You are on page 1of 41

1

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
1
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Timeline ng Mahahalagang
Pangyayari ng Pamilya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 5: Timeline ng Mahahalagang Pangyayari ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rachelle F. Cariño
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Chelsy Jeanne A. Cobico
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa


modyul na ito ay iyong matututuhan
ang mahahalagang pangyayari sa
pamilya. Malalaman mo rin ang
gamit ng timeline upang madaling
unawain ang mahahalagang
pangyayari ng pamilya. Tingnan ang mga larawan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Mahahalagang Pangyayari o Gawain ng Pamilya
Aralin 2 – Kahulugan at Gamit ng Timeline
Aralin 3 – Paggawa ng Timeline
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto
(most essential learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya
sa pamamagitan ng timeline (MELC);
2. Natutukoy ang timeline at gamit nito; at
3. Nakagagawa ng timeline batay sa mga pangyayari sa buhay ng
pamilya.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Sa ika- 30 ng Setyembre ay madaragdagan na naman ng isang taon ang
iyong edad. Ano ang mahalagang pangyayari na ipagdiriwang ng iyong
pamilya sa araw na iyon?
A. Bagong Taon B. Binyag C. Kaarawan D. Pasko

2. Ito ay tsart na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o


gawain tulad ng pamilya. Ano ito?
A. drawing B. family tree C. mapa D. timeline
Para sa bilang 3 hanggang 5. Tingnan ang timeline tungkol sa Pamilya Jose. Sagutin
ang mga tanong.

1
3. Ano ang ipinakikita ng timeline?
A. Tungkol ito sa mga tao na nabuhay noon.
B. Tungkol ito sa mga pagdiriwang sa Pilipinas.
C. Tungkol ito sa mga pangyayari sa isang pamilya.
D. Tungkol ito sa malulungkot na pangyayari sa pamilya.

4. Ano ang pangyayari na naganap sa buwan ng Enero?


A. Bagong Taon B. Kaarawan C. Pasko D. Peryahan

5. Ano ang huling pangyayari na naganap sa pamilya?


A. Kumain sa isang restawran ang pamilya.
B. Namasyal sa perya ang buong pamilya.
C. Nagdiwang ng Bagong Taon ang pamilya.
D. Nagkaroon ng birthday party sa anak ng pamilya.

Modyul
Timeline ng Mahahalagang
5 Pangyayari ng Pamilya
Ang bawat pamilya ay nakararanas ng mahahalagang pangyayari.
Maaaring ito ay masayang pangyayari na tulad ng kaarawan, graduation,
pamamasyal, at iba pang gawain na sama-sama ang pamilya. Ito ay mga
pangyayaring nagbibigay sa iyo ng karanasang hindi malilimutan na kasama ang
iyong pamilya.

Balikan

Nasa kanan ang halimbawa ng isang family tree.


Lagyan mo ng pangalan ng iyong pamilya ang tabi ng
larawan sa family tree. Maaari mong dagdagan ang
mga larawan kung kinakailangan.

Tuklasin

2
Suriin

Mahahalagang Pangyayari sa Pamilya


May mahahalagang pangyayari na nagaganap sa iyong pamilya.
Halimbawa ng mga pagdiriwang na ito ay Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga
Puso, at Araw ng mga Ina at Ama. Ito ay mga pangyayari na kung saan ang
pamilya mo ay sama-samang naghahanda ng pagkain at kumakain nang sabay-
sabay. Mayroon ding nagbibigay ng regalo at card na lalong nagpapasaya sa
mga pagdiriwang na ito.

Isang mahalagang pangyayari sa bawat pamilya ang


araw ng pagsilang o ang birthday. Marami ang naghahanda
tuwing sasapit ang iyong kaarawan. Subalit mas mahalaga
ang magdasal at magpasalamat sa Diyos tuwing sasapit ang
iyong kaarawan.

Mahalaga rin ang Araw ng iyong Pagtatapos ng Pag-


aaral. Ibig sabihin ay unti-unti mo nang natutupad ang iyong
mga pangarap.

May mahahalagang pangyayari ang nararanasan ng


bawat pamilya kahit walang pagdiriwang. Ang mga
gawaing masaya na kasama mo ang iyong pamilya ay
maituturing na mahalagang pangyayari rin. Halimbawa nito
ay pamamasyal sa parke at mall. Kabilang din ang
pagbabakasyon, outing, at pagkain sa restawran.

Samakatuwid, ang mahahalagang pangyayari sa


iyong pamilya ay ang mga nangyari na kasama mo ang
iyong pamilya. Ipinakikita sa mga pangyayaring ito ang
pagmamahalan at pagsasama-sama ng pamilya. Nagbibigay ito ng masayang
karanasan na maaari mong ipagmalaki at maibabahagi sa iyong mga kamag-
aral, kaibigan, at kakilala.

Kahulugan at Gamit ng Timeline


Mahalaga rin na malaman mo ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa iyong pamilya. Ito ay upang matukoy mo ang pangyayari na unang
naganap. Gayundin ang mga susunod pa na pangyayari.

