You are on page 1of 12

Araling Panlipunan

Kwarter 2: Modyul 4

Ang mga
Mahahalagang
Pangyayari sa Pamilya
Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan?
1 2 3 4 5
Taong 1995 nang isilang ko ang aking panganay na
anak. Isa itong malusog na batang lalaki. Nang ito’y
tatlong taong gulang na taong 1998 mabilis na itong
maglakad at siya’y pumasok na rin sa Day Care
Center. Taong 2001 siya’y nasa unang baitang at
naging pangatlo sa nabigyan ng parangal sa kanilang
klase. Nagtapos siya sa elementarya taong 2007 at
sa Sekondarya naman sa taong 2011. Tuwang-tuwa
kami ng siya’y magtapos sa kolehiyoboong 2015.
Kasalukuyan siya’y isa nang matagumpay na pulis.
Mga Tanong:
1.Anong taon ipinanganak ang kanilang
panganganay na anak ayon sa kwento?
2.Anong taon at ilang taong gulang siya
pumasok sa Day Care Center?
3.Anong taon siya nagtapos sa elementarya?
Sekondarya at kolehiyo?
Okasyon – ito ay tumutukoy sa mga kasiyahan o
pagtitipon na ipinagdiriwang kasama ang pamilya.

Timeline – ito ay ginagamit upang maitala ang


sunod-sunod na pangyayari sa buhay, kasaysayan o
anuman na gawain na gustong ilarawan.

Karanasan – tumutukoy ito sa mga pangyayari sa


buhay na maaaring masaya o malungkot.
Ikabit ang mga larawan ng mga pangyayari sa iyong pamilya simula ng
ikaw ay isilang sa pamamagitan ng pagguhit ng linya mula sa kahon na may
bilang 1,2,3,4 at 5 patungo sa nasabing mga larawan sa ibaba para sa
makabuo ng timeline. Ang nauna ay sadyang ginawa para s aiyo.

Ilarawan ang mga Pangyayari sa inyong Pamilya Simula ng Ikaw ay isilang

1 2 3 4 5
Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang pangyayari sa
pamilya.
Ang Tatlong Mahahalagang Pangyayari sa Pamilya
Panuto: Lagyan ng (√) tsek ang bilang kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng mahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya at ekis
(×) kung hindi.

____1. Nagtapos sa kindergarten si Amy. Binigyan siya ng bagong


sapatos ng kanyang Ate Alice.
____2. Ipinanganak ang ika-apat na kapatid ni Ken.
____3. Nagdilig ng halaman si Nina.
____4. Masayang nagsalo-salo ng noche buena ang pamilya Santos.
____5. Ika-25 anibersaryo sa kasal ng mga magulang ni Emil at Karla.
Takdang - Aralin:
Panuto: Isipin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng
inyong pamilya. Iguhit ang mga pangyayaring ito ayon sa
pagkakasunod-sunod sa loob ng bilog sa larawan caterpillar.

You might also like