You are on page 1of 32

Day 1

Alamin Natin
Pagbasa ng kwento
“Paggalang sa mga Katutubo at Dayuhan”

Isang umaga, habang sabay-sabay kumakain ang


pamilya Reyes ibinalita ni Mang Ramon na makakaroon sila
ng pagtitipon ng mga kasamahan niya sa trabaho. Ang ilan sa
mga ito ay dayuhan. Kaya binilinan niya si Aling Rosa na
maghanda para sa mga ito.

“Inay. sasama po ako bukas sa palengke” wika ni


Andrea. “Hay naku anak wag na, alam mo naman
napakasigip sa palengke dahil maraming tao” , sagot ni
Aling Rosa.
Kinabukasan maagang naghanda si Aling Rosa
para mamalengke hindi rin napigilan ang pagsama ni Andrea.

Habang sila ay papasakay sa pampublikong


sasakyan, nagulat si Andrea sa kanyang nakita
pagkasampa sa dyip “Inay bakit ganun po ang kanilang suot?
Bakit ganoon po ang kulay ng kanilang mga ngipin at balat?
Pinagtatawanan po sila Inay, wika ni Andrea
”. “Anak ang tawag sa kanila ay mga katutubo, iba talaga silang
manamit kumpara sa atin, di bat itinuturo yun sa inyong
paaralan? Saka ang paggalang sa kapwa tao ay mahalaga dahil
ang bawat isa sa atin ay may karapatan. Nakaugalian na nila
kung paano sila manamit at kumilos dahil yun ay kanilang
tradisyon ay nakagisanan, kaya huwag mong tutularan
ang mga tumatawa sa kanila ha, paliwanang ni Aling Rosa”.
“Opo, Inay pasensya na po, sagot ni Andrea”
Nakarating na sila sa palengke, doon din bumaba ang mga
katutubo. Pagkatapos mamili ng ni Aling Rosa at Andrea,
habang papauwi na sila nkita nilang muli ang mga katutubo na
sumasayaw sa parke. “Inay ayun po sila, sumasayaw po sabi
ko kanina isa yan sa nakaugalian at tradisyon na nila, marapat
lang na igalang natin ito, wika ni Aling Rosa”. “Salamat po
Inay, ngayon po ay naiintindihan ko na po na dapat igalang ang
kaugalian ng mga katutubo o dayuhan sa ating saan mang lugar
dahil ito po ay isa sa kanilang kaugalian na hindi natin maaaring
pakialamanan o baguhin. Sasabihin ko din po yun sa aking mga
kamag-aral, sabi bi Andrea”
Dumating na ang araw ng pagtitipon ng kaniyang tatay
Ramon. Napakaraming bisita at ang ilan sa mga ito
ay mga dayuhan. Napakaraming hinanda ng pamilya
Reyes para sa mga bisita. Gusto nilang maipatikim ang
mga pagkain ng Pilipino sa mga dayuhan. Sarap na
sarap naman ang mga bisita lalo n ang mga dayuhan.
At sobra silang natuwa sa pamilya Reyes na magandang
pagtanggap sa kanila.
Si Andrea, kahit nahihirapan sa pag-unawa sa
salitang Ingles ng ilang bisita ng kanyang tatay,
nagawa pa din nito na makipaglaro sa mga anak na
kasama nito. Pinakitunguhan niya ng maayos ang
mga kalaro, at pinahiram ng kanyang damit ng
matapunan ang isang bata ng sorbets sa damit.
Masayang Masaya si Andrea dahil nalaman pa niya
na ang ilan sa kanyang mga kalaro ng dayuhan ay sa
kanila magpapalipas ng gabi.
Nagulat si Aling Rosa at Andrea sa anunsiyo ng isang
lalaki dahil ang kanila palang ipinagdiriwang ay ang
promosyon sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng kanyang
tatay. Masayang-masasaya sila.

Kinabukasan, paalis na ang mga bisitang


nagpalipas ng gabi sa kanilang bahay. Nagpaasalamat ang
mga ito sa maayos na pagtnggap at pag aasikaso sa kanila.
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa kwento:

1. Sino-sino ang bumubuo ng Pamilya Reyes sa kwento? Ibigay ang kanilang


mga
pangalan.

2. Saan pupunta sila Aling Rosa at Ana kinabukasan ng maaga? Bakit?

3. Sino ang nakita/nakasabay nila Andrea sa pampublikong sasakyan?

4. Kailangan ba natin pagtawanan ang ibang tao kung may kakaiba man sa
kanilang kilo, hitsura at gawain? Bakit?

5. Sino-sino ang mga bisita ng pamilya Reyes?


6. Para saan ang pagpupulong o pagtitipon na kanilang isinagawa?

7. Bakit kailangan galangin natin an gating kapwa tao?

8. Kung ikaw si Andrea, ano ang gagawin mo sa mga bisita ninyong


dayuhan? At
ano ang mararamdaman mo kung nakakita ka ng mga katutubo?

9. Mahalaga ba ang paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan?


Ipaliwanag.