3
Magiging madali ang pagsunod-sunurin ang mga pangyayari kapag
gumamit ka ng timeline. Ang timeline ay isang tsart na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Nakatutulong ang paggamit ng timeline sa pagpapakita
ng mahahalagang pangyayari ng iyong pamilya. Madali mo
ring natutukoy ang una, ikalawa o huling pangyayari gamit ang
timeline. Ano ang iyong gagawin upang makagawa ka ng
timeline ng mga pangyayari sa iyong pamilya?

Una, ikaw ay guguhit ng isang linya o bar sa papel.

Ikalawa, isulat sa linya ang mga taon o buwan sa kalendaryo. Halimbawa ay


taong 2013, 2014 at iba pa. Maaari ring buwan tulad ng Enero, Pebrero, Hunyo at
iba pa.

Ikatlo, ilagay ang larawan sa taon o buwan kung kailan naganap ang isang
pangyayari.

Ikaapat, lagyan mo ng pamagat ang iyong gawang timeline. Ito ay upang


matukoy ang mga makikita sa timeline.

Timeline ng Mahahalagang Pangyayari ng Pamilya

Mahalagang malaman mo ang mga bahagi ng timeline upang magawa


mo ito nang tama at maayos. Kung kaya mo nang gumawa nito, kaya mo na ring
maunawaan ang timeline ng mahahalagang pangyayari ng iyong pamilya.

4
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mahahalagang Pangyayari ng


Pamilya Gamit ang Timeline”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1
Isulat mo ang mahalagang pangyayari na inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa loob ng picture frame o sa papel.
1. Ako ay anim na taong gulang na sa pagsapit ng ika-
18 ng Setyembre. Naghanda sina mama at papa.
Binigyan din nila ako ng regalong bike.

2. Pagsapit ng hatinggabi ay nakarinig kami ng


malalakas na ingay ng musika at paputok. Gumamit
kami ng torotot upang mag-ingay din.

3. Naghanda ang mga magulang ko dahil ako ay


nakatapos na ng pag-aaral sa Kindergarten.

4. Ito ay espesyal na araw para sa mga ina ng pamilya.


Kaya naman sinorpresa namin si mama. Binigyan
namin siya ng bulaklak at card.

5. Maraming parol at Christmas light na makikita sa


aming bahay. Tuwing gabi ay nagdarasal kami at
kumakain nang sabay-sabay. May mga pagkakataon
na nakatatanggap kami ng regalo mula sa aming
magulang at sa aming
ninong at ninang.

5
Gawain 2
Unawain ang timeline sa ibaba. Ikuwento ang mga nangyari sa pamilya.
Isulat ang kuwento sa papel sa tulong ng magulang.

Isaisip

Gawain 3

6
Isagawa

Gawain 4

Sa tulong ng iyong magulang, ikaw ay gagawa ng


timeline tungkol sa iyong pamilya. Kumuha ng mga larawan o
maaaring iguhit ang mga larawan na gagamitin sa paggawa
ng timeline. Lagyan din ng pamagat ang gagawing timeline.
Gawin ito sa papel.
Para sa rubriks sa paggawa ng timeline, lagyan ng tsek ang
sumusunod na pamantayan batay sa sumusunod:
5- napakahusay 4- mahusay 3- katamtaman
2- hindi gaanong mahusay 1- hindi mahusay

Pamantayan Iskor

1. Nakapagdikit ng mga larawan o nakaguhit ng


mahahalagang pangyayari ng pamilya.

2. Naidikit ang mga larawan o guhit na nasa wastong


pagkakasunod-sunod.

3. Nakapagsulat ng oras o panahon kung


kelan nagana pang mga pangyayari sa
ginawang timeline.

4. Nakapagsulat ng pamagat ng timeline.

5. Nakapagbahagi nang may buong


pagmamalaki sa ginawang timeline.
Kabuuan

Tayahin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Sa Oktubre 16 ay magiging pitong taong gulang ka na. Anong mahalagang
pangyayari ang ipagdiriwang ng iyong pamilya sa araw na ito?
A. Bagong Taon B. Binyag C. Kaarawan D. Pasko

2. Ito ay isang tsart na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa pamilya o sarili. Ano ito?
A. drawing B. family tree C. mapa D. timeline

7
Para sa bilang 3 hanggang 5, unawain ang timeline tungkol sa Pamilya Cruz.
Sagutin ang mga tanong.

3. Ano ang ipinakikita ng timeline?


A. Tungkol ito sa mga alituntunin sa Pamilya Cruz.
B. Tungkol ito sa mga pangyayari sa Pamilya Cruz.
C. Tungkol ito sa mga tao na nabuhay sa komunidad.
D. Tungkol ito sa malulungkot na pangyayari sa pamilya Cruz.

