You are on page 1of 1

Pangalan:Mathew Ryean Dwine M.

Rios Marka:

Pangkat at Seksyon:G12-OBSIDIAN Awtput Bilang 1

Ginintuang Mga Araw

Karamihan sa atin ay sumasang ayon na ang mga pinakamasayang mga araw sa ating mga
buhay ay ang mga araw na tanging kumain,maglaro at matulog lamang ang ating iniisip.Mga
araw na gumigising tayo tuwing umaga na nakahanda na ang almusal,mga araw na kapag tayo
ay nadapa ay agad na umiiyak,mga araw na pinapagalitan tayo ng ating mga magulang sa
tuwing ayaw natin na matulog tuwing hapon.Ang masasayang araw ng ating pagkamusmos.

Noong ako ay bata pa ang madalas ko na ginagawa ay maglaro Kasama ang aking mga
kaibigan sa labs ng bahay.Mula sa paghahabulan hanggang sa pagsakay sa dahon ng niyog.Wala
akong ibang iniisip kung hindi ang makatakas sa taya sa habulan at taguan.Natatandaan ko pa
ang mga panahon na uuwi ka ng bahay na pagkadumi-dumi dahilan ng pagkahulog sa kanal at
makakatikim ka pa ng pinong kurot ni nanay.Naaalala ko din ang lasa ng mga kakanin na
pasalubong ni Lola na kaniyang binili sa palengke.Ang tamis ng palitaw at kutsintang ipinares sa
ginayad na niyog at asukal.Naaalala ko pa din ang aking naging mga unang kalaro,ang aking mga
pinsan na si Ate Kate at Ate Luchie.Halos araw-araw kaming naglalaro umaga hanggang hapon
ng habulan,taguan at iba pa.Ngunit hindi iyon nagtagal dahil sa kanilang paglipat sa Mindoro
kasama ang kanilang mga magulang.

Ngayong ako ay labing-pitong taong gulang na,unti-unti nang bumubukas ang pinto patungo
sa pagiging isang responsableng tao.Labis ko na ikinakalungkot na unti-unti ko nang iniiwan ang
aking pagkabata,ang mga karanasan na unti-unti nang nagiging memorya ng nakaraan.Ang mga
matatamis at inosenteng mga ngiti at halakhak na walang katumbas.Totoo nga na Ang panahon
ng ating kabataan ay ang mga ginintuang araw ng ating mga buhay.

You might also like