You are on page 1of 2

Mahal ba nila ako?

“Good Morning bunso!” Niyakap ako ng mahigpit ng aking Ate Jane. Ang aga niyang

magising upang ipagluto ang buong pamilya. Mayroon akong apat na kapatid, ang panganay at

pangalawa ay mga babae habang ang pangatlo at pang-apat ay mga lalake. Sunod-sunod nang

bumaba ang aking mga kapatid pati na rin ang aking mga magulang. Naligo na sila, nagbihis, at

sabay sabay kaming kumakain ng almusal. Masaya akong kasama sila kumain sa almusal

sapagkat sa ganitong oras lang kami magkakasamang lahat.

“Ako na ang manghuhugas ng mga pinggan at umalis na kayo baka ma-late pa kayo sa

inyong klase at trabaho,” sabi ni Mama Rose. Ang Mama Rose namin ay napakasipag at

magaling din siya mag decorate ng mga bulaklak, may negosyo siya na Flower Shop.

Unti-unti nang umaalis ang aking mga kamag-anak sa bahay, isa-isa nila akong niyakap

at hinalikan. Sa kalaunan ay umalis na rin si Mama. Heto naman ako, mag-isa ulit sa bahay.

Noong nakarating ako dito sa bahay, alam ko na kung ano ang aking responsibilidad at

iyan ay protektahan ang aking pamilya at ang aming tahanan. Kaya naman, pag-alis nila,

tumakbo ako agad sa bakuran namin, sa sala, sa mga kuwarto nila, sa CR, at paikot-ikot ako sa

bahay. “Tila tanghali na,” bulong ko sa sarili, “oras na para kumain!” Kumaripas akong tumakbo

sa kusina at kinain ang hinanda na pagkain sa akin ni Mama Rose kanina. “Buti naman at hindi

ito nilanggam at baka kinagat na labi ko nito.” May mga panahon kasi na iyong hinanda ni

Mama ay pinagpipiyestahan na ng mga kahit anong insekto. Hindi na rin kasi sila maka-uwi

tuwing tanghali upang samahan akong kumain kasi busy na sila sa kanilang mga gawain.

“Matagal pa siguro uuwi sila Ate ah,” ani ko sa sarili. Tuwing gabi na kadalasan umuuwi

ang aking pamilya. Aaminin ko nagtatampo ako sa kanila kasi parang gusto lang nila akong
manatili sa bahay upang bantayan ito kasi iniiwan lang nila ako parati mag-isa. Hindi ba nila

iniisip na malungkot na walang kasama? Buti sila kasi may mga kaibigan sila sa kanilang mga

pinupuntahan pero paano naman ako? “Mahal ba talaga nila ako?” Pangiyak-ngiyak kong tanong

sa sarili.

“Booboo, bunso namin! Nandito na kami!” sigaw ni Ate Jane at isa-isa nila akong

niyakap at hinalikan. Nilalaro ako ng dalawa kong kapatid na lalake at nilutoan ako ng masarap

na Sinangag ni Papa Jack. Ang saya saya nila lahat kapag nilalambing nila ako. Mahal naman

talaga nila ako at kapag may sapat sila na oras, doon nila ipinapakita kung gaano nila ako ka

mahal. “Mahal ko kayo aking pamilya!” Hindi man nila naiintindihan ang pagtahol ko pero

pinaparamdam ko naman sa kanila sa ibang paraan.

You might also like