You are on page 1of 44

Filipino 4

Day 1
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan (kasarian)sa
pagsasalita tungkol - sa sarili sa mga tao,sa mga hayop
sa paligid - sa lugar, bagay at pangyayari sa paligid
F4WG-Ia-e-2
Ano ang pangngalan?

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook at pangyayari.
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook at pangyayari.

tao bagay hayop pook pangyayari


         
         
Ating alamin ang panawagan ni unggoy at aso para
sa ating kalikasan.
Ano ang panawagan ni unggoy?
Ano naman ang panawagan ni aso?
Ano ang nais nilang iparating sa kanilang
panawagan?
 
Nakikilala mo ba ang mga pangngalang ginamit sa
panawagan at ang mga kasarian nito?
Mga Pangngalan sa Panawagan
Basahin ang talakayan.
Saan nakatira si Unggoy?
Sagot: Siya ay nakatira sa kabundukan, burol, at
kagubatan
Ano ang kasarian ng mga salitang nabanggit?
Sagot: Ito ay mga walang kasarian.
Alin ang pangngalang panlalaki?
Sagot: Pangulong Rodrigo R. Duterte
Basahin ang talakayan.

Alin ang pangngalang pambabae?


Sagot: Pangalawang Pangulo Leni Robredo
Alin ang salitang di- tiyak sa panawagan?
Sagot : kawani, pulis, pangulo
Ano ang kasarian ng Pangngalan?

Ang Pangngalan ay may kasarian. Maaari


itong pambabae, panlalaki, di- tiyak, walang
kasarian.
Mga Kasarian ng Pangngalan
1. Pambabae pangngalang tumutukoy sa
babae.
Halimbawa: (ate, nanay, blusa, lola)

2. Panlalaki pangngalang tumutukoy sa


lalaki.
Halimbawa: (kuya, tatay, polo, lolo)
Mga Kasarian ng Pangngalan
3. Di-Tiyak pangngalang maaaring tumukoy sa
lalaki o babae.
Halimbawa: (guro, pulis, prinsipal, bata)

4. Walang kasarian pangngalang tumutukoy


sa mga bagay na walang kasarian.
Halimbawa: (upuan, mesa, papel, lapis)
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Pangkat 2
Magtala ng punan ng tamang ngalan ang bawat kolum.

Walang
Pambabae Panlalaki Di-tiyak
Kasarian
       
       
       
Pangkat 3

Sumulat ng 4 na pangungusap na ginagamitan ng


pangngalang pambabae,panlalaki,walang kasarian
at di-tiyak pagkatapos ay basahin ito sa klase.
Punan nang tamang pangangalan ang
talata tungkol sa iyong kaibigan. Gamitin
ng mga pangngalang may iba’t ibang uri at
kasarian. Pumili sa loob ng kahon.

baon, kaibigan, Pipay, lapis, papel


Ang Aking Kaibigan
 
Ako ay may 1. _______. 2. _______ ang
kanyang pangalan. Siya ay napakabait. 3.
_______niya ay aming pinagsasaluhan. Kapag wala
akong 4. _______ at 5. ______ ako’y kanyang
pinapahiram. Talagang napakabait ng aking
kaibigan.
Laging tandan:

Pangngalan ang tawag sa bahagi ng pananalita na


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar.
Ang Pangngalan ay may kasarian. Maaari itong
pambabae, panlalaki, di- tiyak, walang kasarian.
1. Pambabae pangngalang tumutukoy sa babae.
Halimbawa: (ate, nanay, blusa, lola)
2. Panlalaki pangngalang tumutukoy sa lalaki.
Halimbawa (kuya, tatay, polo, lolo)

3. Di-Tiyak pangngalang maaaring tumukoy sa


lalaki o babae.
Halimbawa (guro, pulis, prinsipal, bata)
4. Walang kasarian pangngalang tumutukoy sa
mga bagay na walang kasarian.
Halimbawa (upuan, mesa, papel, lapis)
Panuto: Gamitin ang mga pangngalan sa loob
ng kahon upang mabuo ang sinasabi sa talata.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel
Kahanga-hangang 1. _________ si 2. _________.
Siya ay nakatira sa bulubundukin ng barangay 3.
_________. Malayo man ang kanilang bahay sa bayan
subalit malakas ang signal ng 4. _________ sa kanilang
cellphone. Maliban sa itinuturo ng kaniyang gurong si 5.
_________ matiyaga niyang hinahanap sa 6. _________
ang lahat ng kanilang aralin.
Kaya’t sa oras ng 7. _________ tuwang-tuwa ang kaniyang
mga kamag-aaral sa mga bagong impormasyon na
kaniyang ibinabahagi. Maliban sa paghahanap ng mga
kakaibang balita, mahilig din siyang mag-alaga ng 8.
_________ at 9. _________. Tumutulong din siya sa
kaniyang ina sa pagtitinda ng gulay. Sa kaniyang paglaki,
pangarap niyang maging isang 10. _________.
Tukuyin ang kasarian ng bawat pangalan sa
ibaba.Pagkatapos gamitin ito sa pangungusap.