4. Ano ang pangyayari na naganap sa buwan ng Mayo?


A. Araw ng Ina B. Bagong Taon C. Kaarawan D. Pasko

5. Ano ang huling pangyayari na naganap sa pamilya?


A. Namasyal sa parke ang Pamilya Cruz.
B. Nagdiwang ng Bagong Taon ang Pamilya Cruz.
C. Nagsama-sama ang Pamilya Cruz noong Pasko.
D. Nagkaroon ng birthday party sa anak ng pamilya.

Karagdagang Gawain

Gawain 5
Maliban sa mga napag-aralang pagdiriwang. Pumili ng dalawang mahalagang
pangyayari na naganap sa iyong sariling pamilya. Ikuwento ang mga ito. Maaaring
idagdag ang mga piniling pagdiriwang sa timeline.

Timeline:

8
1
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Kuwento ng Sariling Pamilya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 6: Kuwento ng Sariling Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Milda T. Jocson
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Janine Tuppal Robosa
Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Kumusta ka na? Sa modyul na


ito ay pag-aaralan mo ang kuwento
ng sariling pamilya. Makikita mo sa
larawan ang kuwento ng pamilya.

Ang modyul na ito ay


nahahati sa dalawang aralin. Ito ay
ang sumusunod:
Aralin 1 – Kuwento ng Sariling
Pamilya
Aralin 2 – Kahalagahan ng Kuwento ng Sariling Pamilya
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto
(most essential learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:

1. Nasasabi ang kuwento ng pamilya;


2. Naihahambing ang kuwento ng pamilya sa ibang pamilya; at
3. Napahahalagahan ang kuwento ng sariling pamilya (MELC).

Subukin

Basahing mabuti ang tanong at punan ng sagot ang patlang. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa papel.

1. Batay sa mga pagpipilian sa ibaba, kanino nagsisimula ang pamilya?


A. bunso B. mga anak C. tatay at nanay D. tito at tita

2. Sino ang tumutulong kina nanay at tatay sa mga gawain sa bahay?


A. ate at kuya B. bunso C. lolo at lola D. pamangkin

3. Namatay na ang tatay ni Nena. Kasama na lang niya sa bahay ang nanay
niya at mga kapatid. Sila ba ay matatawag pa ring pamilya?
A. Opo B. Hindi po. C. Siguro po. D. Wala na po.

4. Anong pangyayari ang naganap sa Pamilya Santos na may malungkot


na kuwento?
A. Nagpicnic sila sa parke.
B. Nagkasakit ang bunsong kapatid.
C. Nagbakasyon sila sa kanilang lalawigan.
D. Sumamba sila sa kanilang bahay-sambahan.

1
5. Bilang isang anak ano ang maitutulong mo sa iyong magulang?
A. Mag-aral nang mabuti.
B. Maglaro nang maglaro sa kalye.
C. Mamasyal sa kapitbahay tuwing umaga.
D. Manood lagi ng telebisyon hanggang hatinggabi.
.

Modyul
Ang Kuwento ng
6 Sariling Pamilya
Magandang araw sa iyo. Pag-aaralan mo ngayon ang tungkol sa kuwento
ng iyong pamilya. Handa ka na ba sa iyong aaralin? Bago ka magsimula,
natatandaan mo ba ang nakaraang aralin?

Balikan
Kompletuhin ang kuwento ng Pamilya Bautista batay sa timeline sa ibaba.
Isulat ang sagot sa patlang o sa kuwaderno.

Nagdiwang ang Pamilya Bautista ng ___________________ noong buwan ng

Enero. Pagdating ng buwan ng Pebrero ay namasyal ang buong pamilya sa

_______________________. Ipinagdiwang naman ng pamilya ang Araw ng mga Ina

noong buwan ng _______________________. Bago matapos ang taon ay naging

masaya si Carla nang magkaroon siya ng birthday party noong buwan ng

____________________.

2
Tuklasin
Kumusta ka? Handa ka na
bang makinig sa akin? Ikaw ay
aawit sa himig ng Leron, Leron,
Sinta. Pagkatapos ay sagutin mo
ang mga tanong sa ibaba.

Ang Aking Pamilya


Isinulat ni Gng. Milda T. Jocson
sa Himig ng Leron, Leron, Sinta.

Ang aking pamilya


ay laging masaya
sa aming tahanan
kami ay payapa.
Ipinagmamalaki ko
ang bawat isa
kami’y nagmamahalan
at nagkakaisa.

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng awit?


