You are on page 1of 2

Page 1 of 4

PAGPAPAUBAYA NG LAHAT NG KARAPATAN*


HAT/CEM/lcc
BASAHING MABUTI—Sa pagpirma mo nito, isinusuko mo na ang LAHAT ng karapatan
mo.

Ako, si ______________________ (ISULAT ANG PANGALAN), may sapat na gulang at


nakatira sa __________________________________________ (ISULAT ANG ADDRESS),
kapalit ng HALAGANG _____________________________ (PHP __________.00) na
natanggap ko ngayong ______________________________ (ISULAT ANG PETSA NG
PAGTANGGAP NG PERA), ay buong pusong ______________________ (ISULAT ANG SALITANG
“NAGPAPAUBAYA”), at habang buhay na pinapapalaya ang mga sumusunod :
______________________ (ISULAT ANG KUMPANYA), kasama na ang kanilang mga
tagapag-mana, tagapagpatupad, administrador, kahalili, itinalaga, may-ari, ahente,
nagpapatakbo, at iba pang empleyado, sa lahat ng karapatan at paghahabol namin,
maging ito ay nagmula sa “tort”, kontrata, batas, o kahit anupamang basehan ng
paghahabol.

At, bukod pa rito, _________________________ (ISULAT ANG SALITANG “PINALALAYA”


UPANG IPAKITA NA NAIINTINDIHAN MO ANG GINAGAWA MO) ko na sila sa lahat ng karapatan at
paghahabol ko na nag-uugat sa kahit anong bagay na nangyari bago ang pagpirma ng
dokumentong ito, na may intensyong tapusin ang anumang usapin sa pagitan ko, ng aking
kahalili at ng mga partidong pinalaya, kasali na pati ang mga pinsala, sakit, karapatan at
paghahabol na hindi nabanggit dito na hindi ko alam. Pumapayag ako na hindi na
maghahabol pa sa May-ari at kanyang mga kahalili base sa “tort” o kahit sa anupamang
dahilan.

Pumapayag ako na kung sakali na lalabag ako sa mga probisyon at kondisyones ng


Pagpapaubaya ng Lahat ng Karapatan na ito, maging ito man ay kusang-loob o sa kahit
anupamang dahilan, maari akong managot sa paglabag ng kontrata at sa pagbabayad ng
kaukulang danyos.
Naiintindihan ko at pumapayag ako na ang pagbabayad ng kumpanya, ng may-ari at ng
kanyang mga taga-halili sa ilalim ng Pagpapaubaya ng Lahat ng Karapatan na ito ay hindi
tanda ng kanilang pag-amin ng kasalanan o pananagutan sa akin.
Huli sa lahat, pinapatotohanan ko na ang mga nilalalaman ng dokumentong ito ay isinalin
sa aking pambansang wika/lokal na wika na Pilipino, at na naintindihan ko nang husto ang
mga probisyon at kondisyones ng dokumentong ito.

MAINGAT NA BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHAYAG:


(1) Alam ko na ang dokumentong ito ay higit pa sa resibo. ITO AY ISANG PAGPAPALAYA.
ISINISUKO KO NA LAHAT NG KARAPATAN KO.
(2) Alam ko na sa pagpirma ko ng dokumentong ito, tinatapos ko na lahat ng karapatan
kasama na ang lahat ng maaari kong maging karapatan sa hinaharap, maging ito man
ay base sa kontrata, “tort” o kahit ano pang dahilan, kahit na ang mga naturang
karapatan ay hindi nabanggit sa dokumentong ito.
(3) Alam ko na ang pagbabayad sa akin ng perang nabanggit sa unang bahagi ng
dokumentong ito ay hindi pag-amin ng sinuman ng kasalanan o pananagutan sa akin.
(4) Pinipirmahan ko ang dokumentong ito dahil sa tatanggapin kong pera. Hindi ako
pinangakuan nang anupamang bagay.
(5) Ako ay nasisiyahan na.

ANG MGA SUMUSUNOD AY KAILANGANG SAGUTIN NG NAGHAHABOL SA KANYANG


SARILING SULAT-KAMAY:

A. Binasa mo ba ang dokumentong ito mula umpisa hanggang hulihan?


B. Alam mo ba kung ano ang dokumentong ito na iyong pinipirmahan?
*
Ang mga blanko ay pupunuan ng naghahabol
Page 2 of 4

C. Ano itong dokumentong pinipirmahan mo?


D. Ginawa mo ba ang limang (5) pahayag na nakasulat sa itaas na may intensyong ang
mga partidong pinalalaya ay aasa sa mga naturang pahayag bilang katototohanan?
_________
E. Alam mo ba na sa pagpirma mo ng Pagpapaubaya ng lahat ng Karapatan na ito,
tinatapos mo na ang lahat ng karapatan at paghahabol mo, maging ito man ay base sa
kontrata, “tort” o kahit ano pang dahilan? __________

SAMAKATUWID, inilalagda ko ang pangalan ko at pinagtitibay ko ito bilang akin ngayong


______________ (ISULAT ANG PETSA).

PUMIRMA RITO >>>


(Pangalan at pirma ng naghahabol)
ITO AY PAGPAPALAYA.

Mga saksi:

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
___________________) S.S.
PAGKILALA

Sa Lungsod ng __________, Pilipinas, ngayong ika-____ ng _____________, sa


harap ko, isang Notaryo Publiko, sa loob at para sa nasabing lungsod,

personal na humarap si: ___________________________________


na may government-issued ID: ______________________________,

na sa pagkakaalam ko ay ang taong pumirma at gumawa ng dokumentong


Pagpapaubaya ng Lahat ng Karapatan, at kinilala niya sa akin na ginawa at nilagdaan niya
ang naturang dokumento bilang malaya at boluntaryong aksyon niya, pagkatapos na ang
nasabing dokumento ay naipaliwanag nang husto sa kanya at pagkatapos niyang mabatid
na ang epekto ng nasabing dokumento ay lubos at kumpletong pagpapalaya ng lahat ng
partidong nabanggit, sa lahat ng bagay na tinalakay sa naturang instrumento; na
pinirmahan niya ang nasabing dokumento nang walang kahalong pamimilit, pangako,
pananakot, dahas, panloloko o kahit anumang representasyon ng kahit sinumang tao, at
na naintindihan niya ang kabuuang nilalaman nito, pati na ang epekto ng nasabing
dokumento.

PINIRMAHAN AT SINELYUHAN ko ngayong ika- ______ ng ___________ sa Lungsod


ng _________, Pilipinas.

NOTARY PUBLIC

You might also like