You are on page 1of 17

Aralin 2

Mapanuring Pag-iisip,Kaya Ko

Ang panonood,pagbabasa at pakikinig ay isang

kakayanan na dapat matutunan ng bawat isang mag-aaral.Subalit ito

ay nangangailangan ng isang mapanuring pag-iisip upang

makatulong sa kanya bilang isang tao at kasapi ng pamilya.

Alamin Natin

A.Suriin ang Balita

KIDNAPPER NANDUDUKOT NG MGA BATA AT TEENAGER

SA BATANGAS…( HALAW SA WWW.KABATANG.COM)

Wala pang ibinibigay na opisyal na pahayag ang pulisya

sa tunay na mga nangyayari kung kaya binuo na nila ang Task Force

Batang Anghel upang mag-imbestiga sa mga pagkawala. Subalit


hindi kaila sa atin ang video footage kamakailan ng isang puting van

sa Quiapo, Manila na nagtangkang dumukot sa mga teenager subalit

nagawang makatakas ng mga bata…)

Nakakapanluang ng tiyan pag nakakarinig ka ng mga

garneng balita!

Diumano’y nagala na naman ang mga kidnaper na

nandudukot ng mga bata at teenager dine sa atin sa Batangas. Kung

dati’y haka-haka at panakot laang sa mga talubata, ngay‘oy

nangyayari na daw areng mga karumal-dumal na gawaing are!

Kung nuong araw ang balita’y nagala daw ang masamang

luob na kung tawagin ay “Mamumugot” na nangsasako ng bata at

namumugot ng ulo bilang pampatibay diumano sa ginagawang tulay.

Ang balita naman ngay’oy tinatangay daw ang mga bata para katayin

at ipagbili ang mga laman-luob na nagkakahalaga ng libu-libong piso.

Mayruon ding haka-haka na ginagawang batang

magpapalimos daw sa Maynila ang ibang mga natatangay..


Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ano gang impormasyon ang inyong nabasa tungkol sa

balita?

2. Sino-sino ga ang dinukot ng mga kidnapper?

3. Bakit ga nila dinudukot ang mga teenager?

4. Nagkaroon ka na ga ng pagkakataong hindi ka naniwala sa

balitang iyong nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan.

5. Paano mo ga masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga

balitang nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag.

6. Sa palagay mo dapat ga nating paniwalaan ang balitang ating

nabasa?Ipaliwanag.

7. Bilang isang bata, ano ga ang iyong magagawa upang

makaiwas sa ganitong uri ng krimen?

B. Panonood ng mga mag-aaral ng video clip.

(https://m.youtube.com/watch?v=EoQdyy.TfcQE) Suriin kung ito ay

mabuti o di- mabuting panoorin.Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang iyong masasabi sa video clip na iyong pinanood.

2.Ano ang iyong napuna?


3. Anong mensahe ang ipinakikita ng inyong napanood?

4. Sa iyong palagay ito ga ay may mabuti at di-mabuting

maidudulot sa iyo bilang mag –aaral at bilang kasapi pamilya? Ano

ang mga ito?

ISAGAWA NATIN

Gawain 1

Itala sa kahon ang mga palabas at programa sa radyo at

telebisyon na nararapat panoorin at pakinggan.

Mabuting Panoorin Di-mabuting Panoorin


Sagutin ang mga tanong sa inyong notbuk.

1. Ano ano gang mga palabas o programa sa radyo at telebisyon

ang tumatak sa inyong isipan na sa palagay mo ay mabuti at di-

mabuting panoorin o pakinggan?

2. Paano mo nasabi na ito ay mabuti at di-mabuting panoorin?

Ipaliwanag.

Gawain 2:

Kopyahin ang nasa talaan.Bilugan ang mga dapat lamang

nating basahin,panoorin o pakinggan

 balita sa buong bansa

 artikulo ng tungkol sa pangangalaga sa

katawan

 aklat tungkol sa panghuhula

 kolum tungkol sa pangkalakasan

 buhay ng mga artista

 malalaswang komiks

 programa sa pagluluto

 programa tungkol sa kabuhayan


Sagutan ang mga tanong sa notbuk at buuin ang pahayag sa ibaba.

1. Ano anong mga paksa ang iyong binilugan? Bakit?

2. Sa iyong palagay dapat bang basahin,panoorin o pakinggan ang

inyong napiling kasagutan? Ipaliwanag.

