You are on page 1of 2

GRADE 1 to Paaralan Baitang 1

12 Guro Asignatura Mathematics


DAILY Petsa Ikaapat- Week 4
Abril 22, 2024-Lunes Markahan
LESSON PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Demonstrates understanding of time and non-standard units of length, mass and capacity.
B. Pamantayan sa Pagganap Apply knowledge of time and non-standard measures of length, mass, and capacity in
mathematical problems and reallife situations

C. Mga Kasanayan sa Solves problems involving time (days in a week, months in a year, hour, half-hour, and
Pagkatuto (Learning quarter-hour) M1ME-IVb-4
Competencies) Isulat ang
code ng bawat kasanayan
II.NILALAMAN

A. Sanggunian Gabay sa Kurikulum ng K-12 page 16


1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag- PIVOT module pah. 18-22
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource
5. Iba pang Kagamitang Pangturo Larawan, Powerpoint Presentation
III. PAMAMARAAN
Balik-Aral Sabihin ang oras na ipapakita ng guro sa kanyang orasan.
Pag-awit ng “Hickory Dickory Dock”
Pagganyak
Suriin mo kung paano ipinakita at inilarawan ang paglutas ng isang suliranin. Halimbawa 1:
Nagluto ng hapunan Si Aling Vilma para sa kaniyang mag-anak. Tumagal ang kaniyang
pagluluto nang isang oras. Anong oras siya natapos magluto kung nagsimula siyang magluto
ng Ika-6 at 30 minuto ng gabi?

Halimbawa 2: Ganap na ika-5 ng Oktubre nagsimula ang unang araw ng pasukan. Ito ay
araw ng Lunes. Anong araw ang ika-26 ng Oktubre? Gamit ang kalendaryo tingnan kung
paano nilutas ang suliranin. Solusyon: Sa pamamagitan ng pagbilog ng mga araw sa
kalendaryo, makikita natin na ang araw sa ganap na ika-26 ng Oktubre ay Lunes. Iba pang
solusyon: (Division Method) 26 – 5 = 21 21 ÷ 7 = 3

Paglalahad at Pagtatalakay

Halimbawa 3: (Pagtukoy ng suliranin na may buwan sa isang taon) Ang kaarawan ni


Aladino ay 2 buwan bago sumapit ang araw ng pasko. Anong buwan ang kaniyang
kaarawan?

Pinatnubayang Pagsasanay Nagtungo si Lito sa bayan ng Sta. Cruz noong ika-12 ng Agosto. Magsisimula siya sa
kaniyang pag-eensayo kasama ang iba pang manlalaro para sa darating na laban sa ika-8 ng
Setyembre. Ilang araw ang itatagal ng kaniyang pag-eensayo?
Mga tanong:
1. Sino ang manlalaro na nabanggit sa suliranin?
A.manlalaro B. Bata C. Lito
2. Ano ang itinatanong sa suliranin?
A.Araw ng itatagal ng pag-eensayo ni Lito B. Ang araw ng laban ni Lito C. Araw ng pag-
alis ni Lito D.Kailan uuwi si Lito
3. Ano ang operasyong gagamitin? A.Pagbabawas B. Pagdaragdag C. Pagpaparami D.
Paghahati
4. Ilang araw ang itatagal ng pag-eensayo ni Lito? A.26 B. 27 c. 28 D. 29
Isahang Pagsasanay Basahin at unawain ang bawat suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga tanong gamit ang angkop
na pamamaraan ng paglutas ng suliranin.
1. Kung bukas ay ika-5 ng Hunyo at araw ng Linggo. Anong araw ang Ika 29 ng Hunyo?
2. Darating ang iyong matalik na kaibigan galing sa Canada ngayong ika-8 ng Mayo. Ngunit
kailangan niyang magpasailalim sa 14 na araw para sa Quarantine. Anong araw siya
makakarating sa inyo?

Paglalapat Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat sa
kuwaderno ang iyong sagot.
Si Gab ay pumunta sa bahay ng kaniyang pinsan sa Laguna noong Biyernes. Araw na ng
Martes siya nakabalik ng kanilang bahay.
1. Ilang araw ang lumipas bago bumalik si Gab sa kanilang bahay?
2. Kung hindi bumalik si Gab ng Huwebes at ninais niyang mamalagi pa nang 5 araw, anong
araw siya babalik ng bahay?
Paglalahat Tandaan:
May 12 buwan sa isang taon. Ang mga buwan na Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Agosto,
Oktubre, at Disyembre ay ang mga buwan na may 31 na araw. Ang mga buwan naman na
Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre ay mga buwan na may 30 na araw lamang.
Samantala, ang buwan ng Pebrero ay ang natatanging buwan na may 28 na araw lamang at
29 na araw kung leap year.
Pagtataya Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot.
1. Si Alvin ay ay nagbakasyon sa Canada ng 2 buwan. Umalis siya ng Mayo anong buwan
siya babalik ng Pilipinas?
2. Namalagi si Alfie sa Bulacan mula Enero hanggang Mayo. Ilang buwan siya nanatili
doon.
3. Mula Pebrero hanggang Hunyo ay sumali sa dance lesson si Pia. Ilang buwan siya nag
ensayo sa pagsasayaw.
4. May 12 Buwan sa isang taon. 10 buwan si Donna sa Amerika siya ay dumating doon ng
Enero anong buwan siya babalik ng Pilipinas?
Takdang Aralin Magdala ng improvised clock.

IV . MGA TALA (Remarks) Proficiency Level: 5x______=______


4x______=______
3x______=______
2x______=______
1x______=______

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa


aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano


ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking
punongguro/ superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa


mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

You might also like