You are on page 1of 2

DLP Blg.

9 Learning Area: Grade Quarter: 4th Duration:40


ARALING Level : 4 MINUTES
PANLIPUNAN
Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin.
Mga Kasanayan 2.2 Natatalakay ang tungkulin ng mamamayang Pilipino. Code: AP4KPB -
(Pagmamahal sa Bayan, Pagtanggol sa Bansa, at Paggalang sa IVC-2
Watawat)

Susi ng Pag – unawa sa Ang tungkulin ay ang mga dapat gampanan o gawin ng mga mamamamyan kapalit o
Lilinangin: katumbas ng karapatang itinadhana ng batas para sa kanya.

Mga Layunin
Kaalaman Natatalakay ang tungkulin ng mga mamamayang Pilipino.

Kasanayan Naisasadula ang ilan sa mga tungkuling iniatang ng pamahalaan.


Kaasalan Naisasagawa nang may katapatan ang bawat tungkulin na dapat gampanan ng isang
mamamayan.

Kahalagan Napapahalagahan ang paggawa ng tama ng tungkulin ng bawat mamamayan para


sa katiwasayan at kaunlaran ng bansa.
2.Nilalaman
Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino
3.Mga Kagamitang
Pampagtuturo Projector , laptop ,video clip, mga larawan tungkol sa iba’t ibang karapatan at
tungkulin ng isang mamamayang Pilipino, LM, pp.346-348
4.Pamamaraan

Pagbabalik-aral:
4.1 Panimulang Gawain
( 2 minuto) Magpakita ng iba’t ibang larawan. Idikit ang mga ito sa pisara. Ipakilala sa
mga bata kung anong karapatan ng isang bata ang nakita nila sa mga larawan.
(Karapatang Mabuhay, Mahalin at Alagaan, Makapag-aral, Makapaglibang, at iba
pa.)

4.2 Mga Gawain / Estratehiya (8 Batay sa mga nakitang larawan, gamit ang isang “Mystery Box”, pabunutin
minuto) ng strips ang mga piling mag-aaral na naglalaman ng tungkulin na kaugnay o
katumbas sa mga nakitang larawan sa pisara.
(Alagaan ang sarili, Mag-aral mabuti, Igalang ang mga magulang, at iba pa.)

Pag-usapan ang mga sagot.

Magpakita ng isang video clip na may kaugnayan sa aralin. Isang awitin


4.3 Pag-susuri (2 minuto) tungkol sa isang Mabuting Pilipino ni Noel Cabangon. (see attached video).
Pagkatapos mapanood, itanong sa mga bata:
Anu-ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting Pilipino? Ano ang tawag
sa mga ito?
Malayang talakayan gamit ang powerpoint.
4.4 Pagtatalakay (12 minuto
Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Mga tungkulin na dapat gawin o
gampanan ng isang mamamayan.

- Pagmamahal sa Bayan: Tungkulin ng bawat mamamayan na maging tapat sa


bayan at alagaan ang kapakanan nito sa pamamagitan ng pagtangkilik sa
produktongyari sa ating bansa, ipagmamalaki ang ating kultura, at alamin ang
kasaysayan nito.
- Pagtatanggol sa Bansa: Kagaya sa mga ginawa ng ating mga bayani,
ipinagtanggol nila ang ating bansa. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa ating
bayan. Tungkulin ng mga mamamayan na ipagtanggol ang ating bansa laban sa
mga manggugulo, maninira nito. Handa nating ialay ang ating serbisyo para sa
kabutihan ng bansa. At ipakilala o ipagmalaki ang kagandahan at kagalingan ng
ating bansa.
- Paggalang sa Watawat: Ang ating pambansang watawat ang simbolo ng ating
bansa. Ito ang nagsisilbing larawan sa pakikipaglaban ng ating mga ninuno laban sa
mga dayuhan o mananakop para makamit ang ating kalayaan. Tungkulin nating
igalang ito. Bilang tanda ng paggalang, huminto, tumayo tayo nang tuwid habang
inaawit ang ating pambansang awit. Itiklop ito ng tama, alamin ang kasaysayan at at
kahulugan nito. At sundin ang mga alituntunin sa tamang paggamit nito.

Tandaan:
Ang tungkulin ay ang mga dapat gampanan o gawin ng mga mamamamyan kapalit
o katumbas ng karapatang itinadhana ng batas para sa kanya. Para sa katiwasayan
at kaunlaran ng ating pamumuhay maging sa ating bansa, ay dapat nating gawin ng
tama at gampanan ang ating mga tungkulin.

Mula sa napakinggang talakayan, pangkatin ang mga mag-aaral sa 3. Magpasadula


4.5 Paglalapat. ( 6 minuto) ng iba’t ibang gawain na nagpapakita ng kanilang tungkulin
Pangkat A- Pagmamahal sa Bayan
Pangkat B- Pagtatanggol sa Bansa
Pangkat C- Paggalang sa Watawat

4.6 Pagtataya

( 6 minuto ) Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang Tungkulin kung ito ay nagpapakita
ng isang tungkulin ng mamamayang Pilipino at Hindi Tungkulin kung ito ay
nagapapkita ng negatibo o hindi gawain ng isang mabuting mamamayan.

1. Paggalang sa ating pambansang watawat.


2. Pagtanggol sa ating bansa laban sa mga naninira nito.
3. Pagpili ng mga produktong yari sa ating bansa.
4. Alamin ang kasaysayan ang Pilipinas.
5. Ipagsawalang bahala ang kagandahan at kagalingan ng Pilipinas at mga Pilipino.

4.7 Takdang - Aralin


Basahin at unawain ang iba pang tungkulin ng mamamayang Pilipino sa inyong
(2 minuto ) LM sa AP sa pahina 348-349. Maghanda para sa susunod na klase.

4.8Paglalagom/ Panapos na Ang guro ay tatawag ng 2-3 mag-aaral upang makapagbigay buod sa paksang
Gawain (2 minuto) tinatalakay.
Prepared by:
Name : Cheryl C. Tito School: Cogon Cruz Integrated School
Position / Designation: Teacher III Division: Danao City
Contact Number: 09055527441 Email address: cheryl.tito@deped.gov.ph

You might also like