2. Ano ang katangian na mayroon ang pamilya sa awit?
3. Ganito rin ba ang iyong pamilya? Bakit mo nasabi?

Sagot:

3
Suriin

Ang Kuwento ng Pamilya


Ito ang kuwento ng Pamilya Mendoza. Ang buong pamilya ay
nakatira sa bahay na malapit sa paaralan. Ang bawat kasapi ng
pamilya ay nagtutulungan at nagsasama-sama.
Ang mga magulang na sina Mang Berto at Aling Marta ay
pumapasok sa trabaho. Ang mga anak naman nila ay pumapasok
sa paaralan. Kung walang pasok ay tumutulong sila sa gawaing
bahay.
Tuwing Sabado ay dumadalaw ang kanilang lolo at lola.
Nakikipagkuwentuhan at nagkakantahan sila upang maging
masaya sina lolo at lola.
Ang Pamilya Santos
Ito naman ang kuwento ng Pamilya Santos. Ang ama at ina ng
pamilya ay parehong nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil dito, sina
lolo at lola ang nag-aalaga sa kanilang mga anak.
Nakakausap ng mga anak ang kanilang magulang gamit ang
cellphone. Ipinapaliwanag nina Ginoo at Ginang Santos sa kanilang
mga anak kung bakit sila nasa malayong lugar. Ito ay nauunawaan
naman ng kanilang mga anak.
Naging masunurin at mabait ang mga anak. Ito ay dahil sa
pangangalaga nina lolo at lola. Kahit na mayaman ang Pamilya
Santos ay naging mabuti silang kapitbahay. Sa susunod na buwan
ay makauuwi na ang mga magulang nila. Dahil dito ay tuwang-
tuwa ang mga anak nila.

Pagpapahalaga sa Kuwento ng Pamilya


May mga pamilya na may iba’t ibang kuwento ang buhay. May
mga namumuhay nang maayos at mapayapa. Ang iba naman ay
sapat lamang ang kinikita ng mga magulang upang mabili ang
kanilang pangangailangan.
Mayroon ding kompleto ang mga kasapi ng pamilya. Ang ibang
pamilya ay hindi kompleto dahil maaaring nagtatrabaho sa ibang
bansa ang mga magulang. Madalas na sina lolo at lola ang nag-

4
aalaga sa kanilang mga anak. Sa kabila nito, nananatili pa rin na
isang pamilya ang may ganitong kuwento.
Mahalaga ang bawat kuwento ng pamilya. Iba-iba man ang
mga kuwento nito, ang mahalaga ay nagmamahalan ang bawat
kasapi ng pamilya. Kailangan din na ginagawa ng mga magulang
at anak ang kanilang tungkulin. Ito ay upang maging madali ang
mga gawain. Dapat tandaan na mahalaga ang paggalang ng
mga kasapi ng pamilya. Ito ay upang manatili ang maayos at
mapayapang buhay ng pamilya.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Ang Kuwento ng


Aking Pamilya” ay masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1
Sa tulong ng iyong magulang o nakatatanda, basahin ang tula tungkol sa isang
pamilya. Pagkatapos ay ikuwento ang pamilya batay sa tula. Isulat sa papel ang
tatlong katangian ng pamilya sa tula.

5
Isaisip

Gawain 2

6
Isagawa

Gawain 3
Iguhit mo ang isang mahalagang kuwento ng iyong pamilya. Ito ang pangyayari
na hindi mo makalilimutan. Gumamit ng papel at mga kagamitang pangkulay.
Lagyan ng pamagat ang gawang guhit. Maaaring gabayan ka ng iyong
magulang o nakatatanda sa bahay.

Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain:


Magaling Katamtaman Pagbutihin pa
Pamantayan Puntos
5 3 1
Wasto ang
ginawang guhit.
Maayos ang
pagkaguhit.
May pagkukusa sa
paggawa.

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.

1. Inutusan ka ng iyong nanay na alagaan ang kapatid mo habang siya ay


nagluluto. Ano ang gagawin mo?
A. Susundin ko ang utos ni nanay.
B. Magkukulong ako sa aking kuwarto.
C. Magkukunwari ako na hindi ko narinig si nanay.
D. Pababayaan ang aking kapatid at ako ay maglalaro.

7
2. Pumasok si nanay sa kaniyang trabaho. Inutusan niya ako na bawal
lumabas ng bahay. Ano ang gagawin ko?
A. Hindi ko susundin ang sinabi niya.
B. Maglalaro akong mag-isa sa labas.
C. Makikipaglaro ako sa aking kapitbahay.
D. Mananatili ako sa loob ng bahay at magbabasa.

3. Habang nagkukuwento ang magulang ni Ana tungkol sa kanilang pamilya


ay nakikinig siya. Tama ba ng kaniyang ginawa?
A. Hindi po. B. Opo. C. Wala pong sagot. D. Siguro po

4. Ang pamilya Garcia ay laging nagpapasalamat sa Diyos. Ano ang


katangian ng pamilya?
A. Madasalin
B. Matulungin
C. Mapag-alaga
D. Mapagmahal

5. Mahalaga ba sa isang pamilya ang nagtutulungan at nagmamahalan lalo


na sa panahon ngayon?
A. Opo.
B. Hindi po.
C. Siguro po.
D. Wala pong sagot.

Karagdagang Gawain

Gawain 4
Sa tulong ng magulang o nakatatanda, magtanong sa kaibigan o
kapitbahay kung ano ang pinakamahalagang pangyayari o kuwento ng
kanilang pamilya. Maaari mong iguhit o isulat sa tulong ng iyong magulang ang
kanilang naging sagot. Gawin ito sa papel.

