You are on page 1of 3

NOBENA SA ATING BIRHEN NG MEDALYA NG MILAGROSA

Namumuno: (+) Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo…


Tugon: Amen

I. PANIMULANG PANALANGIN
Mahal na Ina ng Diyos, ako’y lumuluhod sa iyo ngayong mga araw na ito ng triduo; ako’y
naluhod sa iyong paanan upang papurihan ka, upang bayaran ang aking mga utang ng
pasasalamat sa iyo. Sa isang tanging paraan, aking sabihin ang ilan sa pagmamahal na
pinakita sa iyo ng Panginoong Jesus. Sa ilalim ng titulong Birhen ng Medalya Milagrosa, aking
ihahantad na iyo ang aking kalagayan, ang aking mga pangangailangan at panalangin. O Ina
ng Diyos, tulungan mo ako sa iyong anak, Ina ng manunubos, ako’y tulungan mo, ngayong
kayo’y nasa piling na ng iyong Anak. Sa sandali ng Triduong ito, hayaan mo na higit kong
makilala ang iyong Anak, gayundin naman ikaw. Turuan mo ako kung paano manalangin!
Tulungan mo ako na mahalintulad ko ang aking buhay kay Hesukristo. O Birheng Ina, bigyan
mo ako ng isang bahagi ng banal na katangian upang ang aking buhay ay maging isang tunay
na larawan ni Hesus. Tulungan mo ako sa maikling araw na ito ng Triduo, O, Ina ng Diyos at
aking Ina, na siyang aking pinapupurihan sa ilalim ng titulong Birhen ng Medalya Milagrosa.

II. PAGSISISI
O Hesus, aking Panginoon, makailang ulit kong nasugatan Ka at sa kabila ng aking matatag na
pangakong hindi na magkakasalang muli, makailang ulit kong iniwan Ka upang tahakin
lamang ang landas ng kasalanan. Mahal na Panginoon, ako’y nagsisisi sa aking mga nakalipas
na pagkalimot. Pinagsisisihan ko ang aking mga kahinaan. Ako’y mahihiyang muling mangako
na hindi na magkakasala kundi lamang sa aking nananlig sa Iyong pag-ibig at awa. Ako’y
lumuluhod sa Iyo na umaasang sa kabila ng aking mga nakaraang pagsuyaw sa iyong mga
kautusan, na hindi lamang inaalintana ang aking mga pagkakamali upang makaayon sa iyong
biyaya, ako’y makapagsisi pa. Sa pamamagitan ng iyong tulong ako’y magsisikap na maging
tapat sa iyo; sa iyong tulong, gagawin kong lahat ang makakaya ko upang mapaglingkuran ka
ng buong katapatan, Kaya tulungan mo ako mahal na Hesus. Amen.

III. PANALANGIN SA BAWAT ARAW


UNANG ARAW
Ang pinagpalangf ina ay may inang damdamin na alamin ang mga bagay na may kinalaman sa
kanyang banal na anak. Mayroon siyang isang natatanging pagmamahal para roon sa
magiging tapat kay Hesukristo at sa kanyang aral. Si Maria, Dahilan sa kakaibang kalagayan
niya sa mga nilikha ng Diyos, na siyang Pinakamalapit sa lahat kay Hesukristo. Pinipita niya na
Makita ang higit na pagpupuri sa ating Panginoong Hesus hangga’t maari. Upang Tayo’y
magkaroon ng pananalig sa siyang makakapagpakilos sa mga bundok, kinakailangan natin
ang tulong at awa n gating Panginoon sa tulong ni Maria. Kailangan nating matanto na ang
katotohanan, kabutihan at pananalig ay mula sa Diyos, buong laying ipinagkaloob sa atin. Ang
pananalig ay nanggagaling sa Diyos, maari din nating makamit ito sa tulong ni Maria na
siyang nagbibigay ng Perlas ng pananampalataya na may malaking halaga.
PANGAKO namin sa ina ng Diyos na bigyan nawa kami ng isang malalim at matatag na
pananalig sa kanyang Banal na Anak.
PANALANGIN
O Ina ng aking manunubos, kayo’y mamagitan sa iyong Anak para sa amin. Hinlining mo po sa
Panginoong Hesus, ngayong araw na iyo, na makilala naming siyang higit at maniwala ng
lubos sa kanya at sa kanyang mga aral, salita, gawa at mga inaatas. Tulungan nyo po kaming
maging masunuring anak ng Inang Simbahang Katolika. Tapat sa kanyang mga atas, aral at
pananampalataya sa ilalim ng banal na Espiritu. Marapatin nyo po kaming maging huwaran
sa gawa ndi lamang sa salita. Amen.

IKALAWANG ARAW
Tama lamang na ang ating pananalig ay masubuka, Ang mga mabibigat na kahilingan kung
minsan ay mga tukso laban sa pag-asa, upang mawalan ng pag-asa. Kapag kung ang mga
bajgay ay nagmumukhang Malabo at imposible, ang Diyos ay tila napaka layo, kinakailangan
ang isang mataas na antas ng katapangan at pag-asa na siyang magpapanatili sa ating pag-
ibig at panata, tungo sa paglalakbay sa kabilang buhay. Tayo’y maliligtas sa pamamagitan ng
pag-asa ang sabi sa Bibliya. Na siya din nating mababasa sa mga inspiradong aklat: “Siy na
nagtitiwala sa Diyos ay binibiyayaan” Ito’y isang pagtuturong biblical hinggil sa pagtitiwala at
pag-asa kay Hesus. Kahit kami ay lumakad sa Anino ng kamatayan ay hindi matatakot sa
anumang kasamaan sapagkat siya’y nasa piling naming. Ito ang patunay na sangkap ng
pananampalatayang Katolikng ugali ang pag-asa sa Diyos sa tulong ng mahal na Ina.

