You are on page 1of 10

IKATLONG KWARTER

UNANG LINGGO (1)

May Pagdiriwang Ba Bukas?

Kasanayan

Most Essential Learning Competency :


 Nasasabi ang mga araw sa isang linggo,
at buwan sa isang taon.
Paano Gamitin ang Modyul

Sa Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay inilimbag para sa mag-aaral na
Kindergarten. Ang mga aralin at pagsasanay na nilalaman
nito ay naayon sa Most Essential Learning Competencies
(MELC) na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Pilipinas. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay malilinang
ang inyong kaalaman tungkol sa konsepto ng pamilya,
paaralan at komunidad bilang kasapi nito.

Sa Magulang:
Ang modyul na ito ay masusing pinag-aralan at nilikha
ng mga guro upang mapaunlad ang kakayahan ng inyong
mga anak. Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito
ay makakamit ng mga mag-aaral ang kinakailangang
kasanayang pagkatuto sa gawaing pagsulat. Ang inyong
suporta at pakikipagtulungan sa wastong pagsagot sa
modyul na ito ay aming inaasahan.

Inaasahan

Sa araling ito, ang mga mag-aaral sa Kinder


ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga araw sa isang linggo;
2. masasabi ang mga buwan sa isang taon;
3. masasabi ang mga mahahalagang pagdiriwang sa
mga buwan sa isang taon.

1
Unang Pagsubok

Tuwing kailan ipinagdiriwang ang mga okasyon sa


larawan? Itambal ang tamang buwan ayon sa
pagdiriwang na iyong makikita sa larawan.

A B

 Enero

 Nobyembre

 Pebrero

 Disyembre

 Abril

2
Balik-Tanaw

Sa nakaraang aralin natutuhan mo ang tungkol sa mga


damit na isinusuot ayon sa lagay ng panahon. Naalala mo
pa ba?
Bilugan ang mga damit na isinusuot sa tag-araw, at ekisan
ang mga damit na isinusuot sa tag-ulan. Kulayan ang mga
ito.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Alam mo ba kung ilang araw mayroon sa isang linggo?

Ang isang linggo ay may pitong araw. Binubuo ito ng:


Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at
Sabado. Kadalasan tuwing Lunes hanggang Biyernes tayo
ay pumapasok sa paaralan, ito rin ang araw kung saan
pumapasok ang ating mga nakatatandang kasapi ng
pamilya sa kanilang trabaho. Tuwing Sabado naman
kadalasan ay ang araw ng pagsasama-sama ng pamilya
sa tahanan at tuwing Linggo, sabay sabay naman na
nagsisimba ang pamilya.

May mga buwan din sa isang taon. May 12 buwan sa


isang taon. Binubuo ito ng: Enero, Pebrero, Marso, Abril,
Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre,
Nobyembre, Disyembre. Ang bawat buwan ay mayroong
mga pagdiriwang. Maaaring ito ay mahalagang mga
pangyayari ng isa sa inyong mahal sa buhay o mga
3
pangyayari sa bansa na ginugunita at binibigyan ng
halaga.

Enero Pebrero

Abril Mayo

ARAW NG KAGITINGAN
MAHAL NA ARAW

Hunyo Agosto

Nobyembre Disyembre

4
Gawain 1

Pag-aralan ang mga larawan. Alin ang dapat mong gawin


sa araw ng Linggo? Kulayan ang mga ito.

Gawain 2

Punan ng nawawalang araw sa isang linggo ang katawan


ng uod.

_______ Miyerkules Biyernes

Linggo Martes

Gawain 3

Bakatin ang mga pangalan ng buwan sa isang taon.

Mga Buwan

sa Isang Ta

5
Gawain 4

Sa loob ng kahon, gumuhit ng mga bagay na makikita sa


inyong bahay sa tuwing ipinagdiriwang ang iyong
kaarawan. Isulat sa ibaba ang buwan ng iyong
kapanganakan.

6
Gawain 5

Ano ang iyong ginagawa sa araw-araw? Iguhit ito sa loob


ng kahon.
Araw Sa Isang Linggo Mga Gawain

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

7
Tandaan

Ang isang linggo ay may pitong araw. Binubuo ito ng:


Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at
Sabado. Ang bawat araw sa ating buhay ay mahalaga.

May 12 buwan sa isang taon. Binubuo ito ng: Enero,


Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo,
Agosto,Setyembre,Oktubre,Nobyembre, Disyembre. Ang
bawat buwan ay mayroong mga pagdiriwang, ito ay
mga pangyayari na ating ginugunita at binibigyan ng
halaga.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Pagsunod-sunorin ang mga araw sa isang linggo. Isulat


ang iyong sagot sa patlang.

1 2 3

4 5 6

7 8
Pangwakas na Pagsusulit
Sa tulong ng iyong magulang o guardian, bilugan ang
tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang araw bago ang Lunes?


Martes Linggo Miyerkules

2. Ano ang araw pagkatapos ng Huwebes?


Biyernes Sabado Lunes

3. Anong buwan ipinagdiriwang ang Araw ng Pasko?


Mayo Hunyo Disyembre

4. Ilang buwan mayroon sa isang taon?


12 buwan 10 buwan 13 buwan

5. Ilang araw mayroon sa isang linggo?


8 araw 7 araw 6 na araw

Pagninilay

Sa modyul na ito inyong natutuhan na may (7) pitong


araw sa isang linggo at may (12) labindalawang buwan sa
isang taon. Alin sa mga buwan ng taon ang iyong
paborito? Bakit?
Iguhit sa kahon ang gawain at sabihin kung bakit ito ang
iyong gusto.

You might also like