You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

City of Bacoor

)
) SS

X---------------------------------------X
SINUMPAANG-SALAYSAY

Ako si ARCHIMEDES O. SUALOG, nasa hustong taong gulang, may


asawa, at kasalukuyang nakatira sa Blk. 3 Lot 5-6, New Better Landscape
Subd. Molino 1, Bacoor, Cavite:

1. Ako ay isang karpentero/mason sa aming lugar at kilala ko si Pepito S.


Semillano dahil kabarangay ko siya at ako ay kanyang kinontrata
upang ayusin ang bubong at ang banyo ng bahay na kanyang
tinitirhan;

2. Noong April 16, 2016, araw ng sabado, ako at si Manuel Eurango ay


magkasamang gumagawa sa bahay na tinitirhan ni Pepito Semillano,
bagong dating palang noon si Pepito mula sa ibang bansa. Inayos
namin ang bubong ng bahay at ang kanilang banyo;

3. Maaga kaming pumunta sa kanilang bahay ng araw na iyon at inalok


pa nga kami ng kape at tinapay ni Pepito bago magsimula ng trabaho.
Ng mga oras na iyon nandoon si Alma ang nanay ni Jeva ang asawa ni
Pepito at si Angeleka ang nakababatang kapatid ni Jeva;

4. Pagkatapos magkape ay nagsimula na kami sa aming mga gagawin


pagkukumpuni. Mga alas nuwebe ng umaga nagpaalam si Pepito na
aalis dahil magpapalit daw siya ng pera kasi may mga materyales pa
na bibilhin na gagamitin sa pagkumpuni ng bahay;

5. Mga ilang sandali ng makaalis na si Pepito sa kanilang bahay na


tinitirhan ay sumunod naman na umalis ang sina Jeva at kaniyang
nanay na si Alma naiwan ng mga sandaling iyon si Angeleka at ang
kanyang kapatid na lalaki na nasa loob lang ng kwarto;

6. Mga pasado alas dyes ng umaga ay narinig namin may tumawag kay
Angeleka sa kanyang telepono at pinapasunod sya ng kanyang nanay.
Mga ilang minuto matapos magbihis ni Angeleka ay umalis na ito ng
bahay naiwan nalang kami ni Manuel na gumagawa sa banyo,
naglalagay kami ng tubo noon diretso papuntang poso negro habang
yung kapatid naman nilang lalaki ay nasa loob lamang din kwarto;

7. Mga bandang tanghali ay unang dumating si Alma na may dalang


maliit na electric fan kasi mainit daw sa kabilang kwarto;

8. Dumating si Pepito mga bandang ala una ng hapon, nagtanong pa nga


ito sa amin kung nag-merienda na daw kami. Bumili sya ng tinapay at
softdrinks at pinakain pa nga kami;

9. Mga pasado alas tres ng hapon ay magkasama namang dumating ang


magkapatid na si Jeva at Angeleka na galing ng Jolibee daw sila kasi
nga may dala pa nga itong pagkain mula doon;

10.

Wala namang kakaibang nangyari ng araw na iyon bukod sa pag-

aayos naming sa bahay nila at yung pag-alis nila ng araw na iyon;

11.

Ginawa ko ang salaysay na ito upang patotohanan ang naturang

pangyayari. Na ginawa ko ang salaysay na ito ng buong laya,


kusangloob, walang tumakot, pumilit sa akin o nangako ng anumang
pabuya.

MALAYA AT KUSANG LOOB kong ginawa ang salaysay na ito ngayong ika______ ng ______________ 2016 sa Lungsod ng Bacoor, Cavite.

ARCHIMEDES O. SUALOG
May Salaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika- ______ ng


___________, 2016, Lungsod ng Bacoor, Cavite. Aking pinapatunayan na
nabasa niya at naiintindihan ang Sinumpaang-Salaysay na kusang loob
niyang ginawa.

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

You might also like