. Anong araw papatakan ang araw ng Bagong Taon?


A. Martes B. Miyerkules C. Huwebes D. Biyernes

3. Anong petsa ang unang linggo ng Enero?


A. 1 B. 6 C. 15 D. 18

4. Anong araw ang Enero 29 ?


A. Linggo B. Lunes C. Martes D. Miyerkules

5. Anong buwan ang kasunod ng Enero?


A. Pebrero B. Marso C. Abril D. Hunyo

J. Karagdagang Gawain (para sa takdang aralin o remediation)


Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang

____1. Ano ang unang buwan sa isang taon?


____2. Ilang buwan mayroon sa isang taon?
____3. Ano ang ikawalong buwan sa isang taon?
____4. Ano ang huling buwan sa isang taon?
____5 Ano ang buwan sa pagitan ng Enero at Marso?

Inihanda ni:

AIRA O. ARAGUAS
Guro sa Unang Baitang

Iwinasto ni:

GINA M. BELEN
Master Teacher II

Binigyang Pansin ni:

PABLO F. URGENA
Principal II

You might also like