You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNANIKA-8 BAITANG

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang maipapamalas ang mga sumusunod :
1. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon.
2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng
pamumuhay ng mga unang tao.
3 . Nakahahanap ng kagandahan sa pag alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.

II. Paksang Aralin


A. Paksa:”Pamumuhay ng mga tao sa daigdig”
B. Konsepto: Panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao (Panahong Paleolitiko, Panahong
Neolitiko, at Panahon ng Metal)
C. Integrasyon Sa Iba Pang Asignatura: Antropolohiya
D. Pagpapahalaga: pakiki – angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan
E. Kagamitan:
- cartolina - maliit na sanga
- plastic - mga dahon
- bato - pentel pen
F. Sanggunian:

Book Reference: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007).


“Kasaysayan ng Daigdig”. JMC Press, Inc. Lungsod Quezon.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral


A. Pang – araw – araw na Gawain

(Panalangin) (Pinangunahan ng nakatalang estudyante sa


Magsitayo ang lahat para sa panalangin. araw na iyon ang panalangin)

Magandang Umaga din po guro.


Magandang Umaga sa ating lahat.
Maari na kayong umupo.

(Pagtatala ng liban sa klase) Wala po.


Sinu – sino ang lumiban?
Salamat at kumpleto ang lahat.

Bago natin simulan ang lahat, pulutin ang mga (Nagpulot ng mga aklat at umayos ng upo).
kalat na nasa ilalim, tapat, likod at gilid ng inyong
upuan. Huwag ilagay sa bag ng kaklase kindi itago
niyo sa mga bag niyo.
B. Balik Aral

Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga


sinaunang tao at ang mga paniniwalang
pinagmulan nila. Ilahad mo nga sa klase ang iyong
natatandaan sa araling iyon.
(Tumawag ng isang mag – aaral) May tatlong paniniwalang pinagmulan ng tao.
Una, ang paniniwala mula sa mitolohiya tulas
ng Alamat ni Malakas at Maganda. Ikalawa
naman ay ang paniniwalang panrelihiyon kung
saan si Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At
ang huli ay paniniwala mula sa siyensya na
kung saan ang tao ay nagmula sa unggoy.
Tama ba siya klase?
Magaling. Karagdagan? Opo
(Tumawag muli ng isa pang mag – aaral)
Ayon sa teoryang Ebolusyon ng Tao ni Charles
Darwin, ang tao daw ay nagmula sa iisang
ninuno na dumami at naging iba’t ibang specie
na ang tanging matibay at malakas ang siyang
mag – eevolve sa pamamagitan ng “natural
selection”.

Mahusay. Meron pa ba?


(Tumawag mula sa mga nakataas ang kamay) Meron pa po.

Ayon sa mga eksperto, ang tao daw ay


nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito
ay ang specie ng “Austrolapethicus” at specie
ng mga “Homo” kung saan kabilang ang Homo
Habilis, Homo Erectus, at Homo Sapiens.

Ekselente. May nais pa ba kayong idagdag klase?


Mga katanungan o nais linawin sa araling
tinalakay? Kung wala na ay tutungo na tayo sa Wala na po.
gawain natin ngayon bago natin pormal na
buksan ang susunod na aralin.
C. Pagganyak/Motibasyon

Ngayon, bago natin simulant ang ating talakayan


meron akong inihandang aktibiti na maari niyong
malaman kung tungkol saan ang ating aralin
ngayong araw na ito.
Handa na ba kayo klase?
Opo titser.
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon
magbilang na tayo ng isa hanggang tatlo at
pagkatapos ay igrupo na ang inyong mga sarili.
Ngayong naka grupo na kayo, bibiyan ko ang (Mabibilang 1,2,3)
bawat grupo ng isang plastic bag na naglalaman
ng iba’t ibang bagay na gagamitin niyo upang
makagawa ng isang bahay sa loob lamang ng 7
minuto.
Pwede po ba kaming gumamit ng ibang bagay
bukod sa laman ng plastic?
Hindi pwede. Uulitin ko ang gagamitin niyo
lamang sa paggawa ng inyong bahay ay yun
lamang nasa plastic na ibibigay ko. Malinaw na ba
klase?

