You are on page 1of 5

Department of Education

Region IV – CALABARZON
Division of San Pablo City
FuleAlmeda District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City

Banghay-Aralin sa MTB-MLE 1
S.Y. 2018-2019
I. Layunin:
MT1PWR-IIa-i-1.1
Naibibigay ang ngalan at tunong ng bawat letra
Natutukoy ang malaki at maliit na letra
II. Paksa: Letrang Dd
Sanggunian: K-12 Curriculum, MTB-MLE Teaching Guide pp. 220-222
Kagamitan: larawan, power point presentation, puzzle, tunay na bagay na
nagsisimula sa letrang Dd
Magandang-asal: Pagmamahal sa pamilya
III. Pamamaraan/Gawain
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral

Itaas ang kung ang larawan ay nagsisimula sa Pp at kung


hindi.

1.

2.

3.

4.

5.
B. Panlinang na gawain/Paghahabi ng layunin ng gawain
Ipakita ang larawan
Itanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Sino-sino ang bumubuo ng isang pamilya?
3. Ano kaya ang mangyayari kung wala si nanay?
4. Ano kaya ang mangyayari kung wala si tatay?
5. Matatawag pa rin bang pamilya kung wala ang nanay o kaya naman ay wala
ang tatay? Bakit?
6. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Itanong: Ilan kaya ang anak ng pamilyang nasa larawan?
Alam na ba ninyo lahat kung ano ang bilang na dalawa?
Piliin sa mga larawan ang may bilang na dalawa
1.

A B C

2.

A C
B

3.

C
A B

Tanong: Saang letra nagsisimula ang bilang na dalawa.

dalawa

Tanong: Ano kaya ang tunog ng letrang Dd?


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Larong Pangkatan (Pagbuo ng puzzle)
Ang unang makakabuo ng puzzle ang mananalo

Pangkat 1:
Pangkat 2:

Pangkat 3:

Pangkat 4:

Tanong: Sa anong letra nagsisimula ang bawat larawan?


Ano kaya ulit ang tunog ng letrang Dd?
Ano-ano pa kayang bagay ang nagsisimula sa letrang Dd?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Tanong: Paano isinusulat ang letrang Dd?
Kailan natin isinusulat ang malaking letrang Dd?
Tama kaya ang pagkakasulat ng sumusunod na ngalan? Bakit kaya?

Damo Dugo dingdong


dora

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Pangkatang gawain:
Pangkat 1: Lagyan ng / ang larawan na ang simulang tunog ay / Dd/ at X
naman kung hindi.

Pangkat 2: Kulayan ang larawan na nagsisimula sa letrang Dd.

Pangkat 3: Itambal ang larawan na nagsisimula sa letrang Dd sa letra sa gitna.

Pangkat 4: Bilugan ang simulang tunog ng larawan.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Puntos Pamantayan
5 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may tamang lakas ng boses
Tahimik sa pagsasagawa.
4 Lahat ng sagot ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
3 May isang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
2 May dalawang mali sa sagot
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.
1 May tatlong mali sa sagot.
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Laro: “Anong Dd”
Anong Dd ang hugis bilog na matamis at masarap kainin?
Sagot: Donut
Anong Dd ang galing sa puno na nalalaglag sa lupa?
Sagot: dahon
Anong Dd ang isinusuot ng tao?
Sagot: damit
Anong Dd ang kulay ang araw?
Sagot: dilaw
Anong Dd ang binabasa ng mga tao para malaman ang bagong balita?
Sagot: dyaryo

H. Paglalahat ng Aralin
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng letrang Dd?
Paano natin isinusulat ang malaki at maliit na Dd?

I. Pagtatataya ng aralin
Panuto: Isulat ang tamang simulang titik para sa sumusunod na salita,

1. ___agat

2. ___ora

3. ___ugo
4. ___amo

5. ___ahon

J. Karagdagang Gawain (para sa takdang aralin o remediation)


Gumupit ng larawan na nagsisimula sa letrang Dd.

Inihanda ni:

AIRA O. ARAGUAS
Guro sa Unang Baitang

Iwinasto ni:

GINA M. BELEN
Master Teacher II

Binigyang Pansin ni:

PABLO F. URGENA
Principal II

You might also like