You are on page 1of 14

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

IKA-8 BAITANG

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang

maipapamalas ang mga sumusunod nang may 90% na pagkatuto:


1. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-

ibang panahon.
2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng

pamumuhay ng mga unang tao.


3. Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong

unang panahon.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: “Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig” (AP8HSK-If-6)
B. Konsepto: Panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao (Panahong

Paleolitiko, Panahong Neolitiko, at Panahon ng Metal)


C. Integrasyon Sa Iba Pang Asignatura: Antropolohiya
D. Pagpapahalaga: pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan
E. Kagamitan:
-whiteboard marker -maliliit na sanga
-plastic -mga dahon
-bato
F. Sanggunian:

Book Reference: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007).

“Kasayasayan ng Daigdig”. JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain

(Panalangin) (Pinangunahan ng nakatalagang

Magsitayo ang lahat para sa estudyante sa araw na iyon ang

panalangin. panalangin)

Magandang Umaga klase. Magandang Umaga din po guro.

1
Maaari na kayong umupo.

(Pagtatala ng liban sa klase)

Sinu- sino ang lumiban sa

klase? Wala po.


Salamat at kumpleto ang

lahat.

Bago natin simulan ang lahat, pulutin

ang mga kalat na nasa ilalim, tapat, likod

at gilid ng inyong upuan. Huwag ilagay sa


(Nagpulot ng mga kalat at umayos ng
bag ng kaklase kundi itago niyo sa mga
upo).
bag niyo.
B. Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang

tungkol sa mga sinaunang tao at


May tatlong paniniwalang pinagmulan ang
ang mga paniniwalang pinagmulan
tao. Una, ang paniniwala mula sa
nila. Ilahad mo nga sa klase ang
mitolohiya tulad ng Alamat ni Malakas at
iyong natatandaan sa araling iyon.
(Tumawag ng isang mag-aaral) Maganda. Ikalawa naman ay ang

paniniwalang panrelihiyon kung saan si

Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At

Tama ba sya klase? ang huli ay ang paniniwala mula sa

Magaling. Karagdagan? siyensya na kung saan ang tao ay


(Tumawag muli ng isa pang mag-
nagmula sa unggoy.
aaral)

Opo

Mahusay. Meron pa ba?


(Tumawag mula sa mga nakataas Ayon sa teoryang Ebolusyon ng Tao ni

ang kamay) Charles Darwin, ang tao daw ay nagmula

sa iisang ninuno na dumami at naging iba’t

ibang specie na ang tanging matibay at

malakas ang siyang mag-eevolve sa

Ekselente. May nais pa ba kayong pamamagitan ng “natural selection”

2
idagdag klase? Mga katanungan o

nais linawin sa araling ating

tinalakay? Kung wala na ay tutungo Meron pa po.

na tayo sa gawain natin ngayon

bago natin pormal na buksan ang Ayon sa mga eksperto, ang tao daw ay
susunod na aralin.
nagmula sa sinaunang mga specie ng

Apes. Ito ay ang specie ng

“Austrolapethicus” at specie ng mga

“Homo” kung saan kabilang ang Homo

Habilis, Homo Erectus, at Homo Sapiens.

Wala na po.

C. Pagganyak/Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang

ating talakayan meron akong

inihandang aktibiti na maaari niyong

malaman kung tungkol saan ang Opo titser.

ating aralin ngayong araw na ito.

Handa na ba kayo klase?

Hahatiin ko kayo sa tatlong

pangkat. Ngayon magbilang na tayo

ng isa hanggang tatlo at


(Magbibilang 1,2,3)
pagkatapos ay igrupo na ang

inyong mga sarili.

Ngayong naka grupo na kayo,

3
bibigyan ko ang bawat grupo ng

isang plastic bag na nag lalaman ng

iba’t ibang bagay na gagamitin nyo

upang makagawa ng isang bahay Pwede po ba kaming gumamit ng ibang

sa loob lamang ng 7 minuto. bagay bukod sa laman ng

plastic?

Hindi pwede. Uulitin ko ang

gagamitin nyo lamang sa paggawa

ng inyong bahay ay yun lamang

nasa plastic na ibibigay ko. Malinaw

na ba klase?
Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang

kanilang bahay)
Nakatapos na ba ang lahat? Mamili

ng isang representative para

ipaliwanag ang iyong nagawang


Ito po ang aming munting bahay nagtulong
bahay at ilahad ang mga
tulong kaming lahat sa paggawa nito,
kagamitang inyong nagamit. Mauna
nagplano po muna kami pagkatapos ay
na ang ang unang grupo.
ginawa na namin hanggang sa huli ay

nilagyan naman namin ng disenyo. Ang

ginamit namin ay mga bato, sanga ng mga


Magaling unang pangkat. Sumunod
halaman at ang mga dahon nito.
naman na groupo.

