You are on page 1of 3

Pangalan: Brianna June T.

Anta Baitang & Seksyon: 12 - Quezon


Guro: Ma’am Leizl Magallanes Petsa: Nobyembre 6, 2023

LAKBAY SANAYSAY
Ang Hardin ng Eden sa Davao
Pamagat

Isa sa mga hindi ko malimutang karanasan sa aking paglalakbay kasama ang aking
pamilya ay nang pumunta kami sa Tamayong, Calinan, Davao del Sur noong 2018 ika - 23 ng
Disyembre, sa lugar na tinatawag na Tamayong Prayer Mountain o “The Garden of Eden
Restored” ayon sa organisasyon ng Kingdom of Jesus Christ. Bago kami pumunta sa lugar,
kumuha pa kami ng permit dalawang araw mula sa itinakdang petsa ng aming pagbisita. Kinuha
namin ang permit galing sa Jose Maria College na matatagpuan sa Philippine-Japan friendship
highway, Sasa, Davao City o mismong sa paaralan malapit sa Davao International Airport.
Mahigpit na sinusunod ang dress code sa pagpasok sa lugar, ipinagbabawal ang mga maikli o
shorts para sa mga lalaki at babae, gayundin ang pagsusuot ng anumang klase ng damit na
revealing at ang pagsusuot ng tsinelas. Isang oras ang binyahe namin mula sa downtown area ng
Davao papunta doon at marahil ay mas matagal kung ikaw ay mag-commute. Kung ikaw ay mag-
commute, may karagdagang lima hanggang anim na kilometrong biyahe pa mula sa Calinan
Terminal bago makarating sa Prayer Mountain, mayroon kang tatlong uri na pwede mong maging
transportasyon, una at pinakamadaling option ay ang habal-habal, na may pamasahe na 30 pesos
bawat tao, isang motor na kayang mag-accommodate ng dalawang pasahero. Pangalawa ay taxi,
ngunit mag-ingat dahil sa puntong ito, maaaring maningil ng mataas na fixed price ang mga taxi
driver kaysa gamitin ang metro nila, kaya mas magastos ito. Panghuli ay tricycle, magastos din ito
dahil 300 pesos ang sinisingil ng drayber sa isang byahe.

Pagdating sa aming destinasyon, kami’y naabutan ng lubos na magandang asal ng aming


tour guide, si Kuya Nilo, ipinaalam niya sa amin ang patakaran at dapat sundin bago kami
makapasok, una ay ang dress code, bawal magsuot ng shorts, tsinelas, sando, at tattered jeans
para sa bawat kasarian, bawal naman ang revealing clothes para sa mga babae, mahigpit itong
ipinagbabawal sa pagpasok ng lugar, at bawal ang pagtatapon ng basura kahit saan sa loob ng
hardin. Ang lugar, ayon sa aming tour guide, ay umaabot sa walong ektarya, ito ay mayroong
10,311 na talampakan sa itaas ng antas ng dagat, malapit sa paanan ng Bundok Apo sa Barangay
Tamayong. Pagpasok namin sa gate, bumungad sa amin ang makukulay at iba’t ibang uri na mga
halaman, napahanga kami ng aking pamilya sa ayos at ganda ng pagkatanim ng mga ito, lahat ay
nasa maayos na kalagayan, tahimik at mapayapa naman ang kapaligiran, nararamdaman ko ang
kabanalan ng lugar na parang ako’y nakapasok sa paraiso ng kalangitan. Sa pagtahak ko sa
hardin, umihip ang napakalamig na hangin sa aking mukha, kaya’t sinara ko ang zipper ng aking
jacket, sa paglalakad namin nakarating kami sa isang napakalaking asul na mansyon, ayon sa
aming tour guide, ang mansyon na ito ay tinitirahan ng mga lalaking miyembro ng organisasyong
Kingdom of Jesus Christ. Ang asul na mansyon ay sinundan naman ng malarosas na kulay na
mansyon, ito ay pinaninirahan ng mga babaeng miyembro ng organisasyon ayon sa aming tour
guide, ang mansyong ito ay tinabihan naman ng isang dilaw na mansyon na magkapareho din ang
disenyo at istraktura ng nadaanang sumunod na mga mansyon, ang arkitektura ng mga gusaling
ito sa loob ng compound ay galing sa inspirasyon na Venetian at nagbibigay ng atmospera ng
isang European Village. Sa loob ng pook, may restawran, dalawang guest house, souvenir shop,
malilinis na restrooms, food stalls, at food kiosk kung ikaw ay nagugutom. Bago kami nagpatuloy
na maglibot, huminto muna kami sa restawran para kumain ng pananghalian, nag - order kami ng
adobong manok, grilled steak, at vegetable salad, ang mga tao doon ay masayahin at magalang,
makikita sa kanilang mga ngiti ang masagana at magandang pamumuhay na kanilang
nararanasan.

Pagkatapos naming kumain, nagpatuloy kaming maglibot sa hardin, sa aming paglalakad,


napansin ko ang mga asul at mapulang paruparo na lumilipad sa palibot ng hardin, marami ding
mga pine trees na nakapalibot sa lugar. Ayon sa aming tour guide, tuwing umuulan, ang mga ulap
ay babalot sa lugar na parang usok hangga’t hindi ka na makakita ng maayos sa paligid. Ang
pinakagusto ko naman sa mga tao sa lugar, ay kahit na sikat na relihiyosong sektor sa Davao,
hindi nila itinutulak ang kanilang mga paniniwala sa kanilang mga bisita at hindi sila nag-aattempt
na mag-convert ng iba sa kanilang kilusan. Napakahusay din ng aming tour guide, dahil kami’y
nakapag-usap tungkol sa mga pamamalakad sa lugar pati na rin sa mga pananampalataya at mga
turo na sinusunod ng mga tagasunod ng organisasyon. Pagdating ng alas kuwatro ng hapon, kami
ay nagsimulang maghanda na ng aming mga kagamitan para makauwi, sumakay na kami sa
aming sasakyan at nagbiyahe papunta sa Davao City. Hinding hindi ko makakalimutan ang
karanasang ito, ang pagbisita namin sa Tamayong Prayer Mountain ay naging daan para
makapagnilay at makapahinga ako mula sa gulo at ingay ng mundo, nawala din ang lahat ng
aking problema at nakapag-refresh ang isip at damdamin ko mula sa mga alalahanin sa paaralan.
Pangalan: Brianna June T. Anta Baitang & Seksyon: 12 - Quezon
Guro: Ma’am Leizl Magallanes Petsa: Nobyembre 6, 2023

Kagawaran ng Edukasyon

You might also like