PANGAKO naming na kami’y tatakbo sa iyo, Ina ng aming Panginoon, sa unang tukso ng
kawalang pag-asa.
PANALANGIN
O birhen ng Medalya Milagrosa, silang naghahangad na tumulong sa mga nakatala sa ilalim n
gaming pananggalang, kami nawa’y tulungan mo sa aming mnga pagsubok at tukso.
Tulungan mo kaming maging masunurin at tapat, nananatili at nagtitiis sa aking mga
katungkilan. Hilingin mo po sa iyong mahal na Anak na gawin niya kaming maging matibay sa
pananalig at pagtitiwala sa pag-asa, upang kami’y lagging tumanaw ng pag-asa sa Amang
Diyos sa pinagpalang bukang liwayway ng isang bago at mas mabuting araw. Amen

IKATLONG ARAW
Kung tayo’y tapat sa pinagpalang Ina, sa ating mga ihinahaing pag-ibig sa kanya, nararapat na
kumilos tayo upang mapaniwala natin siya sa ating katapatan. Kinakailangang ibigay natin
ang katunayan ng ating paghahanagad na maisagawa ang anumang posibleng bagay upang
makamit ang iba pang mga layunin para sa kanyang pagkakandili. Ating hanapin, sa lahat ng
ating kakayanan na makakuha ng mga deboto para sa Kanya. Marami ang natitigilan upang
ihain ang kanyang sarili sa pagsasamahan o solidad na inalay para kay Maria. Marami ang
naiiwan hinggil sa pagkakaloob ng publikong pangaral sa Ina ng Diyos. Kulang sa kanila ang
kusang-loob, kinakailangan nila ng pamumuno. Ang larangan ay napakalawak, ang mga
pagkakataon ay mapangrahuyo at mapagpasigla. Ang pangangailangan ay napakalaking
dahilan para sa maraming tao. Si Kristo ay nararating sa pamamagitan ng kanyang Ina. Ang
Anak ng Diyos ay mas madaling lapitan at madaling maunawaan kung tayo’y magpapatuloy
sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang Birheng Ina.
PANGAKO naming sa huling araw na ito ng Triduo na kami’y aakit ng kahit isa manlamang na
deboto na aming ihahandog sa ilalim ng bandila n gating BIRHEN NG MEDALYA MILAGROSA,
upang maikalat ang pananalig sa mahal na Ina.
PANALANGIN
Aming Birhen ng Medalya Milagrosa, kami’y dumudulog sa iyo sa pagtatapos nitong Triduo,
narrating na namin ang huling araw ng yugto nitong dasal. Ano pa ang mayroon upang
pasalamatan ka aming Ina. Gaano po dapat naming kayo pasalamatan sa pag-gabay sa aming
daan ng kabutihan O ina?, Sa landas nga magdadala sa amin sa mas malpit sa iyong banal na
Anak. Naliligayahan kami sa araw na ito, na ikaw ay lalong nakilala namin, at nanabik kami na
ang iba pa ay maging malapit din sa iyo O aming Ina, sa iyong mga katangian at sa
kapangyarihan mo. Tulungan mo kami sa araw na ito O Birheng Ina, upang aming
maipalaganap ang debosyong ito, upang nang sa gayo’y aking maakit din ang iba pang
kaluluwa na lumapit sa iyong kandili at maparatig rink ay Hesukristong aming Panginoong
Diyos. Amen.

IV. PANGWAKAS NA PANALANGIN


O Maria, narito kami at nagpatirapa sa harap mo, pumili ka para sa pagpapakita ng iyong
Medalya. Dumudulog kami sa iyo, napuno ng labis na pasasalamat at walang limitasyong
pagtitiwala, salamat po sa magagandang biyaya na ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng
ng iyong Medalya, upang maaari itong maging isang patunay ng pagmamahal at pangako ng
sangalang para sa amin. O Mang-aaliw ng nagdadalamhati, na naantig ka sa aming mga
pagdurusa, ilawit po ninyo ang inyong matang may habag sa amin upang tumungo sa
kaligayahan ng kaluluwa. Ipaalam sa iyong Anak sa pamamagitan ng iyong medalya ang iyong
mga kapaki-pakinabang na sinag sa amin at lahat ng aming mga mahal sa buhay: pagalingin
ang may sakit, bigyan ang kapayapaan sa aming mga pamilya, ipag-adya kami sa anumang
panganib at sakuna. Dalhin ang iyong kaginhawaan ng Medalya sa mga nagdurusa, aliw sa
mga sumisigaw, kagaanan at lakas sa lahat. Ngunit lalo na po ay iyong marapatin minamahal
na Ina, O Maria birheng kapahampahaman, na sa banal na oras na ito sa pamamagitan ng
triduong ito, ay papagbalik-loobin mo po ng mga makasalanan, lalo na ang mga mahal sa
amin. Alalahanin na sila rin ay iyong mga anak, na nagdurusa. Nawa sila’y iligtas at pagaanin
ang mga tiisin. Ito ay aming isinasamo sa iyong pagkakandili upang purihin magpakailanman
ang iyong Diyos Ama kaisa ng iyong Anak at ng banal na Espiritu sa kaluwalhatian sa langit sa
tulong ng iyong maka-inang pagmamahal. Amen.

V. PAGLUHOG SA MAHAL NA INA


(Ulitin ng Tatlong beses)
Namumuno: O Mariang Ipinaglihing walang kasalanan,
LAHAT: Ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo.

(Isang ulit lamang)


Namumuno: Maria kasama ng iyong mapagmahal na Anak,
LAHAT: Pagpalain mo nawa ang bawat isa sa amin.

You might also like