You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
District of Sibonga
__________________________________________________________
________

TEACHER-MADE LEARNER’S HOME TASK


School: MANGYAN ELEMENTARY SCHOOL Date: Q1-WEEK6DAY4
Grade/Section: VI - B Subject Area/s: ARALING PANLIPUNAN

I.MELC: Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag ng Unang


Republika.
II. Objective/s:
Knowledge: Nakikilala ang mga tao sa likod ng pagkatatag ng Iglesia Filipina Independiente.
Skills: Naisasalaysay ang layunin ng Iglesia Filipina Independiente.
Values/Attitude: Nabibigyang galang ang pagkatatag ng Iglesia Filipina Indepediente
III. Subject Matter Ang Simbahang Iglesia Filipina Independiente
IV. References:
V. Procedure:
Nakita ni Apolinario Mabini ang pangangailang magkaroon ng isang simbahang pamamahalaan ng mga
Pilipino na tapat sa ating bansa. Kaya noong Oktubre22, 1899 naglabas siya ng isang manipestong
A. Readings nanawagan sa lahat ng paring Pilipino na magtatag ng isang Pambansang Simbahan ng mga Pilipino.

Ang panawagan ni Mabini ay mainit na tinanggap ng mga paring Pilipino. Naisip ng mga paring Pilipino
na dapat ay pamahalaan ng mga Pilipino hindi lamang ang parokya kundi ang Katolisismo ng Pilipinas.
Si Gregorio Aglipay, tumatayong Military Vicar General, ay nagpatawag ng pagtitipon ng mga paring
Pilipino sa Paniqui, Tarlac noong Oktubre 23, 1899.
Layunin nina Aglipay at ng Asembleya ang Pilipinisasyon ng Simbahang Katoliko sa bansa.
Ang Iglesia Filipina Independiente ay isang denominasyon ng pananampalataya na may mga
tradisying kaparehas sa Romano Katoliko. Ang relihiyong ito ay sinimulan ni Isabelo de los Reyes de
Paccas noong 1902 at si Gregorio Aglipay ang naging pangulo nito. Kaya sa kasalukuyan ito ay kilalang
Simbahang Aglipayano dahil kay Gregorio Aglipay.
Ang simbahang ito tumiwalag sa Simbahang Romano Katoliko nang humupa ang himagsikang
Pilipino noong 1896.
Ititnatag ang Iglesia Filipina Independiente bilang kauna unahang malayang Katolikong
Simbahan ng mga Pilipino. Inaprobahan ang unang Konstitusyon ng IFI sa Sibakong, MaynilaOktubre 1,
1902. Dalawampu’t anim na araw matapos nito, isinagawa na ni Aglipay ang pinaka-unang misa. Sa
wakas ay naisakatuparan din ang gustong mangyari ng mga paring martir na sina Father Mariano
Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Ilan sa mga bunga ng Igesia Filipina Independiente ay ang mga sumusunod:
 Naging malaya ang Simbahang Pilipno
 Pagbabawal sa pagkilala sa mga dayuhang obispo
 Kasarinlan ng klerikong Pilipino mula sa superbisyon ng Espanya
 Nahiwalay ang Simbahang Pilipino sa Romano Katolikong Simbahan

Malaki ang papel ng Iglesia Filipina Independiente sa kasaysayan ng Pilipinas dahil salamin ito
ng pagpupursige ng mga Pilipino na maging malaya mula sa mga dayuhan. Nagpapakita rin ito ng
kapasidad ng mga Pilipino na magpatakbo ng sariling simbahan nang walang ibang nakikialam.

Sa ngayon ay mayroong tatlong milyong Aglipayans o miyembro ang simbahan. Karamihan nito
ay nasa rehiyon ng Ilocos. Isang porsyento lang ito sa kabuuang populasyon ng bansa. Pinahihintulutan
ng simbahang Aglipayan ang mga pari na mag-asawa. Taong 1939 nang pakasalan ni Aglipay si Pilar
Jamias ng Sarrat, Ilocos Norte.
Exercise 1:
B. Exercises for Skills Directions :Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Subjects/Analysis
Questions using 1. Kailan itinatag ang Iglesia Filipina Independiente?
HOTS for Content 2. Sino ang kauna-unahang obispo ng Iglesia Filipina Independiente?
Subjects 3. Ano ang pangunahing layunin ng Iglesia Filipina Independiente?
4. Anu-ano ang mga bunga ng pagtatag ng IFI?
5. Ano ang mga mabuting naidulot ng pagtatag ng Iglesia Filipina Independiente?
Exercise 2:
Sa inyong kwaderno ay gumawa ng talaan ng mga obispo ng Iglesia Filipina Independiente
pagkatapos mamatay ni Aglipay.
1. Paano mo mapapahalagahan ang papel ng Iglesia Filipina Independiente?
2. Ano ang mahalagang tungkulin ni Aglipay sa Simbahang Pilipino?

C. Assessment/ Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.


Application
1. Sino ang kauna-unahang obispo ng Iglesia Filipina Independiente? __________
2. Kailan itinatag ang ng Iglesia Filipina Independiente?________________
3. Ano ang pangunahing layunin nina Aglipay upang itatag ang Iglesia Filipina Independiente?
_________
4. Sino ang nagsimula ng relihiyong Iglesia Filipina Independiente? ______________
5. Sino-sino ang mga paring martir na unang naghangad ng kasarinlan ng Simbahang Pilipino?
_________________

Prepared by:

JOAHER GO -SODICTA
Teacher

Verified by:

ZENDA A. RAMOS, M.Ed.


School Caretaker

You might also like