You are on page 1of 23

K Kindergarten

Modyul 4
Ako ay Kasapi ng Isang Pamilya
Kwarter 2: Ikalabing Isang Linggo
Pang-apat na Araw

KINDERGARTEN
Modyul 4: Ako ay Kasapi ng Isang Pamilya
Ikalawang Markahan- Ikalabing Isang Linggo, Pang-apat na Araw
Competency Code: KMKPPam-001, KPKFM-00-1.3, KPKFM-001.4, KMKPPam-00-6, MKC-00-4, MKAT-00-3
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Maricris F. Sales, PhD.
Editor: Lolita V. Lorenzo, Leonora L. Tuason, Roselily M. Esteban, Hilda R. Mariano, Amelia B. Bergonia & Marjorie D. Pilon
Tagasuri : Elizabeth R. Berdadero ,Mercy M. Antimano, Marivel G. Morales
Tagaguhit: Emerzon Responso, Roberto V. Duldulao, Gregg Martin S. Dominia
Tagapamahala: Jonathan A. Fronda, PhD, CESE, Janette V. Bautista, EdD, Mercy M. Antimano
Tagapamanihala: Cherry S. Ramos, EdD,CESO V

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
Kindergarten
Modyul 4
Ako ay Kasapi ng Isang Pamilya
Ikalawang Markahan
Ikalabing Isang Linggo-Pang-Apat na Araw

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador ng Schools Division Office ng Santiago City.
Hinihikayat naming ang iba pang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Panimulang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko
institusyon upang gabayan ka at ang gurong tagapagdaloy. Upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
MARICRIS F. SALES
Modyul 4
Ako ay Kasapi ng Isang Pamilya
Ikalabing Isang Linggo-Pang-apat na Araw

Alamin
Sa araw na ito, ay mapag-aaralan ang iba’t ibang gawaing pampamilya na nagbibigay ng
kasiyahan sa kanila. Ang mga gawaing pamapamilya ay mga gawaing isinasagawa ng magkakapamilya
nang tulong-tulong at sama-sama kagaya ng paglilinis, pagsisimba, pamamasyal, panonood at sama-
samang kumakain.

1
Bilang karagdagan, mapag-aaralan din ang mga bilang na pinagsasama upang makabuo ng bilang na
apat (4).

Ang modyul na ito ay tumutugon sa mga sumusunod na kasayanayan:


• Natutukoy na may pamilya ang bawat isa. (KMKPPam-00-1).
• Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan: pagpilas/paggupit/pagdikit ng papel (KPKFM-00-
1.3); pagbakat, pagkopya ng larawan, hugis, at titik (KPKFM-001.4)
• Naikukuwento ang mga ginagawa ng pamilya nang sama-sama (KMKPPam-00-6)
• Match numerals to a set of concrete objects from 0 to 10 (4) (MKC-00-4)
• Combine elements of two sets using concrete objects to represent the concept of addition (MKAT-
00-3)

Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, Ikaw ay inaasahang magawa ang mga sumusunod na layunin:

2
• Nailalahad ang iba’t ibang gawaing pampamilya;
• Naikukuwento ang nararamdaman kapag isinasagawa ang mga gawaing pampamilya ng sama-
sama;
• Nakaiisip ng dalawang bilang na pinagsasama upang makabuo ng bilang na apat.
• Nabibilang ang laman ng isang set at naiuugnay ang bilang sa mga konkretong bagay mula 0
hanggang 4;
• Napahahalagahan ang pagtutulungan at pakikiisa ng bawat miyembro sa mga gawaing pamilya.

Subukin
Panuto: Pagtambalin ang larawan ng gawaing pampamilya at ang pangalan nito. Gumuhit ng linya
upang pagdugtungin ang pangalan at larawan.

• Nagsisimba

• Namamasyal

3
• Nagkakantahan

• Naglilinis

• Kumakain

Balikan

Alalahanin ang mga uri ng pamilya. May pamilyang mas marami, at may pamilyang mas kaunti ang
bilang dahil may mga pamilya na hindi magkakasama sa isang tirahan.

Masdan mo ang mga larawan sa ibaba. Alin sa dalawa ang katulad ng inyong pamilya?

4
Tuklasin

Gawain 1- Munting Aklat Ng Mga Gawaing Pampamilya (Minibook)


Kagamitan:
* lumang magasin, dyaryo, larawan ng sariling pamilya o drawing ng mga gawaing pampamilya hal.
Kumakain, namamasyal, naglilinis, nagsisimba, naglalaro, nanonood
* lapis o colored markers
5
* gunting
* pandikit

Pamamaraan:
1. Gamit ang mga lumang magasin o diyaryo, gumupit ng limang larawan ng pamilyang sama-sama sa
iba’t ibang gawain. Halimbawa: Kumakain, namamasyal, naglilinis, naglalaro, nagsisimba.
(Maaaring gamitin ang larawan ng sariling pamilya kung meron.)
2. Idikit ang mga ginupit na larawan sa nakatuping bondpaper o minibook.
(Isang larawan lamang sa isang pahina)
3. Bakatin ang pamagat at sa tulong ng magulang, isulat ang mga pangalan ng Gawain sa ibaba ng
bawat larawan sa minibook.
4. Ibahagi ang kuwento ng mga gawaing pampamilya na makikita sa bawat larawan at sabihin ang
pakiramdam kapag ginagawa ang mga ito.

