You are on page 1of 5

TRIDUO SA BIRHEN NG KASANTUSANTUHANG ROSARIO

Namumuno: (+) Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo…


Tugon: Amen

I. PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo / Diyos na totoo at tao namang totoo/ gumawa at
sumakop sa akin/ pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko/ ang dilang
pagkakasala ko sa Iyo/ na ikaw nga ang Diyos ko/ Panginoon ko at Ama ko/ na
iniibig kong higit sa lahat./ Nagtitika akong matibay/ na di na ako muling
magkakasala sa Iyo/ at nagtitka naman akong magkukumpisal/ ng dilang
kasalanan ko./ Umaasa akong patatawarin Mo rin/ alang-alang sa Iyong mahal na
Pasyon/ at pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin./ Siya Nawa.

II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


O Maawaing Birhen! O Mahabaging Ina!/ O Katamis-tamisang Maria, aliwa't
takbuhan ng mga makasalanan,/ pintakasi ng mga nabubuhay./ O Matapat na
Arca,/ na sumaklolo sa mundo nang nasa malaking panganib / na mabagbag sa
laot ng dagat!/ O Maluningning na Balangaw ng kapayapan, / nagbibigay tahimik
sa malaking digmaan ng langit at lupa,/ ikaw ang tagasuyo namin na maka-abot
sa Panginoong Diyos /ng malaking patawad sa mga makasalanang anak ni Adan!/
O Kalinis-linisang kalapati /na nagdala ng sangang mayabong / ng lalong
mabangong Olivo,/ ikaw nga ang nagpahayag ng kapayapaan/ dito sa kahabag-
habag na bayan! / O Pintakasing walang ikalawa,/ nang makita mo /sa karamihan
ng kasalana'y mapang-anyaya ang mundo,/ at malapit na ang araw /ng
pagpapadala ng parusa /niyong pinagkasalanang Anak mong si Hesus,/
ipinahayag mo kay Domingo,/ anak na pinili't hinirang ng iyong mga himala,/ ang
sukat' kasanglang matibay na alcazar/ o moog at tiyak na liham ng kabanal-
banalang rosario,/ dahilang dito'y nag-ola na ang lagay ng mundo,/ tuloy
napayapa/ ang galit niyong lalong mabangis na hukom,/ kaya ipagkaloob mo sa
amin mapagbiyayang Ina,/ na sa karapatan at kapangyarihan/ nitong malakas na
pamimintuho/ sa iyong banal na rosario,/ matutunan namin ang pag-pawi sa
galit/ ng aming Diyos at Panginoon,/ na manauli kami sa dati niyang pagka-ibig:/
sa mahal na biyaya at sa kamay nitong malunusing Ama,/ mapawi rin naman ng
tubig nitong tunay na pagsisisi/ sa lahat ng naging sala/ at kung maaabot rin
naming/ ng tubig nitong tunay na pagsisisi/ sa lahat ng naging sala/ at kung
maaabot namin ang patawad/ ng kaibig-ibig mong anak/ at mamahay na kami sa
puso niya,/ maging dapat kaming pagkalooban niyong mahal na bendisyon/ na
ang wika:/ "Lapit na mga pinili't hinirang ng aking Ama/ at Ama naman ninyo sa
kaluwalhatian,/ na dati ng handa magpasa mula't mula./ Lapit na kayo mga
masintahin sa aking Ina/ at Ina ninyong lahat,/ kayo'y maluwalhating manood/
sa kanyang maluningning na mukha/ at puso doon sa kaluwalhatian ng langit. /
Siya Nawa.

UNANG ARAW
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng ng biyaya,/ ang Panginoong Diyos ang
sumasaiyo:/ bukod kang pinagpala: pinagpala ka/ sapagkat ikaw nga lamang ang
hindi naramay sa sumpa ng Diyos,/ ikaw nga lamang ang diling nagdaan ng
hirap,/ sa mapalad mong panganganak:/ pinagpala ka sapaggkat ikaw ang
tumulong/ na makapag-alis niyong katakot-takot na bala ng Diyos at Panginoon:/
pinagpala ka sapagkat ikaw ang bumasag/ ng ulo ng lupit ng kaaway na hari ng
sang-impyerno:/ pinagpala ka sapagkat inihain mo/ ang buhay sa lahat ng hirap
at pagdadalit,/ tuloy nakisama sa mga makasalanan!/ Pinagpala ka sapagka’t
ibinigay mo ang kaawaan/ o ipininin mo ang mga mahal na misteryo/ na ginanap
sa mundo,/ sa mga sariling awa ng iyong banal na ROSARIO./ Ibigay mo sa aming
mga namimintuho sa Santo ROSARIO,/ mahal na Ina,/ ang pananalo sa mga
kaaway ng kaluluwa,/ mga lamang bayang tukso ng demonyo,/ at nang sarili
naming katawan,/ sa Santa Iglesya’y ang pananagumpay sa lahat/ niyang mga
kaaway at pagka-pawi ng lahat/ ng mga maling pananampalataya,/ sampu ng
pagkaka-sundo at pagkaka-isa/ ng mga aring binyagan./ Siya Nawa.
(Sumandaling manahimik at isama ang Pansariling mga Kahilingan)
(Magdasal ng 4 na Aba Ginoong Maria at 4 na Luwalhati sa Diyos patungkol sa
4 na bahagi ng Santo Rosario.)