8
1
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Mga Alituntunin ng Pamilya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Alituntunin ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ailyn M. Zapata
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo aking mag-


aaral. Pag-aaralan mo ang mga alintuntunin
ng pamilya. Makikita sa larawan ang isang
wastong pagkilos upang magawa ang mga
alituntunin sa pamilya.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Mga Alituntunin ng Pamilya
Aralin 2 – Pagpapahalaga sa
Pagtupad sa Alintuntunin
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto
(most essential learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naiisa-isa ang mga alituntunin ng pamilya;
2. Nakagagawa ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng
pamilya (MELC); at
3. Napahahalagahan ang pagtupad sa alituntunin.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa papel.

1. Anong alituntunin ang dapat gawin pagkatapos maglaro?


A. Ligpitin ang mga laruan.
B. Itapon na lang ang mga laruan.
C. Si nanay ang nagliligpit ng mga laruan.
D. Pabayaang nakakalat ang mga laruan.

2. Anong letra ang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin ng pamilya?


A. Nagwawalis ng bakuran. C. Nakikipagtalo sa magulang.
B. Nakikipag-away sa kapatid. D. Nagmamaktol kapag inuutusan.

3. Ano ang iyong gagawin kung ang iyong kapatid ay may sakit at hindi
makatulong sa gawaing bahay?
A. Uutusan ko ang kapatid kong bunso na siya ang gumawa ng
gawaing bahay.
B. Magkukunwari akong may sakit para hindi ko gawin ang mga
gawaing bahay.
C. Sasabihin ko sa aking nanay na siya na lang ang gumawa ng
gawaing bahay.
D. Ako ang gagawa ng mga gawaing bahay na dapat gawin ng
kapatid kong may sakit.

1
4. Kulang ang sahod ng iyong tatay kung kaya’t nahihirapan ang iyong
pamilya sa mga gastusin sa araw-araw. Ano ang maaari mong gagawin?
A. Iwasang gumastos at magtipid kung kinakailangan.
B. Umalis ng bahay at magpunta sa mall para maglibang.
C. Manghiram ng pera sa kamag-aral upang makabili ng gusto.
D. Makipaglaro sa kaibigan upang makalimutan ang problema.

5. Binigyan ka ni nanay ng baon araw-araw para pambili ng pagkain


habang ikaw ay nasa paaralan. Ano ang gagawin mo sa baon mo?
A. Bibili ng masustansiyang pagkain.
B. Iipunin ko na lang para pambili ng laruan.
C. Bibili ng tsitsirya at kendi sa labas ng paaralan.
D. Itatago ko ang aking baon para makapag-internet.

Modyul
Mga Alituntunin ng Pamilya
7
Ang bawat pamilya ay may sinusunod na mga alituntunin. Ito ay upang
maging maayos ang pamilya. Muli mong balikan ang iyong natutuhan tungkol
sa mga kuwento ng sarili mong pamilya.

Balikan
Sa tulong ng iyong magulang, isulat o iguhit ang kuwento ng iyong sariling
pamilya. Pumili ng isang kahon na nais ikuwento o iguhit.

2
Tuklasin

Suriin

Mga Alituntunin ng Pamilya


Ang bawat pamilya ay may mga alituntunin na dapat sundin. Ang ibig
sabihin ng alituntunin ay gabay o utos na sinusunod ng bawat kasapi ng pamilya.

Ang mga gabay o utos na ito ay dapat na nalalaman at nauunawaan


ng mga kasapi ng pamilya. Magiging maayos at mabuti ang kalagayan ng
pamilya kung susundin ang mga alituntuning ito.

May iba’t ibang alituntunin na sinusunod ang mga kasapi ng pamilya.


Kabilang sa mga alituntunin ng pamilya ay ang wastong pag-uugali at kilos.
Mayroon ding alituntunin para sa mga dapat na gawin sa loob ng bahay at
pangangalaga sa sarili. May alituntunin din sa mga anak na kailangang sundin
bilang mag-aaral.

Unawain ang sumusunod na alituntunin ng pamilya.

Alituntunin para sa mga Anak

Ipakita ang pagiging magalang sa magulang,


nakatatanda, at mga kapatid.

Maging masipag sa mga gawain sa bahay.

Maging matulungin sa magulang at mga kapatid.

3
Panatilihing malinis ang buong bahay.

Iayos ang mga damit, sapatos, at gamit sa pag-aaral


upang madaling makita at makuha.

Huwag paglaruan ang mga gamit na nakasasakit


tulad ng kutsilyo at posporo.

Kumain nang masusustansiyang pagkain. Iwasan ang


pagkain ng tsitsirya, tsokolate at pag-inom ng softdrink.

Alagaan ang sariling katawan tulad ng paliligo at


pagsisipilyo, at pagtulog nang maaga.

Alituntunin at Tungkulin para sa mga Magulang

Kailangan na maghanapbuhay ang mga magulang


upang may pambili ng pagkain at iba pang
pangangailangan ng pamilya.

Tiyakin na napangangalagaan ang kapakanan


ng lahat ng mga anak.

