You are on page 1of 19

1

Quarter 2
WEEK 20
Day 2
Content Focus: Ako ay may Pamilya
Mensahe: Ang Aking Pamilya ay Namumukod-tangi.
Numeracy Focus: 6 (Anim)
Literacy Focus: Rr
Tanong: Ano ang namumukod-tangi sa iyong
pamilya?

2
Treasury of Storybooks
_________________________________

Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in
this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department
of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may,
among other things, impose as a condition that payment of royalties. No prior approval
or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules and regula-
tions, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read
or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in deliberative assem-
blies and in meetings of public character.

For the purpose of citation, the following is recommended.

Penny Genelyn T. Taladro., Ang Regalo. DepEd-Division of Puerto Princesa City, 2020

DEVELOPMENT AND MANAGEMENT TEAM

Writer: Penny Genelyn T. Taladro Illustrator: Hisavel U. Bonbon


Layout Artist: Hisavel U. Bonbon Content Editor: Antonieta cayanan

Servillano A. Arzaga, CESO V Dr. Cyril C. Serador


Schools Division Superintendent Chief, CID

Dr. Sherron V. Laurente Ronald S. Brillantes Dr. Nestor N. Pagayona


EPS - Kindergarten EPS - LRMS PSDS Cluster 3

Puerto Princesa City


MIMAROPA Region

3
4
Ikaanimnapung kaarawan na ni
Lolo Ruding. Masayang nagtipon ang
mag-anak sa kanilang tahanan.

1
5
Abalang naghahanda ng pagkain sa
kusina ang kanyang mga anak na sina
Rita, Roda, at Rose.

2
6
Nasa labas naman ng bahay ang
kanilang mga asawang sina Robin, Rolly, at
Roger na naglilitson ng baboy.

3
7
“Mano po, Lolo! Maligayang kaarawan
po!” sabay-sabay na bati ng kanyang mga
apo.
“Kaawaan kayo ng Panginoon,” sagot ni
Lolo Ruding.

4
8
Napansin ng mga bata na tahimik at
hindi gaanong masaya ang kanilang lolo.
“Lolo, bakit po kayo malungkot?”,
tanong ni Ruby.

5
9
“Nasira kasi ang aking relo. Hindi ko na
malalaman ang oras ng pag-inom ng aking
gamot,” sagot ni Lolo Ruding.

6
10
“Halina kayo! Handa na ang mga
pagkain. Awitan natin ang inyong lolo,”
anyaya ni Lola Rosita.

7
11
Masaya silang nag-awitan. Bakas sa
mga mata ni Lolo Ruding ang kanyang
kasiyahan.

8
12
“Buksan n’yo na po ang inyong mga
regalo at tiyak na matutuwa kayo,” wika
ng bunsong anak niyang si Rose.

9
13
Isa-isang binuksan ni Lolo Ruding ang
mga regalo - may damit, tsinelas, at
pantalon. Huli niyang binuksan ang
pinakamaliit na berdeng kahon.

10
14
“Ano kaya ito?”, napaisip na wika ni
Lolo Ruding. Dahan-dahan niya itong
binuksan at tuwang-tuwa siya sa kanyang
nakita - isang relo!

11
15
Maligayang-maligaya si Lolo Ruding sa
kanyang kaarawan. Hindi lamang dahil sa
mga regalo, kundi dahil ang kanyang
pamilya ay nagmamahalang totoo.

12
16
Mga Tanong:

1. Sino ang may kaarawan?


2. Ilan ang mga anak ni Lolo Ruding at
Lola Rosita?
3. Bakit malungkot si Lolo Ruding?
4. Ano ang laman ng mga regalo para
kay Lolo Ruding?
5. Bakit naging maligaya ang kaarawan
ni Lolo Ruding?

17
Penny Genelyn T. Taladro
Kasalukuyang nagtuturo si Penny sa
Mateo Jagmis Memorial Elementary
School. Isa sa mga tagapayo ng “Ang
Munting Diwa” na naging pinakamahusay
na pahayagang pamparaalan sa buong
Dibisyon ng Puerto Princesa-Filipino
Elementary Level taong 2018. Naniniwala
siya sa kasabihang “Geniuses are born,
but writers may be made.”

Hisavel U. Bonbon
Si Hisavel ay kasalukuyang nagtuturo sa
Mateo Jagmis Memorial Elementary School
at isa sa mga illustrador ng kuwentong
pambata sa Kindergarten ng Dibisyon ng
Puerto Princesa. Minsan nang naging
Winning Coach sa On-The-Spot Painting
Contest sa Regional Level noong 2017.
Inspirasyon niya sa pagguhit ang kanyang
pamilya.

18
Masayang nagtipon
ang pamilya ni Lolo Ruding.
Ngunit kahit na kaarawan niya
ay mayroon siyang
itinatagong lungkot.
Ano kaya iyon?
Halina at atin itong alamin!

19

You might also like