6
Suriin

Ang aming pamilya ay may mga bagay na ginagawa ng sama-sama.


Kami, ay nagtutulungan upang mas mapadali ang mga gawain.
Ano ano ang mga ginagawa ng inyong pamilya upang kayo ay maging masaya?

7
Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng masayang pampamilyang
gawain .

8
Pagyamanin

Panuto: Ang isa sa pinakamasayang gawaing pampamilya ay ang pagkain ng salo-salo kasama ang buong
pamilya. Narito ang larawan ng pamilyang masaya at sama-samang kumakain. Kulayan ang
larawan.

9
Gawain 2 ( Matematika)
Kagamitan:
▪ Mga bagay na tig-apat: Halimbawa: 4-baso, 4-plato, 4-kutsara, 4-tinidor, 4-mangkok
▪ Basket o karton
▪ Number cards:

10
▪ Tig 2 set (0-4)

▪ Worksheet para sa Gawain 2.

Pamamaraan:
1. Uriin sa iba’t ibang pamamaraan, ang mga bagay na ginagamit kapag kumakain ang pamilya ng sama-
sama, na nasa loob ng basket o karton.
2. Bumuo ng tig-apat na bilang gamit ang mga bagay na ito. Halimbawa: 3-plato, 1-baso
3. Pumili ng kard para ipakita ang pinagsamang bilang para makabuo ng Apat. (Number combination)
Halimbawa: 3 at 1 ay 4
4. Bilangin ang mga bagay sa bawat grupo.
11
Panuto: Ang mga nasa loob ng kahon ay mga kagamitang ginagamit kapag kumakain ang pamilya ng
sama-sama. Pagsamahin ang bilang ng mga bagay at isulat ang tamang sagot sa loob ng
kahon.
1

at ay

2 at ay

3 at ay

12
4 at ay

5 at ay

Isaisip

Natutunan ko na bawat pamilya ay nagsasagawa ng iba’t ibang gawaing


pampamilya. Nalaman ko rin na mas masayang gawin at mas mabilis matapos ang
mga gawain kung sama-sama at nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamilya.

13
Naunawaan ko rin ang pagbibilang ng hanggang apat. At natutunan ko rin na
may mga bilang na maaaring pagsamahin upang makabuo ng bilang na apat.

Isagawa
Panuto: Bilangin ang laman ng bawat mangkok at pagsamahin ang bilang nito. Isulat ang tamang sagot
sa kahon.

14
at ay

at ay

at ay

at ay

at ay

Tayahin

15
Panuto: Sa pamamagitan ng stick drawing iguhit mo sa loob ng kahon kung ano ang pinakagusto mong
gawaing pampamilya at ikuwento mo kung ano ang nararamdaman mo kapag ginagawa ninyo
ito kasama ang iyong pamilya.
Ang Paborito Kong Gawaing Pampamilya

Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ng malinis at wasto ang bilang na 4

16
Susi sa Pagwawasto

17
Subukin Balikan- Nakapipili ang bata ng isang larawan na Tuklasin- Nakagawa ang bata ng isang minibook ng
naglalarawan ng kanilang pamilya. Maaaring mga Gawaing Pampamilya
magkakaiba ang sagot ng mga bata. (magkakaiba ang sagot ng mga bata)

Suriin Pagyamanin- Gawain 1 Pagyamanin- Gawain 2

Isagawa Tayahin- Nakaguhit ang bata ng isang gawaing Karagdagang gawain- Naisulat ng bata ang bilang
pampamilya na paborito nyang ginagawa. na apat ng malinis at wasto sa mga guhit.

Mga Sanggunian
Aklat

18
DepEd Order no.47, series of 2016- Implementing Guidelines for the National
Kindergarten Program (Omnibus Policy on Kindergarten education)
DepEd K to 12 Kindergarten Curriculum Guide- Standards and Competencies for Five
(5) Year Old Filipino Children, May 2016
Early Childhood Care and Development (ECCD Council), 2011. National Early Learning Framework of the
Philippines, Pasig City, Philippines
Most Essential Learning Competencies, Curriculum Implementation and Learning Management Matrix
Internet
google.com- https://tinyurl.com/y8ssb9ok ; https://tinyurl.com/ybdrbq44
Inihanda ni :
MARICRIS F. SALES
SDO-Santiago City
May-Akda

19

You might also like