Naaasikaso ang mga anak sa kanilang pag-aaral at


may sapat na oras upang makasama ang pamilya.

Maibigay sa abot ng makakaya ang mga kailangan


ng mga anak.

Pagpapahalaga sa Pagtupad sa Alituntunin


Mahalaga ang mga alituntunin na sinusunod ng mga kasapi ng pamilya.
Ang mga alituntunin ay ang gabay ng pamilya upang maging maayos ang
pang-araw-araw na pamumuhay ng pamilya.

Para sa magulang, ang mga alituntunin ay makatutulong sa kanila upang


madaling matutuhan ng mga anak ang dapat na isipin at ikilos sa loob at labas
ng tahanan. Kung matututuhan ng bawat anak ang mga alituntunin, magiging
responsable siya at magiging mabuting anak.

4
Kailangan ding magawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin
upang maitaguyod nang maayos ang buong pamilya. Magiging masaya ang
mga anak kung naibibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan.
Halimbawa nito ay sapat na pagkain, gamit, at maayos na tirahan.

Para sa mga anak, Mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin upang


matutuhan ang mga dapat na gawin sa loob at labas ng bahay. Nagiging
responsable ang mga anak. Ito rin ay isang paraan upang sanayin ang mga
anak na gawin nang mahusay at maayos ang kanilang mga tungkulin sa
bahay.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga alituntunin ng


pamilya, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1
Lagyan ang bilog ng masayang mukha ( ☺ ) kung dapat na sundin ang
alituntunin. Iguhit naman sa bilog ang malungkot na mukha (  ) kung hindi ito
dapat sundin.

5
Gawain 2
Lagyan ng tsek (√) kung ang pahayag ay alituntunin sa loob ng tahanan. Ekis (x)
naman kung hindi.
___1. Pagtulong sa mga gawaing bahay.
___2. Magpaalam kung lalabas o aalis ng bahay.
___3. Huminto sa paglalakad kung inaawit ang Lupang Hinirang.
___4. Itapon ang basura sa tamang basurahan.
___5. Kainin ang anomang ihain sa hapag-kainan.

Isaisip

Gawain 3
Kumusta ka? Mayroon akong
tanong na iyong sasagutin.

1. Ano ang ibig sabihin ng


alituntunin?
2. Sino ang mga kasapi ng pamilya
na dapat sumunod sa mga
alituntunin?

3. Ano ang mga alituntunin na dapat sundin ng


mga anak at magulang?
4. Bakit mahalaga ang mga alituntunin sa sariling
pamilya?

6
Isagawa

Gawain 4
Pumili ng tatlo sa pinakamahalagang alituntunin sa pamilya para sa iyo. Sagutin
kung bakit ang mga ito ang mahalaga para sa iyo.

Alituntunin Bakit mahalaga?

1.

2.

3.

Tayahin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Ano ang alituntunin ang dapat gawin pagkatapos kumain?
A. Ligpitin ang mga ginamit na pinagkainan.
B. Si nanay ang paligpitin ng mga pinagkainan.
C. Hahayaang iwanan ang pinagkainan sa mesa.
D. Kunin sa mesa at ilagay sa hugasan ang pinagkainan.

2. Anong titik ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya?


A. Nakikipagtalo sa magulang.
B. Nakikipag-away sa kapatid.
C. Naglilinis ng bahay at bakuran.
D. Nakasimangot kapag inuutusan.

3. Ano ang iyong gagawin kung ang iyong nanay ay may sakit at hindi
makagawa sa gawaing bahay?
A. Uutusan ko si lola na siya ang gumawa ng gawaing bahay.
B. Sasabihin ko sa aking ate na siya na lang ang gumawa ng gawaing
bahay.
C. Magkukunwari akong may sakit para hindi ko gawin ang mga gawaing
bahay.
D. Ako ang gagawa ng mga gawaing bahay na dapat gawin ng nanay
kong may sakit.

4. Nawalan ng trabaho ang iyong tatay kung kaya’t nahihirapan ang iyong
pamilya sa mga gastusin sa araw-araw. Ano ang maaari mong gagawin?
A. Magdadabog dahil hindi na mabili ang gusto.
B. Manghiram ng pera sa kapitbahay upang makabili.
C. Umalis ng bahay at magpunta sa mall para maglibang.
D. Magtipid at makuntento kung ano lamang ang mayroon.

7
5. Pinabaunan ka ng iyong nanay ng tinapay sa iyong pagpasok sa
paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Kakainin ko ang aking baon.
B. Hindi ko kakainin ang aking baon.
C. Itatapon ko sa basurahan ang aking baon.
D. Itatago ko sa ilalim ng mesa ang aking baon.

Karagdagang Gawain

Gawain 5

Magpatulong sa guro o magulang upang mapunan ang patlang sa liham na


naglalaman ng iyong pangako sa magulang o tagapag-alaga.