Nakatapos na ba ang lahat? Mamili ng isang Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang
representative para ipaliwanag ang inyong kanilang bahay)
nagawang bahay at ilahad ang mga kagamitang
inyong nagamit. Mauna na ang unang grupo. Ito po ang aming munting bahay nagtulong –
tulong kaming lahat sa paggawa nito,
nagplano po muna kami pagkatapos ay ginawa
na naming hanggang sa huli ay nilagyan
naman naming ng disenyo. Ang ginamit namin
ay mga bato, sanga ng mga halaman at ang
mga dahon nito.

Magaling unang pangkat. Sumunod naman na Ito naman yung nagawa naming bahay na
grupo. mula sa mga makikinis na bato, clay at ilang
matitigas na papel.

Mahusay group 2. Ngayon ang huling pangkat.


Ipakita sa buong klase ang inyong nagawang Halos lahat ng materyales ay aming nagamit at
bahay. napag – isipan din naming maayos kung paano
naming ito gagamitin. Kung titingnan ang mga
nagamit naming ay maliit na pawid, mga
sanga, tali o pisi, stick, at mga hibla – hibla.
Dahil na rin sa mga materyales na ito ay
naging matibay ang aming bahay.

Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita niyo na


mayroong iba’t – ibang bahay ang nagawa gamit
ang mga materyales na aking binigay sa bawat
grupo. Natuwa ako sa mga nagawa niyo, nagamit
niyo nang maayos ang mga materyales na ibigay (Tuwang – tuwang pinapalakpakan ang mga
ko sa inyo. Dahil diyan palakpakan niyo ang sarili)
inyong mga sarili.

D. Paglunsad ng Aralin

Ngayon naman matutunan natinang isang bagong


aralin. Sa aralin nating ito, matutukoy natin ang
pagkakaiba ng pamumuhay ng mga unang tao sa
iba’t ibang panahon.
Opo, kami ay handa na.
Handa na ba kayo sa bagong aralin natin ngayon? (Umupo ng maayos)

Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga sa pisara ang


mga ginamit na materyales sa paggawa ninyo ng
bahay. (Tumawag ng ilang mag – aaral upang (Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang
magsulat sa pisara) kagamitan sa paggawa ng bahay)
-bato
-sanga ng mga halaman
-dahon
-makikinis na bato
-clay
-ilang matitigas na papel
-maliliit na pawid
-tali o pisi
-stick
-mga hibla – hibla

Anong mapapansin niyo sa mga nakatalang


materyales sa pisara?
(Tumawag ng isang mag – aaral) Lahat ng mga nakatala ay madaling Makita at
makuha sa ating paligid.

Tama ba ang kanyang sagot klase? Opo.


Tama. Lahat ng mga bagay na iyan ay makukuha
natin sa sting paligid. Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay
Sa tingin niyo, kung nabubuhay kayo noong mayroon na noong unang panahon.
sinaunang panahon, magagamit niyo rin ba ang
mga materyales na iyan? Bakit? Hindi po.
Hindi po kami mabubuhay kasi po wala kaming
gadgets na kailangan namin.

Paano kung iyan lang ang mga gamit na mayroon Opo, mabubuhay po dahil noong unang
kayo? Walang mga gadgets na mayroon kayo panahon hindi naman po kinakailangan ang
ngayon. Mabubuhay kaya kayo? Bakit Oo? mga gadgets para mabuhay sila halimbawa na
(Tumawag ng isang mag – aaral) lang ang pagkuha nila ng pagkain, manghuhuli
sila ng hayop gamit ang sibat upang may
makain sila.