_______1. magulang
_______2.Darna
_______3.paaralan
_______4.tinapay
_______5.Nanay
Filipino 4
Day 2
Naibibigay ang kahalagahan ng media
(hal. pangimpormasyon, pang-aliw,
panghikayat) F4PDI-e-2
Panuto: Pagtambalin ang mga pangalan ng larawan sa hanay A
piliin ang letra ng tamang sagot sa hanay B. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Hulaan ang ngalan ng ipakikitang larawan.
Hulaan ang ngalan ng ipakikitang larawan.
Hulaan ang ngalan ng ipakikitang larawan.
Ibigay ang kahalagahan ng mga larawan na
nasa itaas. Sa iyong palagay, bakit natin
kailangan ang mga ito?
Iba’t -ibang uri ng media

1.Ang telebisyon o radyo-isang sistemang tele


komunikasyon para sa pagpapahayag at
pagtanggap ng mga gumagalaw na mga
larawan at tunog sa kasalukuyan. Ito ay
pangmasang panghatid ng libangan,
edukasyon, balita o alok.
Iba’t -ibang uri ng media

2. Social media
- ito ay isang Sistema ng pakikipag-
ugnayan, paglikha,pagbabahagi at
pakikipagpalitan ng impormasyon sa isang
virtual na komunidad. Ang ilang halimbawa
nito ay ang facebook, instagram at twitter.
Iba’t -ibang uri ng media

3. Dyaryo
- naglalaman ng balita, impormasyon,
patalastas.
Iba’t -ibang uri ng media

4. Internet
-isang Sistema na ginagamit ng buong mundo
upang makapag konekta ang mga kompyuter o
grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-
ibang klase ng mga telekomunikasyon. Gamit
ang internet, maaari tayong makagamit ng
Google,Internet Explorer, Mozilla Firefox.
Kahalagahan ng media

1.Nagbibigay ng impormasyon

- Ito ang pinakamahalaga sa lahat ng tao


sapagkat dito natin makukuha ang mga balitang
nagsisilbing gabay sa ating pang-araw araw na
pamumuhay
Kahalagahan ng media
2. Nagbibigay – aliw
– Sa panonood ng mga teleserye, variety
shows, music videos, isports sa telebisyon,
pakikinig sa radyo ng mga musika, paggamit ng
youtube para manood ng video, pakikipag- usap
sa kaibigan gamit chat room sa facebook ito’y
nagbibigay kasiyahan at libangan sa mga tao.
Kahalagahan ng media

3. Nanghihikayat

- Nagagamit ito para hikayatin at makapili


ang mga mamimili na bumili ng mga produkto
na makikita sa patalastas sa telebisyon, radyo at
maging sa internet.
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng bawat larawan. Iguhit
ang
kung Nagbibigay ng impormasyon, Nagbibigay –
aliw at Nanghihikayat.

1. 2. 3.

4. 5.
• Bakit mahalaga ang media sa panahon
natin ngayon?
Ano ang midya?

Ang midya (Ingles: media) ay mga


pinagsamang pagpapalabas o kagamitan na
ginagamit sa pagtala at paghatid ng impormasyon
o datos. Napakahalaga ng media sa ating buhay
sapagkat ito ang gabay natin sa pang araw- araw
na pamumuhay. Lagi tayong una sa mga
nangyayari sa atin kapaligiran sa loob at labas ng
ating bansa.
Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Ibigay
ang kahalagahan ng media na tinutukoy sa
bawat isa. Piliin sa kahon at isulat sa inyong
papel ang letra ng sagot.

a. Nagbibigay-impormasyon
b. Nagbibigay-aliw
c. Nanghihikayat
_______1. Paboritong panuorin ni nanay ang
teleserye na Ang Probinsyano.
_______2. Nakaharap ang pamilya ni Aling Rosa sa
telebisyon at pinapanood ang paboritong
teleseryeng pambata.
_______3. Nanunuod si Jorryn at Boggs ng
nakakaaliw na video sa youtube tungkol sa
batang magaling magluto.
_______4.Narinig ni Mang Juan na may
pagpupulong na gaganapin sa kanilang
barangay tungkol sa pagpapatupad ng
kalinisan . Agad siyang naghanda para
makilahok sa pagpupulong.
_______5.Nabasa ni ate sa facebook ang isang
produkto na mainam magpaputi ng balat.
Takdang Aralin:
Sa napapanood mo at napapakinggang balita ano ang
halaga ng mga ito sa iyo. May natutuhan ka ba sa
mga napapanood/napapakinggang balita? Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

You might also like