Mahal na ____________,

Nangangako ako na sa simula sa araw na ito _____________

( Isulat ang petsa)

ay susundin ko ang sumusunod na alituntunin sa ating

pamilya:

1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________

Isulat ang buong pangalan _____________________________

_______________________________

Lagda ng magulang o tagapag-alaga

8
1
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Pakikipag-ugnayan ng Pamilya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pakikipag-ugnayan ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joy V. Boncolmo
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito


ay pag-aaralan mo ang pakikipag-ugnayan ng
mga pamilya. Malalaman mo ang kahulugan at
mga halimbawa nito.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Kahulugan ng Pakikipag-ugnayan
ng Pamilya
Aralin 2 – Mga Halimbawa ng Pakikipag-ugnayan ng
Pamilya
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto
(most essential learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:

1. Nabibigyang kahulugan ang pakikipag-ugnayan ng pamilya;


2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang halimbawa ng pakikipag-ugnayan ng
pamilya; at
3. Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-ugnayan ng
sariling pamilya as iba pang pamilya sa lipunang Pilipino (MELC).

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa mabuting pakikitungo ng isang pamilya sa iba pang


pamilya. Ano ito?
A. Pagdarasal ng pamilya C. Pakikipag-ugnayan ng pamilya
B. Pag-aaway-away ng pamilya D. Hindi pagpapansinan ng pamilya

2. Nasunugan ang Pamilya Reyes at wala silang naisalbang gamit. Ano ang
iyong gagawin?
A. Tutulungan ko sila. C. Wala akong gagawin.
B. Pagtatawanan ko sila. D. Hindi ko sila papansinin.

3. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan


ng pamilya sa iba pang pamilya?
A. Nakikipag-away sa kapitbahay.
B. Iginagalang ang mga nakatatanda.
C. Nagbibigay ng pagkain kapag may handaan.
D. Nagtutulungan kapag may sakit ang kapitbahay.

1
4. Namahagi ka ng pagkain sa iyong kapitbahay dahil marami ang nilutong
ulam sa araw na iyon. Ano ang iyong mararamdaman?
A. Magagalit dahil palagi ko silang binibigyan ng pagkain.
B. Matutuwa dahil napasaya ko ang aking kapitbahay.
C. Malulungkot dahil nabawasan ang aming pagkain.
D. Babawiin ko ang binigay kong pagkain sa kanila.

5. Mahalaga ba ang pakikipag-ugnayan ng bawat pamilya?


A. Opo. Magiging marumi ang paligid.
B. Hindi po. Magiging magulo lamang ito.
C. Opo. Magiging maayos ang isang lugar.
D. Hindi po. Palaging aasa ang isang pamilya.

Modyul
Pakikipag-ugnayan
8 ng Pamilya
Mahalaga na maayos ang ating pakikitungo sa ibang pamilya. Ang
pagdamay at pagtulong sa ibang pamilya ay tanda ng mabuting pakikipag-
ugnayan. Ito ang dahilan upang maging masaya at tahimik ang isang lugar.
Pakikipag-ugnayan ng pamilya ang tawag dito.

Balikan

Kulayan ng dilaw ang bilog kung dapat na sundin ang alituntunin. Kulayan
naman ng pula ang bilog kung hindi ito dapat sundin.

2
Tuklasin

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong


nakikita sa
larawan?

2. Bakit mahalaga
ang may
kapitbahay ang
isang pamilya?

Suriin

Ang modyul na ito ay tungkol sa pakikipag-ugnayan ng pamilya sa ibang


pamilya. Kabilang dito ang ilan sa mga halimbawa ng mabuting pakikipag-
ugnayan ng pamilya.

Pakikipag-ugnayan ng Pamilya
Ang isang komunidad ay magiging maayos at mapayapa kung may
mabuting pakikitungo ang bawat pamilya sa iba pang pamilya. Pakikipag-
ugnayan ng pamilya ang tawag dito.

Ano ang mga halimbawa ng pakikipag-


ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang
pamilya? Ano ang mabuting magagawa
nito? Alamin mo.

Makinig ka sa kuwento na babasahin ng iyong guro o magulang na may


pamagat na “Ang Mag-asawang Matulungin” na isinulat ni Binibining Joy V.
Boncolmo.

3
Ang Pamilyang Matulungin
Isinulat ni Joy V. Boncolmo
Sa isang barangay ay naninirahan ang mag-asawa na sina Nanay Maya
at Tatay Lito. Sila ay may isang anak. Ang pangalan niya ay Aya. Kilala ang
kanilang pamilya sa lugar na iyon dahil sa kanilang pagiging matulungin.

Araw-araw ay lagi silang nakangiti at binabati ang kanilang mga


kapitbahay. Nagbabahagi rin sila ng kanilang pagkain lalo na kapag may
handaan. Lagi silang nagbibigay ng tulong kapag may pangangailangan ang
kanilang kapitbahay.

Isang hapon, naiwan si Aya sa kanilang bahay dahil may mahalagang


gagawin ang mag-asawa sa bayan. Maya-maya pa, nakita ni Aya ang isang
kandila at posporo! “Wow! Ano kaya ito?” Pinaglaruan ni Aya ang posporo at
nagliyab. Nakita ng mga kapitbahay na may usok na nagmumula sa loob ng
bahay nina Nanay Maya at Tatay Lito.

