0% found this document useful (0 votes)
831 views9 pages

Lesson Plan ESP 1

Uploaded by

Ella Francisco
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
831 views9 pages

Lesson Plan ESP 1

Uploaded by

Ella Francisco
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

UNIVERSITY OF THE EAST - Manila

COLLEGE OF EDUCATION
2219 C. M. Recto Avenue, Barangay 404,
Zone 41, Sampaloc 1008 Manila, Philippines

BANGHAY-ARALIN SA Edukasyon sa Pagpapakatao 1

I. MGA LAYUNIN

Matapos ang aralin ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay;

1. Masagot ang mga tanong ukol sa maikling kwento na binasa


2. Matutukoy at mailalarawan ang gawain na pagsunod sa magulang
at nakatatanda
3. Makasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda
4. Aktibong pakikilahok sa mga gawaing pang klase

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa
➢ Pagsunod sa utos ng Magulang.
➢ Pagsunod sa mga kasapi ng pamilya/nakatatanda
B. Sanggunian:
➢ https://www.youtube.com/watch?v=yfN3usfHooc
C. Mga Kagamitan
➢ Laptop, Printed na Larawan, Lapis, Papel at Pear Deck
para sa Presentasyon at Aktibidad.

III. PAMAMARAAN

Bago magsimula ang klase ay inimbitahan ng guro ang mga


estudyante na pumunta sa Pear Deck at hihintayin ng mga estudyante
and code na ibibigay ng guro upang sila ay makapasok sa inihandang
presentasyon at aktibidad

Gawaing Rutinari:

● Pagbati ng mga guro sa mga estudyante sa Unang Baitang

❖ Magandang umaga mga bata!


❖ Kamusta kayo?
● Pagpapakilala ng mga guro

❖ Bago tayo magsimula, nais muna namin na magpakilala sa inyo.

◼ Ako nga pala si Bb. Concepcion o maari din ninyo akong


tawagin na Teacher K.
◼ Ako naman si Bb. Dizon o maaari din ninyo akong tawagin
na Teacher Priscila.
◼ Ako din pala si Bb. Flores o maari din ninyo akong tawagin
na Teacher Hanna.

❖ Handa na ba kayong matuto para sa ating bagong aralin?

Simulan natin ang ating klase sa Pambungad na Panalangin

A. BPagganyak
B.
A. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng larawan ng nanay, anak na babae,


toyo, suka, at bawang. Kinakailangan na matukoy o mahulaan ng mga
estudyante ang naka presentang larawan. Matapos nila itong matukoy,
sasabihin ng guro na ang lahat ng larawang ipinakita ay may koneksyon
sa babasahing maikling kwento. Ang pinamagatang Si Anna ang Batang
Masunurin.

Si Anna Ang Batang Masunurin


Isang umaga, masayang naglalaro si Anna kasama ang kanyang
alagang aso sa kwarto. Maya-maya ay biglang tinawag ng kanyang nanay
si Anna upang magpabili ng toyo, suka, at bawang. “ Anna, pakibili mo
nga ako ng toyo, suka, at bawang sa tindahan para sa lulutuin
kong adobong manok”

“Sige po, Nanay, bibili na po ako”, sagot ni Anna sa kanyang nanay.


Nang papaalis na si Anna ay biglang humabol ang kanyang alagang aso,
kaya naman isinama na nya ito,
Habang naglalakad si Anna ay patingin tingin siya sa kanyang paligid
kung saan siya bibili ng toyo, suka, at bawang. Huminto si Anna at
nagtanong sa isang tindahan.
“ Ate, mayroon po ba kayong toyo, suka, at bawang?” Tanong
ni Anna.
“ Oo, mayroon kaming tindang toyo, suka, at bawang.” Sagot
ng Tindera.
“ Ay ganun po ba, sige po pabili po ako ate, magkano po
lahat?” Tanong ni Anna.
“ Bale 50 pesos lahat.” Sagot ng tindera. Iniabot ni Anna ang
pera sa tindera at
nagpasalamat bago umalis ng tindahan.
Habang papauwi si Anna sa kanilang bahay ay masayang masaya siya na
nabili niya ang iniutos ng kanyang nanay. Pagkauwi sa bahay iniabot ni
Anna ang kanyang binili.
“Nanay, ito na po ang ipinabibili ninyong toyo, suka, at
bawang.” Sabi ni Anna.
“ Wow! Ang galing naman ng anak ko.” Sagot ni Nanay na may
ngiti sa labi.
Sabay niyakap ni Anna ang kanyang nanay at nagpasalamat. Kaya naman
matapos utusan ni Nanay si Anna ay bumalik na siya sa kwarto at naglaro
muli kasama ang kanyang alagang aso.