Mahusay group 2. Ngayon ang huling Ito naman yung nagawa naming bahay na

pangkat. Ipakita sa buong mula sa mga makikinis na bato, clay at

klase ang inyong nagawang bahay. ilang matitigas na papel.

Halos lahat ng materyales ay aming

nagamit at napag-isipan din naming

4
maayos kung paano namin ito gagamitin.

Kung titingnan ang mga nagamit namin ay

maliliit na pawid, mga sanga, tali o pisi,

Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita stick, at mga hibla-hibla. Dahil na rin sa

nyo na mayroong iba’t ibang bahay ang mga materyales na ito ay naging matibay

mga nagawa gamit ang mga materyales ang aming bahay.

na aking binigay sa bawat grupo. Natuwa

ako sa mga nagawa nyo, nagamit nyo (Tuwang tuwang pinapalakpakan ang mga
sarili)
nang maayos ang mga materyales na

ibinigay ko sa inyo. Dahil dyan palakpakan

nyo ang inyong mga sarili.


D. Paglunsad ng Aralin
Ngayon naman matutunan natin

ang isang bagong aralin. Sa aralin

nating ito, matutukoy natin ang

pagkakaiba ng pamumuhay ng mga


unang tao sa iba’t ibang panahon. Opo, kami’y handa na.
Handa na ba kayo sa bagong aralin
(Umupo ng maayos)
natin ngayon?

Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga

sa pisara ang mga ginamit na


(Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang
materyales sa paggawa ninyo ng
kagamitan sa paggawa ng bahay)
bahay.
(Tumawag ng ilang mag-aaral -bato

upang magsulat sa pisara) -sanga ng mga halaman

-dahon

- makikinis na bato

-clay

Anong mapapansin nyo sa mga -ilang matitigas na papel

nakatalang materyales sa pisara? - maliliit na pawid


(Tumawag ng isang mag-aaral)
-tali o pisi
Tama ba ang kanyang sagot klase?
-stick
Tama. Lahat ng mga bagay na iyan

5
ay makukuha natin sa ating paligid. -mga hibla-hibla

Sa tingin nyo, kung nabubuhay

kayo noong sinaunang panahon,

magagamit niyo rin ba ang mga

materyales na iyan? Bakit? Lahat ng mga nakatala ay madaling


Paano kung iyan lang ang mga
makita at makuha sa ating paligid.
gamit na mayroon kayo? Walang

mga gadgets na mayroon kayo


Opo
ngayon. Mabubuhay kaya kayo?
Bakit oo? Bakit hindi?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Salamat. Bakit naman oo? Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay

(Tumawag muli) mayroon na noong unang panahon.

Salamat sa inyong mga opinyon.

Kung nakagawa kayo ng bahay

mula sa mga materyales na binigay Opo. Hindi po

lang sa inyo, ganun din ang mga

sinaunang tao. Ginamit nila ang

mga makikita nila sa kanilang

paligid na posible nilang magamit. Hindi po kami mabubuhay kasi po wala


Ang pamumuhay ng sinanunag tao
kaming gadgets na kailangan namin.
ay nahahati sa tatlong panahon.

Magbigay ng isa.
(Tumawag ng mag-aaral) Opo, mabubuhay po dahil noong unang
Magaling. Ano pa?
(Tumawag muli ng isa pang mag- panahon hindi naman po kinakailangan

aaral). ang mga gadgets para mabuhay sila


Mahusay. At ang huli?
(Tumawag ng isa pang mag-aaral) halimbawa na lang ang pagkuha nila ng
Magaling. Panahong Paleolitiko ang
pagkain, manghuhuli sila ng hayop gamit
unang panahon. Anong mayroon
ang sibat upang may makain sila.
noong panahon ng Paleolitko?
(Tumawag ng isang estudyante).

6
Tama ba siya klase?

Magaling. Karagdagan?
(Tumawag ng isang mag-aaral).

Tama. Anong uri ng kagamitan ang

meron sila?
(Tumawag ng isang mag-aaral)

Magaling. Meron silang mga

magagaspang na kagamitan.