10. Ano ang natutunan o nakuha ninyong magandang aral sa


kwento?
Day 2

Isagawa natin
Gawain 1

Tunghayan ang larawan. Bigyan ng


pansin ang mga nagaganap na eksena sa
larawan. Ano ang iyong magiging
diyalogo kung ikaw ang ay isa sa taong
nasa larawan.
Gawain 2

Makilahok sa iyong pangkat. Tumulong upang magawa o mabuo ang gawain ng


bawat pangkat. Maghanda para sa pagtatanghal o pagbabahagi.

Pangkat 1- Bumuo ng isang dula-dulaan, pagbabalita, pagkukwento o


pantomina upang maipakita ang paggalang sa pamamagitan ng mabuting
pagtanggap/pagtarato sa mga katutubo at mga dayuhan.

Pangkat 2- Bumuo ng isang dula-dulaan, pagbabalita, pagkukwento o


pantomina upang maipakita ang paggalang sa
pamamagitan ng paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga
katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan.
Pamantayan 3 2 3

Nilalaman Naipakita ang paggalang na Naipakita ang Hindi naipakita ang


kinakailangang palabasin paggalang na nararapat na
kailangang palabasin pagpapahalaga
ngunit hindi sapat ang
ideya ng palabas.

Partisipasyon Lahat ng kasapi ay May 1-2 na kasapi ang May 3 o higit pa na


nakilahok sa pagbuo ng hindinakibahagi sa kasapi ang hindi
konsepto at sa pagbuo ng nakilahok sa gawain ng
pagtatanghal pangkat.

Kaangkupan Angkop ang ginawa ng Mangkop ang ginawa Hindi angkop sa


pangkat sa sitwasyon at ng pangkat sa sitwasyob ang ginawa
naaayon sa mga sitwasyon na ng pangkat.
nakatalagang gawain. nakatalaga.
Day 3

Isapuso Natin
Iguhit sa patlang ang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga
dayuhan at kung hindi. Gawin ito sa inyong
kwaderno.
1. Ipaghanda ng miryenda ang mga dayuhan o
katutubo sa inyong tahanan.
2. Pakitunguhan o tratuhin ng maayos ang mga
panauhing katutubo at mga dayuhan sa ating paaralan.
3. Pagtawanan ang mga katutubong
nakikita sa lansangan.
4. Huwag pansinin ang mga anak ng
inyong bisita dahil hindi mo maintindihan \
ang kanilang lingguwahe.
5. Igalang ang karapatan ng bawat tao
Tandaan natin

Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan


natin mula sa pagkakabata. Ito ay isang hakbang sa
pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag
iginagalang ng lahat ang kaniyang kapuwa tiyak
walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang
pantao.
Ang paggalang sa kapwa at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng
ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay
siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang naipapakita sa
salita kundi sa kilos at gawa.
Sa panahon na tayo ay makakasalamuha ng mga dayuhan o mga
katutubo dapat natin silang tanggapin at tratuhin ng maayos. Ang kanilang
mga kaugalian na kinagisnan ay atin din galangin sapagkat doon sila nasanay
at ang bawat isa sa atin a may sariling karapatan.
Matuto tayong magbigay-halaga sa mga dayuhan at mga katutubo,
dahil khit sino pa man sila kaisa natin sila. Nararapat lamang na tayo ay
matutong gumalang sa bawat isa.
Day 4

Isabuhay Natin
Basahin ang sitwasyon at
sagutin ito sa harap ng klase ng
buong husay.
1. Ang tatay mo ay kapitan ng inyong baranggay.
Nagkaranas ang sa inyong lugar ng matinding
hagupit ng bagyo, kaya maraming kabahayan ang
napinsala. Ang mga tulong at donasyon ay sa inyong
bahay pumapatak. Biglang may dumating na mga
dayuhan/katutubo na naninirahan din sa inyong
baranggay, sila ay humihingi ng tulong sa kanilang
sinapit. Ano ang gagawin mo kahit alam hindi
mong hindi mo sila kilala?
2. Nagdiriwang ng kapiyestahan sa inyong
lugar, napakaraming mga mangyan
ang nanlilimos upang sila ay may makain.
Hindi maganda nag kanilang pananamit at
sila ay madudungis. Ipagtatabuyan mo ba
at sisigawan sila? Bakit?
Day 5

Subukin Natin
Basahing mabuti ang mga sitwasyon.
Sa sagutang papel, lagyan ng tsek (/ )
ang patlang kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa mga katutubo at mga
dayuhan at ekis (x) kung hindi.
______1. May sumasayaw na katutubo sa parke, uuwi na dapat
ang ate mo pero tumigil muna siya at masayang nanood sa
ginagawa ng mga katutubo at nagbigay ng konting tulong.
______2. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso
sa mga batang Mangyan na nakaupo sa parke upang
magpahangin.

______3. May dayuhan na nagtatanong ng direksyon sa mga


kabataang nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng,
pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang
direksyon.
______4. May mga Hapon na pumunta sa inyong
paaralan upang magbigay ng tulong sa kakulangan sa
pasilidad. Laking pasasalamat ng inyong paaralan.
Kayang inyong seksyon ay naatasang mag presinta ng
sayaw at awit para sa mga bisita.

______5. Lagi na lang tinutukso ng iba mong mga


kaklase ang hitsura ni Rollen. Dahil siya ay anak ng
Negro.

You might also like