Salamat sa inyong mga opinion. Kung nakagawa


kayo ng bahay mula sa mga materyales na binigay
lang sa inyo, ganun din ang mga sinaunang tao.
Ginamit nila ang mga makikita nila sa kanilang
paligid na possible nilang magamit. Ang
pamumuhay ng sinaunang tao ay nahahati sa
tatlong panahon.

Magbigay ng isa.
(Tumawag ng mag - aaral) Panahong Paleolitiko

Magaling. Ano pa?


(Tumawag muli ng isa pang mag - aaral) Panahong Neolitiko

Mahusay. At ang huli?


(Tumawag ng isa pang mag – aaral) Panahon ng Metal

Magaling. Panahong Paleolitiko ang unang


panahon. Anong mayroon noong panahon ng
Paleolitiko? Noong unang panahon, mga 2.5 milyong taon
(Tumawag ng isang estudyante). na ang nakakaraan, ditto nagsimula ang
PANAHONG PALEOLITIKO. Tinatawag din itong
“Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age)

Tama ba siya klase? Opo.


Magaling. Karagdagan?
(Tumawag ng isang mag - aaral). Ang panahong paleolitiko ay nagmula sa
salitang Griyego na “Paleos” na
nangangahulugang matanda o luma, at
“lithos” na nangangahulugang bato. Ito ang
pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
Tama. Anong uri ng kagamitan ang meron sila?
(Tumawag ng isang mag – aaral) Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga
tao sa panahon ito.

Magaling. Meron silang mga magagaspang na


kagamitan. Paano naman sila kumukuha ng
kanilang pagkain?
(Tumawag ng mag – aaral) Pulong – pulotong sila sa paghahanap ng mga
pagkaing kinakalap nila mula sa kapaligiran
maging sa paghuli ng mga galang hayop.

Tama. Sama – sama sila sa paghahanap nila ng


kanilang makakain. Nananatili ba sila sa iisang
lugar? Bakit? Hindi po.
(Tumawag ng isang estudyante) Lagalag sila at palipat – lipat ng tahanan
subalit panandaliang nananatili sa mga yungib
at malaking punong kahoy para makaiwas sa
mga mababangis na hayop at ilan pang mga
panganib na nagbabanta.

Magaling. Tinatawag din silang mga nomadiko


dahil sila ay lagalag o hindi sila nananatili sa
kanilang mga lugar. Kanina sinabi niyo na
magagaspang na bato ang gamit ng mga
sinaunang tao ng panahong ito, tama ba? Opo.
Saan naman kaya nila ito ginagamit?
(Tumawag ng isang mag - aaral). Ginagamit nila itong mga sandata para
manghuli ng mga maiilap na hayop sa ilang,
panghiwa ng karne, pamputol ng kahoy, at
maging sa pagkuha ng iba pang halaman.

Tama. Ito naman ang panahon na gumagamit sila


magagaspang na bato bilang sandata. Dito din sa
panahong ito natuklasan ng mga sinaunang tao
ang apoy.
Ano naman ang sumunod na panahon? Ang sumunod po ay ang panahong neolitiko.
(Tumawag ng isang mag - aaral).

Tama. Paano naman kaya namumuhay ang Sa panahong ito, natutunan ng mga sinaunang
sinaunang tao sa panahong ito? tao ang pagtatanim at ang mga kasangkapan
(Tumawag ng isang estudyante). nila ay yari na sa mga makikinis na bato.

Magaling. Kung sa panahon ng paleolitiko, ang


mga sinaunang tao ay nangangalap ng pagkain at
nanghuhuli ng hayop, dito naman sa panahon ng
neolitiko natutunan ng mga sinaunang tao ang
pagtatanim at umunlad din ang kanilang mga
kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na
bato.
Ano naman kaya ang kanilang mga itinatanim? Nagtatanim sila ng mga butil, buto ng prutas,
(Tumawag ng isang estudyante) gulay at iba pang halaman.