Paano naman sila kumukuha ng

kanilang pagkain?
(Tumawag ng mag-aaral) Panahong Paleolitiko

Tama. Sama-sama sila sa

paghahanap nila ng kanilang

makakain. Nananatili ba sila sa Panahong Neolitko

iisang lugar?
Bakit?
(Tumawag ng isang estudyante) Panahon ng Metal

Noong unang panahon, mga 2.5 milyong


Magaling. Tinatawag din silang mga
taon na ang nakakaraan, dito nagsimula
nomadiko dahil sila ay lagalag o
ang PANAHONG PALEOLITKO.
hindi sila nananatili sa kanilang mga
Tinatawag din itong “Panahon ng Lumang
lugar. Kanina sinabi niyo na
Bato” (Old Stone Age).
magagaspang na bato ang gamit ng

mga sinaunang tao ng panahong


Opo
ito, tama ba klase?
Saan naman kaya nila ito

ginagamit? Ang panahong paleolitko ay nagmula sa


(Tumawag ng isang mag-aaral).
salitang Griyego na “Paleos” na

nangangahulugang matanda o luma, at


Tama. Para may magamit sila
“lithos” na nangangahulugang bato. Ito

7
bilang sandata, ginamit nila ang ang pinakamahabang yugto sa

magagaspang na bato. Dito din sa kasaysayan ng sangkatauhan.

panahong ito natuklasan ng mga

sinaunang tao ang apoy. Magagaspang na bato ang kagamitan ng


Ano naman ang sumunod na
mga tao sa panahon ito.
panahon?
(Tumawag ng isang mag-aaral).
Tama. Paano naman kaya

namumuhay ang sinaunang tao sa

panahong ito?
(Tumawag ng isang estudyante). Pulo-pulotong sila sa paghahanap ng mga

Magaling. Kung sa panahon ng pagkaing kinakalap nila mula sa

paleolitiko, ang mga sinaunang tao kapaligiran maging sa paghuli ng mga

ay nangangalap ng pagkain at galang hayop.

nanghuhuli ng hayop, dito naman

sa panahon ng neolitiko natutunan

ng mga sinaunang tao ang

pagtatanim at umunlad din ang Hindi po.

kanilang mga kasangkapan sa

paggamit ng mas makinis na bato. Lagalag sila at pallipat-lipat ng tahanan

Ano naman kaya ang kanilang mga subalit panandaliang nananatili sa mga

itinatanim? yungib at malalaking punong kahoy para


(Tumawag ng isang estudyante)
Ganun na nga. Ano pa kaya ang makaiwas sa mga mababangis na hayop

mga ginagawa nila noong at ilan pang mga panganib na nagbabanta.

panahong ito?
(Tumawag ng isang estudyante)
Magaling. Hindi lamang pagtatanim,

natuto din sila mag-alaga ng hayop.

Hindi lang nila ito hinuhuli at

kakainin bagkus inaalagaan pa.


Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila

ng panahong ito?
(Tumawag ng isang estudyante) Opo.
Tama. Sa panahong ito ba, nanatili

8
na sila sa kanilang lugar? Ginamit nila itong mga sandata para
(Tumawag ng isang estudyante).
manghuli ng mga maiilap na hayop sa

ilang, panghiwa ng karne, pamputol ng


Tama. Isang halimbawa ng
kahoy, at maging sa pagkuha ng iba pang
neolitikong pamayanan ay ang
halaman.
“Catal Huyuk” na matatagpuan sa

Anatolia Turkey.
Ang mga batong gamit nila ay mas

makinis, makintab at higit sa lahat

ay may disenyo. Bawat disenyo ay

ayon sa kani-kanilang gamit sa

pangangaso at gawaing bahay.


Ano naman ang huling panahon ng
Ang sumunod po ay ang panahong
pamumuhay ng sinaunang tao?
(Tumawag ng isang estudyante) neolitiko.

Tama. Panahon ng metal. Ito ay

nahahati sa tatlo, ano-ano ang mga Sa panahong ito, natutunan ng mga

ito? sinaunang tao ang pagtatanim at ang mga


(Tumawag na isang estudyante)
Tama ba sya klase? kasangkapan nila ay yari na sa mga
Anong meron sa panahon ng
makikinis na bato.
tanso?
(Tumawag ng isang estudyante)

Magaling. Ano pa?


(Tumawag ng isang estudyante)

Mahusay. Meron pa ba?


Ano naman ang nangyari noong

panahon ng Bronse?
(Tumawag ng isang estudyante)

Magaling. At sa panahon ng bakal?


(Tumawag ng isang estudyante)

Tama. May idadagdag pa ba?


(Tumawag na isang estudyante)

Nagtatanim sila ng mga butyl, buto ng


Mahusay klase. Ang panahon ng
prutas, gulay at iba pang halaman.