Matapos manood at makinig ay may inihandang mga katanungan ang


guro sa mga estudyante.
1. Sino ang kalaro ni Anna sa kanyang kuwarto? (ang kanyang
alagang aso)
2. Ano ang ipinabili ng nanay ni Anna? (toyo, suka, at bawang)
3. Sumunod ba sa utos ng kanyang nanay si Anna? (opo)
4. Nabili ba ni Anna lahat ng iniutos ng kanyang nanay? (opo)
5. Ano kaya ang naramdaman ni Anna nung nabili na nya ang ipinabili
sa kanya ng kanyang nanay? (masaya)
Matapos sagutan ang mga katanungan bibigyan ng guro nang papuri ang
mga estudyante sa pamamagitan ng isang palakpak ito ay tinatawag na “
ANG GALING CLAP”

1,2,3 ang galing, 1,2,3 ang galing, 1, 2, ,3 ang galing galing!


(May kaakibat na aksyon)

B. Paglalahad
Magpapakita ng iba’t ibang larawan ang guro na kung saan
ipinapakita sa larawan ang iba’t ibang gawain ng bata at pag-aaralan ito
ng mabuti ng mga mag-aaral.

C. Pagtatalakay
1. Ipapakita ng guro ang mga larawan isa-isa at magtatanong sa
mga mag-aaral tungkol sa pinakitang mga larawan.
● Ano ang nakikita niyo sa larawan?
● Ano ang ginagawa ng bata sa larawan?
● Sumusunod ba sa utos ng magulang o nakatatanda
ang/mga bata sa larawan?
2. Pagtapos magpakita ng mga larawan, magtatanong ulit ang
guro sa mga mag-aaral kung:
● Sumusunod ka ba sa utos ng iyong magulang at
nakatatanda?
● Paano ka kaya maging isang masunuring bata?
TANDAAN:
Ang ating mga magulang at nakatatanda ay biyayang handog
ng Poong Maykapal. Nararapat nating sundin ang kanilang mga utos para
sa ating kabutihan. Ang pagiging masunuring bata ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa magulang at nakatatanda.

D. Aktibidad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Magpapakita ng dalawang (2) larawan bawat bilang ang guro
at tutukuyin ng mga mag-aaral kung alin sa dalawang larawan ang
nagpapakita ng kusang-loob na pagsunod sa magulang at
nakatatanda.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa pangalawang aktibidad, magpapakita ng mga
pangungusap ang guro, tukuyin at lalagyan ng masayang mukha
😄ang pangungusap kung ito ay nagpapakita ng pagsunod sa
magulang at nakatatanda at malungkot na mukha☹️ naman kung
ito ay hindi.

IV. PAGTATAYA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Ang guro ay magsasaad ng mga sitwasyon at isusulat ng mga
mag-aaral sa kanilang mga sagutang papel ang madalas, minsan, o
hindi batay sa kung gaano mo ito kadalas ginagawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Magpapakita ng iilang dayalogo ang guro. Tutukuyin at isusulat ng
mga mag-aaral ang tama kung nagpapakita ng pagsunod sa magulang at
nakatatanda at mali naman kung hindi. Gagawin din ito sa sagutang
papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Para sa panghuling gawain, magbibigay ang guro ng pangungusap
at tatanggalin nya ang ibang salita at iiwan itong blangko. Bubuoin ito ng
mga mag-aaral gamit ang mga gabay na salita sa kahon sa ibaba at
pipiliin nila ang tamang salita para sa blangkong iyon. Gagawin ito sa
kanilang mga sagutang papel.

V. TAKDANG ARALIN
Sa tulong ng inyong magulang o kung sinong mas nakatatanda sa
inyo, magpakuha ng limang (5) litrato na nagpapakita na sumusunod ka
sa iyong magulang o nakatatanda sa inyo. Idikit ito sa inyong kwaderno
at isulat sa ibaba ng litrato kung anong klaseng gawain ito.

You might also like