Ganun na nga. Ano pa kaya ang mga ginagawa


nila noong panahong ito? Nagawa din nilang magpaamo ng hayop na
(Tumawag ng isang estudyante) nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga
gawain at pagbubungkal ng lupa.
Magaling. Hindi lamang pagtatanim, natuto din
sila mag – alaga ng hayop. Hindi lang nila ito
hinuhui at kakainin bagkus inaalagaan pa.
Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila ng panahong
ito?
(Tumawag ng isang estudyante) Nakagawa din sila ng palayok mula sa luwad
na ginagamit nila para lutuan at imbakan ng
pagkain.

Tama. Sa panahong ito ba, nanatili na sila sa


kanilang lugar? Opo. Naging pirmihan na rin nila ang kanilang
(Tumawag ng isang estudyante). mga tahanan, nakapagtatag sila ng mga
pamayanan at dumating din sila sa puntong
nagkaroon sila ng pinuno at pamahalaan.

Tama. Isang halimbawa ng neolitikong


pamayanan ay ang “Catal Huyuk” na
matagtagpuan sa Anatolia Turkey.

Ito naman ang panahong ang mga batong gamit


nila ay mas makinis, makintab at higit sa lahat ay
may disenyo. Bawat disenyo ay ayon sa kani –
kanilang gamit sa pangangaso at gawaing bahay.
Ano naman ang huling panahon ng pamumuhay
ng sinaunang tao?
(Tumawag ng isang estudyante) Panahon ng Metal

Tama. Panahon ng metal. Ito ay nahahati sa tatlo,


anu – ano ang mga ito?
(Tumawag na isang estudyante) Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronze, at
Panahon ng Bakal

Tama ba siya?
Anong meron sa panahon ng tanso? Opo.
(Tumawag ng isang estudyante) Naging mabilis ang pag – unlad ng tao dahil sa
tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa
kagamitang yari sa bato.

Nalinang ng mabuti ang paggawa at


pagpapanday ng mga kagamitang yari sa
tanso.

Mahusay. Meron pa ba? Wala na po.


Ano naman ang nangyari noong panahon ng
Bronse? Iba’t – ibang kagamitan at armas ang nagawa
(Tumawag ng isang estudyante) mula sa tanso tula ng espada, palakol, kutsilyo,
punyal, martilyo, pana, at sibat.

Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang


pangkat ng Indo – Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya.

Magaling. At sa panahon ng bakal?


(Tumawag ng isang estudyante) Natutunan nilang magpanday ng bakal at nang
lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa
iba pang kaharian.
Tama. May idadagdag pa ba?
(Tumawag na isang estudyante) Wala na po titser.

Mahusay klase. Ang panahon ng metal ang huling


yugto ng pamumuhay ng sinaunang tao at
hanggang ngayon makikita natin ito sa
kasalukuyang panahon.
E. Paglalapat
Tayo ngayon ay magkakaroon ng isang aktibi.

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon


magbilang na tayo ng isa hanggang tatlo at
pagkatapos ay igrupo na ang inyong mga sarili. (Magbilang ng 1,2,3)
Ngayong naka grupo na kayo, bibiyan ko ang
bawat grupo ng 10 minuto para bumuo ng flow
chart na mga pangyayari noong Sinaunang
Panahon. Ang unang grupo ay Panahong
Paleolitiko. Ang pangalawang grupo at Panahong
neolitiko. At, pangatlong grupo ay Panahong
Metal.

Nakatapos na ba ang lahat? Mamili ng isang


representative para ipaliwanag ang inyong
nagawang flow chart sa klase. Mauna na ang
unang grupo. Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang
kanilang flow chart)

Ito po ang aming nagawa flow chart noong


Panahon Paleolitiko.
Magaling unang pangkat. Sumunod naman na
grupo. Ito naman yung nagawa flow chart noong
Panahon Neolitiko.

Mahusay group 2. Ngayon ang huling pangkat.