IKALAWANG ARAW
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng ng biyaya,/ ang Panginoong Diyos ang
sumasaiyo:/ sumasaiyo dahilan sa malaking pagkakasundo/ ng iyong loob at ng
Panginoong Diyos; / sumasaiyo dahilan sa malaking pagka-awa/ ng iyong
katawan/ at ng sa ikalawang Personang Anak ng Diyos;/ sumasaiyo dahilan sa
malaking pagka-kaibigan/ ninyong mag-Ina;/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo
sa pagka-Panginoon,/ ay kasama ng lalong iniibig na alipin,/ sa pagka-Esposo,/
gayon din naman kapisang hinirang na Esposo./ Sa pagka-Anak ay kumilala at
sumusunod/ sa iniibig na alipin sa pagka-Esposo,/ hinirang na Esposo./ Sa pagka-
Anak ay kumilala/ at sumusunod sa iniibig na Ina./ O Reynang walang kapantay,/
yamang nasa kamay mo po ang lahat,/ gawin mo Panginoon,/ gayon din naman
kapisan ng hinihiling namin,/ na ang iyong mahal na Anak/ ay suma-amin at nang
guminhawa/ ang aming kaluluwa/ at maging dapat makinabang/ ng kanyang
katawan at dugo. /Siya Nawa.
(Sumandaling manahimik at isama ang Pansariling mga Kahilingan)
(Magdasal ng 4 na Aba Ginoong Maria at 4 na Luwalhati sa Diyos patungkol sa
4 na bahagi ng Santo Rosario.)
HULING ARAW NG TRIDUO
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng biyaya,/ tinatahanan ng gumawa ng kalahat-
lahatang biyaya,/ puno ng biyaya ang iyong puso/ mapalad na sisidlang
karamihan ng biyaya;/sa pagka-karamihan totoo ng iyong biyaya,/ ay
nakikinabang ang mga banal sampu ng mga makasalanan,/ O puno ng biyaya na
siyang pinagmulan ng sumakop sa amin/, hintay rin namin ang patawad at pag-
ampon/ na nawa’y makamtan sa huling araw ng triduong ito/. Tulungan mo kami
Inang puno ng biyaya,/ alang-alang doon sa pagbati sa iyo ng Anghel/ at sa mga
misteryo ng iyong banal na rosario,/ Makita rin naming yaong marikit na hiyasan/
ng mahal na biyayang nawawala sa amin,/ dahilan sa kasalanan;/ O ipahintulot
din ng landas/ na lupa ng aming kaluluwa/ ay luminis at maalis ang karamihang
tinik/ ng masasamang ugali/ ng mangyaring magdamit/ niyong kawili-wiling
marikit na virtud o kagalingan./ O ina ng Santo Rosario/ at Reyna ng kapayapaan
ng kaluluwa at mundo/ ipagdulot mo nawa/ na kami’y makadaop/ sa tahanan ng
Ama, kapiling ng Anak mong nagligtas at ng Espiritung nagpabanal sa langit at
lupa/ na sa pagdulog namin sa mga panalanging ito ay magbunga ng ginhawa ng
aming kaluluwa sa tulong mo/ at ng maka-Ina mong pagkakandili./ Siya Nawa.
(Sumandaling manahimik at isama ang Pansariling mga Kahilingan)
(Magdasal ng 4 na Aba Ginoong Maria at 4 na Luwalhati sa Diyos patungkol sa
4 na bahagi ng Santo Rosario.)

III. DALIT SA INA NG SANTO ROSARIO


Ang araw ay sumaya nang tamis na ligaya.
Dadasalin nang buong sinta ang rosario ni Maria.

Malaking kapangyarihan nitong Trinidad na mahal,


siyang nagtanim ng Rosal, Tribunal ng Kaawan,
sa ganitong kamahalan, Birhe’y Pinararangalan. (Tugon)

Aming utang, Inang tunay ang pag-ibig mong mataman,


kaya po handa na naman, bating kapakumbabaan,
ang Ave ipagdiriwang, wikang pang-alis ng lumbay. (Tugon)

Tao’t anghel ay magpisan, Ave, awiti’t idangal,


dalit na kinalulugdan, ng mga tayngang banal
at ang demonyong kaaway, nailag sa gayong diwang. (Tugon)