9
metal ang huling yugto ng

pamumuhay ng sinaunang tao at Nagawa din nilang magpaamo ng hayop

hanggang ngayon makikita natin ito na nagsilbing malaking tulong sa kanilang

sa kasalukuyang panahon. mga gawain at pagbubungkal ng lupa.

Nakagawa din sila ng palayok mula sa

luwad na ginagamit nila para lutuan at

imbakan ng pagkain.

Opo. Naging pirmihan na rin nila ang

kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila

ng mga pamayanan at dumating din sila

sa puntong nagkaroon sila ng pinuno at

pamahalaan.

Panahon ng Metal

10
Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse,

at Panahon ng Bakal

Opo.

Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil

sa tanso subalit patuloy pa rin ang

paggamit sa kagamitang yari sa bato.

Nalinang ng mabuti ang paggawa at

pagpapanday ng mga kagamitag yari sa

tanso.

Wala na po

Iba’t ibang kagamitan at armas ang

nagawa mula sa tanso tulad ng espada,

palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at

sibat.

Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang

pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa

Kanlurang Asya.

Natutunan nilang magpanday ng bakal at

nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng

bakal sa iba pang kaharian.

E. Pagbubuod
Sinong makakapagbuod ng napag-
Napag-aralan natin sa araw na ito na may
aralan natin sa araw na ito?

11
(Tumawag ng estudyante) tatlong yugto o panahon ang pamumuhay

ng mga sinaunang tao. Ito ay ang

panahong paleolitiko, neolitiko at metal.

Ang panahong paleolitiko o tinatawag ding

lumang bato ay nagmula sa katagang

paleos o matanda at lithos o bato. Ang

mga sinaunang tao sa panahong ito ay

mga nomadiko dahil nangangalap sila ng

kanilang pagkain at naghuhuli sila ng

maiilap na hayop. Ginagamit nila ang mga

magagaspang na bato sa paghuli ng

hayop. Ang panahong neolitiko naman ay

tinatawag na panahon ng bagong bato.

Dito, ang mga sinaunang tao ay pumipirmi

Mahuhsay na pagbubuod.Sino pa na sa kanilang mga tirahan at nag-aalaga

ang nais magbahagi ng kanyang na rin sila ng mga hayop. Makikinis na

natutunan? bato naman ang ginagamit ng mga


(Tumawag ng isa pang estudyante)
sinaunang tao ditto. Nagkaroon na rin ng

pamayanan at pamahalaan sa panahong

ito, halimbawa na lang ang Catal Huyuk na

matatagpuan sa Anatolia Turkey. Ang

huling yugto ay ang panahon ng metal

kung saan ito’y nahahati pa sa tatlong

panahon. Ito ay ang panahon ng tanso,

panahon ng bronse, at panahon ng bakal.

Ang mga metal na materyales ay

ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang

kagamitan at armas tulad ng epada,

punyal, martilyo, sibat, at iba pa.

12
(Binahagi ng mag-aaral ang kanyang mga

natutunan)
F. Pagpapahalaga
Anong kabutihan o kagandahan
Napag-alaman kong sa bawat pagdaan ng
ang napag-alaman mo o nakita sa
panahon, nagkaroon ng malaking
bawat pamumuhay ng mga
pagbabago sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao?
sinaunang tao lalo na sa mga kagamitan

nila na ginagamit nila sa pagkuha ng


May katanungan pa ba klase
kanilang mga pagkain.
tungkol sa ating aralin? Nais

bigyang linaw?

Kung gayon naintindihan niyo na


Wala na po.
ang ating aralin sa araw na ito kaya

alam kong handa na kayo sa

inihanda kong maiksing pagsusulit.

Kumuha ng isang-kapat na papel at

lagyan ng bilang 1-5.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.
1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Sagot: Panahong Paleolitiko, Panahon Neolitiko, at Panahon ng Metal
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong

panahon ng Paleolitiko o Lumang bato?


Sagot: mga magagaspang na bato
3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?
Sagot: Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag upang kumuha ng

kanilang pagkain at manghuli ng mga hayop


4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng

paleolitiko sa panahon ng neolitiko?


Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunag tao

ay mangalap ng pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong panahon

naman ng neolitiko, ang mga sinaunang tao ay natutong pumirmi sa kanilang

lugar at natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.


5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?

13
Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa

paggawa ng iba’t ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol,

kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.

V. Kasunduan
Takdang aralin:
1. Sa isang buong papel, gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa

pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa

nagging aralin natin.


2. Basahin at unawain ang Aralin 3 “Mga yugto sa pag-unlad ng kultura sa

panahong Prehistoriko”.

Inihanda nina:

Caracas, Angelica

Rebulado, Monaliza E.

III-10 BSE Social Science

14

You might also like