Kung ang mga paksa sa programa sa telebisyon,dyaryo at

magasin ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko ay

_______________________________________________________dahil

naniniwala ako na____________________________________.

Isapuso Natin

Ngayong alam mo na ang mga bagay na dapat

isaalang-alang bilang isang mapanuring manonood at mambabasa.

Gumawa ng isang reflection booklet.Gamitin ang mga sumusunod na

katanungan bilang gabay.


1. Naipakita ko ga ang ugali ng isang mapanuring

mambabasa at manonood?

2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman?

3. Kaya ko ga itong magawa ngayon?

4. Paano ko ito dapat isagawa?

Tandaan Natin

Mapanuring Pag-iisip. Isinasaalang –alang ang mga bagay

bagay bago magdesisyon.Iniisip kung ano ang maaaring idulot nito

sa sarili at sa kapwa.Bukas ang isip sa mga pagbabago,tulad ng

paggamit ng internet.Subalit batid nating sa paggamit nito marami

tayong natutuklasan at nalalaman ngunit kailangan nating magbigay

ng limitasyon sa mga bagay na makatutulong sa ating pag-

unlad.Pumili ng makabuluhang babasahin at panooring

makakatulong sa pag-unlad.
Isabuhay Natin

Bumuo ng tatlong grupo. Bawat grupo ay gagawa ng

isang simpleng poster patalastas sa telebisyon o anunsyo sa radyo

na may hatid na mabuting mensahe sa publiko.

Ipalabas ito sa klase.Hayaang suriin ng bawat grupo

ang ginawa ng isang grupo.

Subukin Natin

A. Lagyan ng tsek ( ) ang

bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa

balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan,

napanood sa telebisyon at internet ekis ( ) kung hindi mo ito

nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong

sagutang papel.
1. Nakakapili ga ako ng maayos na babasahin sa dyaryo at

magasin.

2. Napapanood ko ang mahahalagang programa sa

telebisyon at internet.

3. Napapakinggan ko ang mahahalagang balitang may

kaugnayan sa loob at labas ng bansa sa radyo,telebisyon

at internet.

4. Nasusuri ko ng maayos gamit ang mapanuring pag –iisip

ang mga palabas at balita.

5. Nakakakuha ako sa internet ng mga kaalaman na

makakatulong sa aking pag –unlad.

B. Sa bilang na 5 puntos,sumulat ng isang talata na

nagpapakita ng mabuting maidudulot ng pagpili ng mga babasahin at

panoorin gamit ang mapanuring pag- iisip

Binabati kita! Naipamalas mo ang iyong

mapanuring pag –iisip. Patuloy mo itong paunlarin.

Maari mo itong gamitin sa tuwina.


Sapagkat natapos mo nang may mapanuring pag

– iisip ang araling ito, maaari ka nang tumungo sa sunod na aralin.

Handa ka na!

Team
EsP
Inihanda nina:

Alma M. Catilo
Teacher I
Jose C.Pastor Mem.Elem.School

Alfreda R. Pagsinohin
Teacher III
Pinamukan Elem.School

Pinagtibay nina:

ROWENA T. ASI
Principal III
NESTOR E.ALON
EPS I- EsP

ARALIN 2

Mapanuring Pag-iisip,Kaya Ko

Layunin: Nakasusuri nang mabuti at di-mabuting naidudulot sa sarili

at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin tulad ng dyaryo at

magasin,radyo,telebisyon at internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip ( Critical Thinking)

Sangunian: Internet, Salamin ng Kagandahang Asal atWastong

Pag-uugali 5 pp.137

Mga Kagamitan: meta cards


Integrasyon: Media Literacy

Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Simulan ang aralin sa pagbasa at

pagsuri ng balita.

2. Hikayatin ang mga bata na suriing mabuti ang balitang binasa

gamit ang mapanuring pag-iisip.

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod

a. Anong impormasyon ang iyong nabasa tungkol sa

balita?

b .Sino-sino ang dinukot ng mga kidnapper?

c. Bakit nila dinukot ang mga teenager?

d. Nagkaroon ka na ga ng pagkakataong hindi ka

naniwala sa balitang iyong nabasa sa pahayagan?

