You are on page 1of 2

Mga Intensyon

Unang Linggo (Oktubre 1-7)- Para sa Simbahan:


Sa linggong ito, aming idinadalangin sa Iyo, O Mahal naming Ina, ang aming
Banal na Papa Francisco, ang aming Obispo Jose, Kaparian at mga
Relihiyoso at mga laykong namumuno sa pamayanan. Samahan mo sila,
tulad nang mga unang alagad. Hubugin mo ang kanilang mga buhay kay
Hesus sa Banal na Eukaristiya upang makapaglingkod sila sa Simbahan nang
may higit na katapatan, may higit na kababaang loob at higit na pagmamahal.
Amen.
Ikalawang Linggo (Oktubre 8-14)-Para sa mga namumuno sa Bayan:
Sa linggong ito, aming idinadalangin sa Iyo, O aming Ina, ang mga
namumuno sa pamahalaan at mga lingkod-bayan, at iba pang naglilingkod sa
mga tanggapang pampubliko. Ingatan mo sila sa iyong pagmamahal sapagkat
sila rin ay iyong mga anak at nangangalaga sa aming katiwasayan. Hinihiling
namin na ipamagitan mo sila at gabayan sa pagsunod sa mga pamamaraan ng
Diyos sa katarungan, katotohanan at tamang pagpapasya. Amen.
Ikatlong Linggo (Oktubre 15-21)-Para sa pamilyang Pilipino:
Sa linggong ito, aming idinadalangin sa Iyo, O Mahal naming Ina, ang lahat
ng mga Pilipinong mag-anak: Naway manatili silang nagkakaisa at
nagkakasundo nang sa kanilang pananampalatayang Kristiyano at sa tulong
ng buong pamayanan. Naway matulad sila sa iyong tahanan sa Nazareth na
pinagbubuklod ng pag-ibig. Amen.
Ika-apat na Linggo (Oktubre 22-28)-Para sa ating parokya:
Sa linggong ito, aming idinadalangin sa Iyo, O Mahal naming Ina, ang aming
parokya: Naway maghari ang kapayapaan ni Kristo sa bawat isa sa amin,
maging mapagpatawad at manatiling magkakabuklod sa di-makasariling
pagmamahal. Hinihiling namin Mahal naming Ina, na patuloy mo kaming
ipanalangin na magkaroon ng lakas ng loob na maipangaral si Kristo sa
aming lipunan. Amen.
Ikalimang Linggo (Oktubre 29-31)-Para sa mga yumao:
Sa linggong ito, aming idinadalangin sa Iyo, O Mahal naming Ina, ang aming
mga mahal na yumao lalot higit yaong mga walang nakaka-alala; Nawa
puspusin ng pagmamahal ang aming pag-alaala sa kanila at maipahayag ito
sa taimtim na pagdarasal at paggawa ng mabuti. Tulungan mo sila, O Ina, na
makarating sa kaharian ng Ama sa pamamagitan narin ng iyong mga
panalangin. Amen.
TALATAKDAAN NG MGA MANGUNGUNA SA PAGDARASAL NG
SANTO ROSARYO SA PAROKYA
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado
1 2 3 4 5 6 7
PCY Catholic Womens Parish Renewal Bible Apostolate Lahat ng Mother Butler Legion of Mary
League Experience Charismatic Mission Guild
Movements

8 9 10 11 12 13 14
PCY Lector Commission on PASKA Ostiarates Kapatiran ng Legion of Mary
Commentator Social Nazareno
Communication

15 16 17 18 19 20 21
PCY Apostolado ng Knights of Confradia dela PARISH LIVING Prusisyon ng 20 Extraordinary
Panalangin Columbus Camarero ROSARY Misteryo Ministers of the
6:00 pm 6:00 pm Holy
Communion
22 23 24 25 26 27 28
PCY Confradia dela Komisyon sa Colegio de Dominican Sisters Augustinian Legion of Mary
Correa Pamilya at Buhay Santiago Apostol of St. Catherine of Sisters of
Sienna LCUPGH

29 30 31
PCY Parish Music PPC- Execom
Ministry
5:00- Parade of
Saints
Ang Komisyon sa Kabataan at Legion of Mary po ang mangangasiwa sa buong buwan ng Rosaryo. Pananagutan ng mga kasapi na sumama sa oras
at araw kung saan ang kanilang samahang kinabibilangan ay nakatalaga. Samantalang HINIHIMOK ANG LAHAT NG SPPC NA MAGDASAL DIN SA KANI-
KANILANG BISITA.
ORAS NG PAGDARASAL NG ROSARYO
Sabado at Linggo: 4:30 ng hapon
Lunes hanggang Biyernes: 5:00 ng hapon

You might also like