You are on page 1of 2

Ang Diwa ng Pasko

“Kumukutikutitap,Bumubusibusilak.Ganyan ang indak ng mga bombilya.Kikinda-


kindat,kukurap- kurap.Pinaglalaruan ang iyong mga mata.” Mga himig ng boses na siyang
sumalubong sa aking magandang umaga.Grupo ng mga senior citizen na nasa tapat ng aming
bahay na may dalang gitara at masayang nag-aawitan.Pagkatapos nga ng kanilang pag-awit ay
isang lola ang nag-abot ng sobre sa akin at bumati “Maligayang Pasko Iha!” at binati ko rin
naman siya pabalik “Maligayang Pasko rin po lola!”. Agad naman akong pumasok ng bahay
para humingi sa aking lola ng maibibigay at ilalagay sa sobre “ Lola may namamasko po sa
labas nais ko po sana silang bahagian kahit papaano.” Sumagot naman ang aking lola, “Sige
apo kumuha kana sa aking pitaka ng isang daan at ilagay mo sa sobre.” Ako’y nagpasalamat at
agad kona nga itong inilagay sa sobre at ibinigay sa mga senior citizens na sabay rin na
nagpasalamat “Maraming salamat Iha!”.

Bago nga sumapit ang alas dose ay agad na kaming nasimulang maglinis at
maghanda ng mga pagkaing lulutuin. Habang ako’y nagwawalis malakas na sigaw ng aking
pangalan ang aking narinig “MayMay!” at ito pala ay nanggaling sa labas mula sa aking tita.
Agad naman akong tumakbo palabas para tingnan kung bakit niya ako tinawag “Bakit po tita?”
tanong ko sa kanya “Pagkatapos mong maglinis sa loob hugasan mo na yung mga sangkap na
gagamitin natin sa pagluluto mamaya para mabilis nalang mamaya.” sabi niya at agad naman
akong tumango at bumalik sa bahay para ituloy ang mga gawain na kanyang iniatas sa
akin.Pagkalipas nga ng ilang oras ay oras na para simulan ang pagluluto at madali na nga rin
itong natapos dahil nakahanda na ang mga kasangkapan at tulong-tulong na rin kaming
kuimilos.Habang inaantay nga ang pagsapit ng pasko ay inihanda na namin ang aming hapag-
kainan para maayos na ito mamaya.Nang pagpatak na nga ng alas dose ay nag siliparan na
nga ang mga paputok at kami rin ay sumigaw “Merry Christmas” at nagsimula na ngang
kumain,ngunit agad naman ako tinawag ng aking tita at nagsalita “Para sayo neng,mag-aaral
ng mabuti ha.” Sabay abot ng pulang sobre na may lamang limang daan at agad ko naman
siyang niyakap at nagsabi ng aking pasasalamat “Maraming salamat tita,Merry Christmas po!”
nakangiting sabi ko sa kanya.

Kinabukasan nga ng pasko,kami nga ay niyaya ng aking lola para pumunta sa


kanilang bahay sa Ramon at kami naman ay pumunta.Pagkadating nga namin roon ay agad
niya kaming binati ng maligayang pasko at kumain ng pansit na luto niya ganun rin ang mga
binili niyang mga kakanin na kay sarap.Pagkatapos nga naming kumain pinahintulutan niya
kaming mag-swimming sa kanilang swimming pool at kami naman ay natuwa at nagpalit na
kaagad.Makalipas nga ng ilang oras ay kami na rin ay umahon dahil malamig at dumidilim
na,kami na rin ay nagpalit na dahil kami ay uuwi na “Maymay magpalit na kayo at nandyan na
ang sundo natin” malakas na sigaw ng aking tita.Habang kami nga ay naghahanda para umuwi
ay bigla kaming tinawag ng aming lolo “Maymay halika kayo dito at may ibibigay ako” agad
naman kaming lumapit sa kanya at dito na nga niya iniabot ang tig-limang daan namin at kamiy
agad namang nagsabi ng pasasalamat “Maraming salamat po lolo!Maligayang Pasko po.”

Submitted by:Krisha Mae A. Visaya 10-Achilles FILIPINO 10

You might also like