You are on page 1of 7

1

Araling Panlipunan
Kwarter 1: Modyul 3
Mahahalagang Pangyayari sa
Buhay
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kuwarter 1, Linggo 3
Modyul 3: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang
sinumang lalabag dito.

Ang mga akda/materyales (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ang Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul Bilang Kagamitan ng Mag-aaral

Manunulat: Fidelis B. Borbon

Editor: Ma. Lourdes B. Brutas

Mga Tagasuri: Edgar B. Collantes


Florenia C. Toralde

Tagalapat: Ricky B. Tangtang


Antonio L. Morada
ARALIN 1: Mahalagang Pangyayari sa Buhay
Isang masayang pagbati sa iyo!
Sa araling ito matututuhan mo ang mga
mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang batang
tulad mo.
Mga Layunin:
Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa
buhay simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad
gamit ang mga larawan.
Talahulugan:
pangyayari- kaganapan
isilang- ipanganak
kasalukuyan- nangyayari ngayon

Panimulang Pagsubok:
Sa tulong ng iyong mga magulang, sagutin ng
pasalita ang mga tanong.

1. Kailan ka ipinanganak?
2. Kailan ka bininyagan?
3. Ilang buwan ka natutong umupo, gumapang at
lumakad?
4. Ilang taon kana, ng ika’y unang pumasok sa paaralan?
5. Saang paaralan ka pumapasok ngayon?

1
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga
larawan ayon sa mga pangyayaring naganap magmula
ng ika’y isilang hanggang sa kasalukuyan. Isulat sa guhit sa
ibaba ang letrang A-E.

_____ ________ ________

_________ _________
Pagsasanay 1
Lagyan ng bilang 1-5 ang mga guhit sa itaas ng mga
larawan ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari.

_______ _______ _____ ______ _______

2
Pagsasanay 2
Lagyan ng tsek (/) ang mga larawan ng mga
pangyayaring naganap na saiyong buhay at ekis (X)
naman kung hindi pa.

Pagsasanay 3
Kulayan ng pula ang mga larawan ng mga
mahahalagang pangyayaring naganap saiyong buhay
simula ng ika’y isilang hanggang sa kasalukuyan.

3
Panghuling Pagsubok:
Ikahon ang mga larawan ng mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa iyong buhay simula ng ika’y
isilang hanggang sa kasalukuyan at bilugan naman ang
hindi pa naganap.

Karagdagang Gawain
Gumuhit ng limang mahahalagang pangyayaring
nangyari saiyong buhay simula ng ika’y isilang
hanggang sa kasalukuyan.

4
For inquiries or comments, please contact:

You might also like