You are on page 1of 9

1

Araling Panlipunan
Kwarter 1: Modyul 6
Konsepto ng Pagpapatuloy at
Pagbabago sa Buhay
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kuwarter 1, Linggo 6
Modyul 6: Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago sa Buhay

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang
akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang
sinumang lalabag dito.

Ang mga akda/materyales (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ang Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul Bilang Kagamitan ng Mag-aaral

Manunulat: Analiza B. Bordeos

Editor: Ma. Lourdes B. Brutas

Mga Tagasuri: Edgar B. Collantes


Florenia C. Toralde

Tagalapat: Ricky B. Tangtang


Antonio L. Morada
ARALIN 1: Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago sa
Buhay

Sa araling ito’y matutuhan mo ang konsepto ng


pagpapatuloy at pagbabago ng edad ng isang tao.
Inaasahan rin na masasabi mo ang kahulugan ng salitang
pagbabago.

Layunin:
Nakapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga
larawan ayon sa pagkakasunod-sunod

Talahulugan:

Pagbabago - ito ang tawag sa mga pag-iiba-iba ng


mga pangyayari sa buhay

Pagpapatuloy – patuloy na pagbabago ng isang


bata

Edad - nangangahulugan ito ng gulang o tanda;


tumutukoy sa bilang ng taon na nabubuhay
ang isang tao

1
Panimulang Pagsubok:
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Bilugan ang mga
bagay na ginamit mo noong ika’y nasa edad na 0-2 pa
lamang.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Ang bata mula ng siya’y isilang hanggang sa


kasalukuyan ay maraming pagbabagong naganap sa
kanyang sarili. Ang edad ng bata at ang mga bagay na
kaya niyang gawin ay nadaragdagan habang siyaý
patuloy na lumalaki. Pagbabago ang tawag sa pag-iiba-
iba ng mga nangyayari sa buhay ng isang tao. Ang
pagbabagong itoý dapat nating alagaan at
pahalagahan.

2
Mga Pagbabago sa Sarili:

EDAD/GULANG KAKAYAHAN AT PAGBABAGO SA SARILI


0 taon hindi pa marunong magsalita at
pinapasuso pa ng ina

1 taon marunong ng gumapang at nag-aaral


ng tumayo

2 taon marunong ng tumayo at maglakad


nang may gabay ng magulang

3 taon marunong ng maglakad at tumakbo


mag-isa at marunong ng makipaglaro

4 taon kaya ng gumawa ng mga


magagaang
gawain

5 taon nagsimula ng pumasok sa paaralan


bilang kinder, natututo ng sumulat at
bumilang; marunong na
makipagkaibigan

6 taon handa ng pumasok sa Grade 1, mas


marami na silang alam sa paaralan;
kaya ng gumawa ng ilang gawain

3
Pagsasanay 1
Tingnan ang bawat larawan. Ayusin ito sa tamang
pagkakasunod-sunod ayon sa pagbabago sa edad at
sarili. Isulat ang bilang 1-7 sa loob ng maliit na kahon sa
ibaba ng larawan.

Pagsasanay 2

Isulat ang salitang Tama sa patlang kung wasto ang


sinasabi ng pangungusap at Mali naman kung ito’y di-
wasto.
______1. Nag-iiba ang sukat ng damit habang lumalaki
ang bata.
______2. Hindi nagbabago ang gawain ng bata
habang siya’y lumalaki.
______3. Patuloy na nadaragdagan ang mga gawain ng
bata na kaya nitong gawin.

4
______4. Pagbabago ang tawag sa pag-iiba-iba ng mga
nagyayari sa buhay ng isang bata.
______5. Hindi nagpapatuloy ang pagbabago sa buhay
ng isang bata.

Pagsasanay 3

Ang kambal na sina Janet at Jaspher noong silaý bata


pa ang makikita mo sa mga larawan sa ibaba. Kulayan
ang mga larawang ito ayon sa kanilang edad.

Berde – 0 taon lila – 4 taon


Dilaw – 1 taon itim – 5 taon
Pula – 2 taon puti – 6 taon
Asul – 3 taon

Panghuling Pagsubok
Gumuhit ng larawan ng bata na akma sa edad na
nakasulat sa bawat kahon. (Gagamitin ng guro ang rubric
na inihanda sa pagmamarka ng awtput.)

5
0 taon 1 taon 2 taon 3 taon

4 taon 5 taon 6 taon

Puntos Pamantayan
5 May kulay, malinis, maganda at
maayos ang pagkakaguhit
4 May kulay, malinis at maayos ang
pagkakaguhit
3 May kulay ang naiguhit
2 Hindi natapos ang pagguhit
1 Walang naiguhit

Karagdagang Gawain:
Iguhit ang mga pansariling gamit na nagbago sa
iyong sarili.

6
For inquiries or comments, please contact:

You might also like