Sa tiyan mo pong Sagrado, doong nagkatawang-tao,


dahilang ipinarito kahinayangan sa tao.
Rosal kang sakdal bango, nangayupaang totoo. (Tugon)
Ang Rosal at Tronong mahal, nagdala ng rosang hirang,
sa malaking Precursor ay napawian, dating salang orihinal. (Tugon)

Ipinanganak si Hesus niyong Inang maalindog,


gamot at siyang sasakop sa sala nating tibubos,
dahilan sa pagkalunas nitong mag-Inang sing irog. (Tugon)

Ipinasok ng Simbahan ang Rosang bango ay sakdal,


at inihain ang buhay, tubos sa kapangakuan,
Ama’y napawi ang lumbay at ang galit ay naparam. (Tugon)

Tatlong araw na nawalay ang Anak na kaibigan,


di masabing kalumbayan, Birhen ang iyong dinamdam,
pagdalangin ay mataman, manauli sa iyong kamay. (Tugon)

Yaong bulaklak na ibig, dugo ang ipinawis,


kulay pa’y kahapis-hapis, sa sala namin ay bihis,
ng mapayapa ang init, sa Diyos na pagka-galit. (Tugon)

Roseo Kordero ang tawag niyong si Bernardong liyag,


ang sa Ina nama’y Rosas sa mundo’y ipinahayag,
kaya siya naging lunas, gamot sa sala ng lahat. (Tugon)

Viva ang Rose Aurora, si Hesus araw ng ganda.


Nang siya ay mabuhay na, pangaliw mo po Señora.
Rosas ang nakakapara ng dibdib mong guminhawa. (Tugon)

Nagdarami ng bulaklak ng sa langit paitaas.


Ang naging pinto’y ang sugat na pasukan ng lahat.
Sa tulong mo Birheng liyag, mararating nami’t sukat. (Tugon)

Yaong mukhang pinagtampal, nitong korderong timtiman,


hinampas ng walang bilang, hinalay at pinutungan
hanggang sa Krus namatay, nagtiis at kaawaan. (Tugon)

Ang Rosa’y siyang Simbahan nitong mapagbigay-buhay,


sa puso natin mamahay ng datnin ang kaaliwan,
pula ang kulay pagmasdan, Rosas ang siyang kabagay. (Tugon)

Sa langit kinoronahan, luwalthi’y di masaysay, sa mundo’y di malimutan at


pintakasing matibay awa ay hindi mabilang sa tao’y ibinigay. (Tugon)
Ang araw ay sumaya nang tamis na ligaya.
Dadasalin nang buong sinta ang ROSARIO ni Maria.
- Dadasalin nang buong sinta ang rosario ni Maria.

ANTIPONA
Magandang palad na Ina,/ Birheng kalinis-linisan,/ luwalhating Hari sa mundo;/
ang iyong tulong ay inaasahan/ naming lahat na nagdiriwang/ sa iyong banal na
rosario.

Namumuno: Reyna ng Kabanal-banalang rosario, kami’y ipanalangin mo.

Lahat: Nang kami’y maging dapat na magkamit ng mga pangako ni


Hesukristong aming Panginoon.
PANALANGIN
Diyos at Panginoon namin, ang pagkakatawang-tao at pagkamatay at pagkabuhay
na mag-uli ng iyong-iyong bugtong na Anak; siyang naging dapat nakapag-sauli sa
aming sa biyaya. Ipahintulot mo, Panginoon namin, na kaming nananalangin ng
dalisay sa loob nitong mga mahal na Misteryo na nilalaman sa kabanal-banalang
rosario ni Ginoong Santa Maria, ay ibigay mo at ng aming makamtan ang
kaginhawahang pangako, alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin na
kapisan mong nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Siya Nawa

Namumuno: Nos cum prole pia.

Lahat: Benedicat Virgo Maria, Amen!

III. PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG STO. ROSARIO


O Diyos na mula ng galing,/ iniibig mo ang mundo na lalo sa lahat ng iniibig,/
ipinagkaloob mo sa aming ang iyong anak /at ang kaniyang buhay, pagkamatay at
paguuling mabuhay, /ay siyang pagmulan ng aming pagiging dapat/ ng ligayang
walang katapusan./ O dinadalangin namin na ipahintulot ng awa mo/ na kaming
nananalngin sa mga misteryo ng pagsakop/ dito sa rosariong kamahal-mahalan
/at kabanal-banalang Birheng Maria,/ paglingkuran ka namin ng tunay na
pagsinta at pagpapakumbaba,/ tuloy kaming makapag-balik loob at makapag-
bagong ugali /ng masunod namin itong mga mahal /at maliwanag na pakitang
halimbawa/ ni Hesus at ni Maria, /kamtan din namin ang mga pangako at biyaya/
nitong ma-iruging mag-Ina/ lalo pa ang awa na hinihingi naming matamo/ sa
Triduo na ito,/ isang magandang kamatayan/ at ng makapagpuring kasama ng
mga Anghel/ magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like