Ipaliwanag ang dahilan.


e. Paano mo ga masasabi na ikaw ay nagiging

mapanuri sa mga balitang nababasa sa pahayagan?

Ipaliwanag.

f.Sa palagay mo dapat ga nating paniwalaan ang

balitang ating nabasa?Ipaliwanag.

g.Bilang isang bata, ano ga ang iyong magagawa upang

makaiwas sa ganitong uri ng krimen?

4. Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan.Maging sensitibo sa

kasagutan ng mga bata.

5. Pagpapanood ng video clip (https://m.youtube.com/watch?

v=EoQdyy.TfcQE) tungkol sa mabuti at di-mabuting panoorin.

6. Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga katanungan sa

ikalawang Gawain sa Alamin Natin.

7. Maaari ding magdagdag ang guro batay sa kanyang

karanasan.

Isagawa Natin

Makakatulong sa pagkilala ng mapanuring pag-iisip ang

mga gawain sa Isagawa Natin.


1. Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa

Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.Ipatala sa kahon

ang mga palabas at programa sa telebisyon na nararapat

panoorin at pakinggan.Ipasulat ito sa kahon ng mabuting

panoorin at di-mabuting panoorin. Pag-usapan ang mga sagot.

2. Himukin ang mga bata na alalahanin ang mga programa sa

radyo at telebisyon na kanilang napanood o napakinggan

upang masuri kung ito at mabuting panoorin o di-mabuting

panoorin.

3. Patnubayan ang mga mag-aaral na maisagawa ang Gawain

2. Kopyahin ang nasa talaan sa kanilang kwaderno.Bilugan ang

mga dapat lamang nating basahin,panoorin o pakinggan.

Isapuso Natin
1. Ipagawa ang Isapuso Natin tulad ng nasa

Kagamitan ng Mag-aaral.

2.Ipasulat ang kaisipang nabuo ng mga mag-

aaral bilang isang mapanuring mambabasa o


manonood sa isang Reflection booklet.Sundin

ang mga katanungan na makikita sa Kagamitan

ng Mag-aaral bilang gabay sa paggawa.

3.Bigyang-diin ang Tandaan Natin.Ipabasa ito sa

mga mag-aaral nang may pang-unawa.Ipaliwanag

nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na

maunawaan ito ng mag-aaral.

Isabuhay Natin

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin.

2. Bigyang laya ang bawat grupo na makabuo ng isang

simpleng patalastas sa telebisyon o anunsyo sa radyo na

nagpapakita ng kanilang natutunan tungkol sa paksang tinalakay.

3. Suriin ang palabas ng bawat grupo.

Subukin Natin
1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang kanilang sagutang papel at

ipasagot ang Subukin Natin titik A na nasa Kagamitan ng Mag-

aaral.

2. Pagkatapos masagutan ang gawain A, pasagutan ang gawain

B,upang mas lalong mapalawak ng mga mag-aaral ang

kanilang kaalaman sa paksang tinalakay.

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila

sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung

kinakailangan, para magsilbi itong motibasyon sa susunod na pag-

aaralan.
Team
ESP
Inihanda nina:

Alma M. Catilo
Teacher I
Jose C.Pastor Mem.Elem.School

Alfreda R.Pagsinohin
Teacher III
Pinamukan Elem.School

Pinagtibay nina:

ROWENA T. ASI
Principal III

NESTOR E.ALON
EPS I- EsP

You might also like

  • W 7 LN
    W 7 LN
    Document5 pages
    W 7 LN
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Document5 pages
    Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • LP Esp LM
    LP Esp LM
    Document176 pages
    LP Esp LM
    Maria Anna Gracia
    No ratings yet
  • Petsa
    Petsa
    Document5 pages
    Petsa
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Document8 pages
    Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • esp-Q2-Week 4
    esp-Q2-Week 4
    Document23 pages
    esp-Q2-Week 4
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 1 Esp TG LM 1
    Aralin 1 Esp TG LM 1
    Document21 pages
    Aralin 1 Esp TG LM 1
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 3 A TG
    Aralin 3 A TG
    Document7 pages
    Aralin 3 A TG
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 4
    Week 4
    Document4 pages
    Week 4
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 1
    Week 1
    Document7 pages
    Week 1
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document5 pages
    Week 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 2
    Week 2
    Document6 pages
    Week 2
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 3
    Aralin 3
    Document7 pages
    Aralin 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet