You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin

Araling Panlipunan 3
I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pangunahing direksyon;
b. Napapahalagahan ang paggamit ng pangunahing direksyon;
c. Nailalarawan ang mga lugar gamit ang pangunahing direksyon.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Pangunahing Direksyon
B. Sanggunian: Makabayan III Pahina 1-8
C. Kwarter: Unang Kwarter
D. Kagamitan: Kartolina, panulat, gunting, pandikit, presentasyon, laptop, T.V, at larawan
E. Pagpapahalaga: Mabigyang halaga ang paggamit ng pangunahing direksyon
F. Istratehiya: Diskusyon
G. Kasanayang lilinangin: Pasalita

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago natin simulan ang ating klase, tayo ay
tumayo at manalangin, maari mo bang
pangunahan Trisia? (tatayo at mananalangin ang mga mag-aaral)
Tayo ay yumuko at damhin ang presensya ng
Panginoon. Sa ngalan ng ama, anak at espirito
santo Amen. Panginoon, maraming salamat
po sa araw naa ito na ipinagkaloob niyo sa
amin. Nawa’y gabayan mo kami sa mga
gagawin namin sa araw araw. Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga ma’am!

Bago natin simulant ang ating klase, maari ba


tayong tumayo lahat at ayusin natin ang mga
upuan at pulutan ang mga nakakalat sa sahig.

(magpupulot ang mga mag-aaral ng mga kalat


sa kanilang upuan at kanila itonh iayos)
Maraming salamat mga bata, ngayon ay maari
na kayong magsi upo

(uupo ang mga bata)


3. Pagtiyak sa mga dumalo

Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?

Wala po ma’am
Mabuti kung ganon.

Bigyan ng palakpak ang inyong sarili dahil


kayo’y ligtas na nakarating sa ating klase at
handang matuto

(nagpalakpakan ang mga estudyante)


4. Balik Aral

Noong nakaraan ay pinag-aralan natin ang


pangangalaga ng mga yaman ng bansa. Muli
sino ang makapagbibigay ng mga wastong
paraan upang mapangalagaan natin ang
yaman ng bansa?

(magtatawag ng isang mag-aaral)

Gumamit po ng baso habang nagsisipilyo


Tama! Mahusay Jerson.

Sino pa ang makapagbibigay?

Ma’am ako po!

Subukin mo nga Valerie?

Huwag magtapon ng basura sa kanal


Magaling!

Sino pa? Nathan, makapagbibigay ka ba?

Maglinis ng paligid at ipaalam po sa


kinauukulan kapag po may nagsunog ng
dahoon o plastic.
Mahusay mga bata! Batid kong may
natutunan kayo sa naging talakayan natin
kahapon dahil ang inyong nabanggit ay tama.
Kaya naman klase sana ay gawin ninyo ang
inyong binanggit upang mapangalagaan pa
natin ang yaman ng ating bansa. Dahil dyan
palakpakan niyo ang inyong sarili.

5. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, ay


nais kong subukun ang inyong kaalaman.

Hahatiin ko sa dalawa ang ating klase. Ang


unang pangkat ay nasa kanan at ang
ikalawang pangkat ay nasa kaliwa. Ngunit
kailangan ko lamang ng tiglilimang
representante bawat grupo. Naiintindihan mga
bata?
Opo!
Sa loob ng kahon ay pumulot kayo ng mga
letra at subukang bumuoo ng mga salita at
idikit ito sa pader. Naiintidinhan mga bata?

Paunahan makabuo ng mga salita gamit ang Opo!


mga letrang nasa kahon. May apat na salita
lamang kayong kailangang buuin.

Ayan! Handa na ang lahat?

(sinimulan na ang laro) Handa na po!

mga bubuuing salita


HILAGA
TIMOG
SILANGAN
KANLURAN
(pagkatapos ng ilang minuto ay may nauna ng
grupo ang natapos)

Magaling mga bata! At ang nanalo ay ang


unang pangkat!

Palakpakan sila mga bata. Batid kong kayo ay


nasiyahan sa laro.
(magpapalakpakan ang mga bata)
2. Pagtalakay

Upang mapadali nating masasabi ang


kinalalagyan ng isang bagay o lugar
gumagamit tayo ng direksyon.

May apat tayong pangunahing direksyon, ito


ay HILAGA, TIMOG, SILANGAN at
KANLURAN.

Saang bahagi ng Pilipinas tayo nakatira?


Mayroon tayong ginagamit upang Madali
nating masabi ang kinalalagyan ng ilang
bagay o lugar. Ito ang mga direksyon.

Nasabi ko nga kanina na mayroon tayong apat


na pangunahing direksyon. Ano iyon?
Ito po ay ang Hilaga, Timog, Silangan at
Kanluran.

Mahusay!

Kung titignan mo sa mapa, makikita sa isang


bahagi nito ang sagisag ng magiging gabay sa
paghahanap ng isang lugar. Tingnan mo ang
mapa sa ibaba, may makikita kang sagisag sa
isang bahagi nito.

Ang sagisang na nasa gilid ng mapa ay


tinatawag na compass rose. Sa tulong ng
compass rose ay madali nating masasabi ang
direksyon ng isang pook, instrumento kasi ito
sa pagtukoy ng direksyon. Ang hilaga ay
maaring isulat ng H; silangan ay S; timog at
T; at kanluran ay K. tignan natin ang
malaking compass rose sa ibaba.

Paano natin magagamit ang mga direksyong


ito? Making at ituturo ko sa inyo.

Tignan ang compass rose at ang mga larawan


sa ibaba. Hanapin natin ang lugar na nasa
hilaga, silangan, timog at kanluran. Isipin
mong nasa gitna ka ng lugar na ito at
nakaharap sa silangan.

Saan matatagpuan ang kapatagan? Ang kapatagan po ay matatagpuan sa Timog


na bahagi at ang bahay ay nasa kanluran.

O diba, ang dali lang matukoy ay kinaroonan


ng isang lugar sa tulong ng pangunahing
direksyon.

Naintindihan niyo ba ang ating naging


talakayan klase?
Opo ma’am

3. Paglalapat

Kung gayon, magkakaroon tayo ng isang


gawain kung saan dito ko makikita kung totoo
nga bang naintindihan niyo ang ating aralin.
Gusto niyo bang maglaro muli mga bata?
Opo ma’am

Dahil diyan tayong lahat ay tumayo.


(tatayo ang mga bata)
Madali lang ang mechanics ng laro.
Magsasabi ako ng direksyon at inyo naming
gagawin. Naintindihan ba mga bata?

Halimbawa: kapag sinabi kong hilaga


ipapaharap niyo ang inyong tiyan. Silangan
naman sa kanan, kanluran sa kaliwa at timog
sa likod.

Ngayon. Naintindihan na ba?

Opo ma’am!

(nagsimula na ang laro. Makalipas ang ilang


minuto ay natapos na)

Nasiyahan ba kayo mga bata?


Opo ma’am

Ako’y nagagalak at nasiyahan kayo sa ating


ginawa. At lubos akong nasisiyahan sapagkat
Nakita kong naintidihan niyo ang ating aralin.

4. Pagpapahalaga

Ngayon klase, mula sa ating napag-aralan


tungkol sa pangunahing direksyon. May
dalawa lamang akong katanungan. Una, anu-
ano ang mga pangunahing direksyon?

(magtatawag ng mag-aaral)

Ano ang iyong kasagutan Faith?

Mayroon po tayong apat na pangunahing


direksyon: timog, hilaga, silangan, at kanluran
po
Mahusay Faith. Tama ang iyong sagot.

Pangalawang katanungan. Bakit natin


kailangan ang mga pangunahing direksyon?

(magtatawag ng mag-aaral)
Ang mga pangunahing direksyon ay
nagbibigay sa atin ng pagkaunawa sa espasyo
at lokasyon. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa
timog, silangan, kanluran, at hilaga, nagiging
mas madali nating maunawaan kung saan
tayo naroroon at kung paano tayo
makakarating sa mga partikular na lugar.

Ano pa klase?
(magtaas ng kamay ang mga bata)

Subukin mo nga Kate?


Ang mga pangunahing direksyon ay mahalaga
sa paglalakbay, lalo na kung walang
modernong teknolohiya tulad ng mga GPS.
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
direksyong ito, nagiging mas madali nating
natatagpuan ang tamang ruta, napapabuti ang
pagpaplano ng mga byahe, at nagiging mas
madali ang pagkakahanap ng mga lugar na
nais nating puntahan.

(nagtaas ng kamay si nate)


May iba pa bang nais magbahagi?

Nais kong marinig ang iyong ibabahagi nate.


Ang mga pangunahing direksyon ay mahalaga
para sa ating kaligtasan at seguridad. Sa mga
kaso ng pagkawala o sa mga emerhensiya,
ang kaalaman sa mga direksyong ito ay
maaaring magamit upang makahanap ng
tulong o makabalik sa tahanan. Ito rin ay
makakatulong sa pag-iwas sa mga panganib at
pagkabigo na maglakbay sa maling direksyon.

Mahusay klase. Bigyan niyo ng malakas na


palakpak ng inyong mga sarili.

Klase, sa kabuuan, ang mga pangunahing


direksyon tulad ng timog, silangan, kanluran,
at hilaga ay mahalaga dahil nagbibigay sila ng
sistema ng oryentasyon sa espasyo,
nagpapadali ng paglalakbay, nagpapalakas ng
komunikasyon, nagpapaunlad ng ating
kaalaman, at nagbibigay ng kaligtasan at
seguridad. Ang kaalaman na ito ay magagamit
natin sa pang araw araw na pamumuhay.

IV. Ebalwasyon
Sa pagkakataong ito, magkakaroon tayo ng
gawain upang tayain ang inyong kaalaman
hinggil sa ating napag-aralan.
A. Panuto: Isulat sa patlang ang apat na
pangunahing direksyon?
1.
2.
3.
4.
B. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Mahalaga bang malaman ang mga


pangunahing direksyon?
a. Oo
b. Hindi
c. Siguro
d. Ewan
2. Bakit pinag-aaralan natin ang
paggamit ng pangunahing direksyon?
a. Para mapadali nating makikita abg
kinaroroonan ng isang lugar sa
mapa
b. Para maipagmayabang nating may
tayo
c. c. para mapabilis nating bilhin ang
isang lugar
d. para matuwa ang ating guro

V. Takdang aralin

Para sa inyong takdang aralin, kopyahin ito


sa inyong sagutang papel.

Panuto: Suriin ang mapa. Magbigay ng tig-


isang pangalan ng lugar na nasa Hilaga,
Silangan, Timog, at Kanluran gamit ang
compass rose. Isipin na nasa gitna ka mapa.

At dito na nagtatapos ang ating takayan


ngayong araw. Nawa’y may natutunan
kayong leksyon sa araw na ito. Paalam mga Paalam po ma’am
bata. Salamat sa araw na ito.

Inihanda ni:
Tambauan, Marifel P.
BEED 3B

You might also like