You are on page 1of 5

Petsa:

I. Layunin: Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa


(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully) (EsP5P – Iib – 23)

II. Paksa: Pagmamalasakit sa kapwa (Concern for others)


Mga Kagamitan :Video clip na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ibang tao, mga larawan ng
pananakit, kinukutya at iba pa at panyo.
Inetgrasyon: English ( Noting details)

III. Pamamaraan:
Alamin Natin (Day 1)
1. Bago simulan ang araling ito ay mag papanood muna ng moral stories na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa o larawang naglalarawan ng pagmamamalasakit ng tao
kanyang kapwa na sinasaktan, kinukutya o binubully.

2. Kuhanin ang kanilang mga opinyon o reaksyon sa kanilang napanood na video.

3. Bigyang daan ang mga bata na magbahagi ng kanilang sariling karanasan tungkol sa
pagmamalasakit, pananakit, pagkutya at pambubully ng kanilang pamilya, kaibigan
o kaklase.

4. Tumawag ng isang mag-aaral na siyang magpapaliwanag tungkol sa kwentong napanood sa


Alamin Natin

5. Ipasulat sa kuwaderno ang katangian ng mga tauhan sa kwento at sabihin kung anong
napulot nila sa kwentong napanood

6. Maaari pang magdagdag ng mga katanungan sa ipanapanood sa Alamin Natin sa mga mag-
aaral. Ipaliwanag sa kanila na ang ginagawa nilang pagmamalasakit sa kaklase, kaibigan,
kalaro at iba pang tao ay tinatawag na concern for others. Nagpapakita rin sila ng kabutihan ng
puso sa mga ito.
Petsa:

I. Layunin: Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa


(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully) (EsP5P – Iib – 23)

II. Paksa: Pagmamalasakit sa kapwa (Concern for others)


Mga Kagamitan :Video clip na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ibang tao, mga larawan ng
pananakit, kinukutya at iba pa at panyo.
Inetgrasyon: English ( Noting details)

III. Pamamaraan:
Isagawa Natin (Day 2)
1. Ipasuri ang mga larawan sa Gawain I ng Isagawa Natin sa kagamitan ng mga mag-aaral.
Iugnay ang naging talakayan sa Alamin Natin sa mga ipinahiwatig ng mga larawan. Iugnay ang
naging talakayan sa Alamin Natin sa mga ipinahihiwatig ng mga larawan.

2. Ipagawa ang iba pang gawain sa Gawain I. Ipakuha ang kuwaderno at pasagutan ang nasa
tsart.

3. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain I, I proseso ang kanilang mga sagot.

4. Muling tanungin ang mga bata kung ano ang maaari nilang maitulong sa mga pagkakataong
katulad ng nasa video o nasa larawan.

5. Para sa Ikalawang Gawain, sundin ang panutong ibinigay sa kagamitan ng mag-aaral.


Itanong sa mga bata ang kaugnayan ng pamagat ng laro sa araling natutunan. (Agaw mo, sagot
mo, puntos mo)

6. Bigyang diin ang pagbibigay ng papuri sa kasagutan ng mga mag-aaral.


Petsa:

I. Layunin: Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa


(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully) (EsP5P – Iib – 23)

II. Paksa: Pagmamalasakit sa kapwa (Concern for others)


Mga Kagamitan :Video clip na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ibang tao, mga larawan ng
pananakit, kinukutya at iba pa at panyo.
Inetgrasyon: English ( Noting details)

III. Pamamaraan:
Isapuso Natin (Day 3)

1. Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang saloobin o damdamin kung sila ay nakagagawa ng
pagmamalasakit o pagdamay sa kanilang kapwa kung maaari ay suriing sa mga bata ang hindi
pa nakagagawa nito at tulungan magawa din nila ang bagay na iyon.

2. Itanim sa isip ng mga mag-aaral na laging ang pagmamalasakit ay ilalagay sa kanilang mga
puso at isipan.

3. Pangkatin ang mga bata at ipagawa ang pangkatang gawain.

4. Ipabasa at bigyan ng paliwanag ang Tandaan Natin na tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa


sa pamamagitan ng pagbibigay-alam nito sa mga kinauukulan.
Petsa:

I. Layunin: Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa


(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully) (EsP5P – Iib – 23)

II. Paksa: Pagmamalasakit sa kapwa (Concern for others)


Mga Kagamitan :Video clip na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ibang tao, mga larawan ng
pananakit, kinukutya at iba pa at panyo.
Inetgrasyon: English ( Noting details)

III. Pamamaraan:
Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ang gagawin ng mga batang pagsasabuhay:


una - sa paaralan: hingiin ang gabay ng guro sa silid-aralan maari ding lapitan ang
taong higit na may kaalaman sa bagay na ito, ang guidance officer ng paaralan. Maaari din
namang bumuo ng grupo na siyang magiging tagapangsiwa.
pangalawa - magulang - ipag-bigay sa magulang ang nalalaman na masamang
pangyayari.
pangatlo - sa ating mga barangay opisyal o mga kapulisan.

2. Maaaring magkaroon ng talaan ang mga bata ng kanilang naipaalam na iba't-ibang kaso ng
pagmamalasakit sa kapwa.
Petsa:

I. Layunin: Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa


(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully) (EsP5P – Iib – 23)

II. Paksa: Pagmamalasakit sa kapwa (Concern for others)


Mga Kagamitan :Video clip na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ibang tao, mga larawan ng
pananakit, kinukutya at iba pa at panyo.
Inetgrasyon: English ( Noting details)

III. Pamamaraan:
Subukin Natin (Day 5)

1. Itanong sa mga mag-aaral kung may alam silang kwento tungkol sa


pagmamalasakit sa kapwa. Pwede ring gawing halimbawa ang mga
karanasan o sitwasyon sa paaralan.

2. Bubuo ng 2 pangkat na magpapakita ng sitwasyon na may kaugnayan sa layunin.

3. Isulat sa bituin ang mga pangyayari na kanilang ipinagbigay-alam sa kinauukulan.

You might also like