Ipakita sa buong klase ang inyong nagawang
bahay. Ito naman yung nagawa namin flow chart
noong Panahon Metal.

Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita niyo na


mayroong iba’t – ibang bahay ang nagawa gamit
ang mga materyales na aking binigay sa bawat
grupo. Natuwa ako sa mga nagawa niyo, nagamit
niyo nang maayos ang mga materyales na ibigay
ko sa inyo. Dahil diyan palakpakan niyo ang
inyong mga sarili.
(Tuwang – tuwang pinapalakpakan ang mga
sarili)
F. Pagbubuod

Sinong makakapagbuod ng napag – aralan natin


sa araw na ito? Napag – aralan natin sa araw na ito na may
tatlong yugto o panahon ang pamumuhay ng
mga sinaunang tao. Ito ay ang panahong
paleolitiko, neolitiko at metal. Ang panahong
paleolitiko o tinatawag ding lumang bato ay
nagmula sa katagang paleos o matanda at
lithos o bato. Ang mga sinaunang tao sa
panahong ito ay mga nomadiko dahil
nangangalap sila ng kanilang pagkain at
naghuhuli sila ng maiilap na hayop. Ginagamit
nila ang mga magagaspang na bato sa paghuli
ng hayop. Ang panahong neolitiko naman ay
tinatawag na panahon ng bagong bato. Dito,
ang mga sinaunang tao ay pumipirmi na sa
kanilang mga tirahan at nag – aalaga na in sila
ng mga hayop. Makikinis na bato naman ang
ginagamit ng mga sinaunang tao dito.
Nagkaroon na rin ng pamayanan at
pamahalaan sa panahong ito, halimbawa na
lang ang Catal Huyuk na matatagpuan sa
Anatolia Turkey. Ang huling yugto ay ang
panahon ng metal kung saan ito’y nahahati pa
sa tatlong panahon. Ito ay ang panahon ng
tanso, panahon ng bronse, at panahon ng
bakal. Ang mga metal na materyales ay
ginagamit sa paggawa ng iba’t – ibang
kagamitan at armas tulad ng espada, punyal,
martilyo, sibat, at iba pa.
(Binahagi ng mag – aaral ang kanyang mga
natutunan)

G. Pagpapahalaga

Anong kabutihan o kagandahan ang napag –


alaman mo o nakita sa bawat pamumuhay ng
mga sinaunang tao? Napag – alaman kong sa bawat pagdaan ng
panahon, nagkaroon ng malaking pagbabago
sa pamumuhay ng mga sinaunang tao lalo na
sa mga kagamitan nila na ginamit nila sa
pagkuha ng kanilang mga pagkain.
May katanungan pa ba klase tungkol sa ating
aralin? Nais bigyang linaw? Wala na po.
Kung gayon naintindihan niyo na ang ating aralin
sa araw na ito kaya alam kong handa na kayo sa
inihanda kong maiksing pagsusulit.
Kumuha ng isang – kapat na papel at lagyan ng
bilang 1-5.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.
1. Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Sagot: Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko, at Panahon ng Metal
2. Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko o
Lumang Bato?
Sagot: mga magagaspang na bato
3. Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?
Sagot: Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag upang kumuha ng kanilang pagkain at
manghuli ng mga hayop
4. Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa panahon
ng neolitiko?
Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunang tao ay mangalap ng
pagkain at manghuli ng mga hayop habang noong panahon naman ng neolitiko, ang mga
sinaunang tao ay natutong pumirmi sa kanilang lugar at natuto silang nagtanim at mag – alaga
ng hayop.
5. Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?
Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng iba’t –
ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.
V. Kasunduan
Takdang Aralin:
1. Sa isang buong papel, gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao
sa daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa naging aralin natin.
2. Basahin at unawain ang Aralin 3 “Mga yugto sa pag – unlad ng kultura sa Panahong
Prehistoriko”.

You might also like