Kaagad na iniligtas si Aya. Nagtulong-tulong naman ang mga kapitbahay


na patayin ang sunog.

Pag-uwi ng mag-asawa ay nagpasalamat sila sa kanilang kapitbahay.


Ligtas si Aya at hindi gaanong nasunog ang kanilang bahay. Mula noon, lalong
naging matibay ang ugnayan ng mga pamilya sa barangay na iyon.

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano ang ugali na mayroon ang mga magulang ni Aya?
3. Bakit muntik nang masunog ang bahay ni Aya?
4. Ano ang nangyari kay Aya at sa bahay nila?
5. Mahalaga ba ang mabuting pakikipag-ugnayan ng
mga pamilya sa isang barangay? Bakit?

Mga Halimbawa ng Pakikipag-ugnayan ng Pamilya


Nasa kanan ang mga halimbawa ng mabuting pakikipag-ugnayan ng
pamilya sa iba pang pamilya.

4
Kami ang Pamilya Cruz. Handa Kami naman ang Pamilya
kaming tumulong sa aming Vergara. Masaya ang aming
mga kapitbahay nang walang nararamdaman kapag
hinihinging kapalit. Kaya nakatutulong kami sa ibang
naman kinagigiliwan kami ng pamilya, lalo na kapag
aming mga kasama sa aming panahon ng bagyo at iba pang
lugar. sakuna.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Pakikipag-ugnayan


ng Pamilya”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1
Tama o Mali. Isulat sa kahon ang Tama kung ito ay nagpapakita ng mabuting
pakikipag-ugnayan ng pamilya. Isulat naman ang Mali kung hindi.

5
Isaisip

Kumusta ka? Mayroon akong


Gawain 2 tanong na iyong sasagutin.

1. Ano ang ibig sabihin ng pakikipag-


ugnayan ng pamilya?
2. Sino ang mga dapat magtulungan
sa isang lugar?
3. Mahalaga ba ang
pagdadamayan sa isang lugar?

4. Sa iyong palagay, ano ang mabuting


maidudulot ng maayos na pakikitungo sa ibang
pamilya?
5. Bakit kaya kailangan na magkaisa ang mga
pamilya sa isang lugar?

Isagawa

Gawain 3 Naranasan mo na ba ang makipag-


ugnayan sa ibang pamilya? Kumuha
ka ng malinis na papel at iguhit mo dito
ang iyong nagawa.

6
Ang aking pakikipag-ugnayan sa iba pang pamilya

Naririto ang pamantayan sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Wasto at makatotohanan ang guhit. 10
Malinis, maayos, at kaaya-aya ang gawang guhit. 10
Kabuuan 20

Tayahin

Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mabuting pakikitungo ng isang pamilya sa iba pang


pamilya. Ano ito?

A. Pakikisama ng pamilya
B. Pagsasaya ng pamilya
C. Pakikipagtulungan ng pamilya
D. Pakikipag-ugnayan ng pamilya

2. Ano ang mabuting naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling


pamilya sa pamilya ng iba?

A. Magiging marumi ang isang lugar.


B. Magiging malungkot ang mga tao sa paligid.
C. Magiging maayos at mapayapa ang isang lugar.
D. Walang tama sa mga pagpipilian.

3. Ang aming kapitbahay ay laging handang tumulong sa mga


nangangailangan. Sila ay dapat nating __________.

A. awayin
B. hindi pansinin
C. pabayaan
D. tularan

7
4. Alin sa mga pamilya ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan
sa ibang pamilya?

A. Ang Pamilya Bautista na hindi namamansin.


B. Ang Pamilya Santos na mabait sa kapitbahay.
C. Ang Pamilya Vera na hindi tumutulong sa kapitbahay.
D. Ang Pamilya Reyes na walang pakialam kung mapahamak man ang
kanilang kapitbahay.

5. May gawain sa inyong lugar na may kinalaman sa pagpapanatili ng


kalinisan. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako makikilahok.
B. Pupunta at makikilahok ako.
C. Pupunta ako ngunit mag-iingay lamang.
D. Wala akong gagawin para sa kalinisan ng lugar.

Karagdagang Gawain

Gawain 4
Panuto: Lagyan ng tsek ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay mabuti.
Lagyan naman ng tsek ang malungkot na mukha kung hindi ito mabuti.

Mga Sitwasyon

1. Namahagi ng lumang laruan, damit, at pagkain sa


kapitbahay na nasunugan.
2. Inimbita ko ang aking mga kalaro sa aking
kaarawan maliban sa aming kapitbahay.
3. Nainggit sa isang pamilya na sama-samang
namamasyal sa parke.

4. Ipagdasal ang kapitbahay na may sakit.

5. Huwag pakialaman ang kapitbahay kahit na sila


ay binaha noong nakaraang bagyo.

You might also like