You are on page 1of 7

Aralin 3-A Nawiwili Ako, sa Pag-aaral Ko!

Layunin: Nakapagpapakita ng kawilihan at

positibong saloobin sa pag-aaral.

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkabukas Isipan (Open Mindedness)

Kagamitan: Kwaderno, Sagutang papel, larawan,

LED TV, o projector at tula (halaw sa

aklat na “Salamin ng Kagandahang Asal

at Wastong Pag-uugali 5”, pp. 64-65 na

isinulat ni Hazel de Guzman

Patalinghug)

Integrasyon: MAPEH, Araling Panlipunan

Alamin Natin:

1. Pangkatin ang mga bata sa tatlo.

2. Magpakita ng mga larawan sa mga bata at hayaang magbigay ng

kuro-kuro/saloobin ang bawat grupo hinggil sa larawan.


3. Ipapakita ng mga bata ang pag-uulat sa pamamagitan ng iba’t-

ibang paraan tulad ng: concept map, panel discussion, interview.

4. Ipaulat sa mga bata ang kanilang ginawa.

5. Maaari ding magbigay ang guro ng kaniyang sarling kuru-kuro o

magbigay ng tanong tungkol sa larawan na siyang makatutulong

upang mas maunawaan ang nais iparating ng larawan.

Isagawa Natin

Gawain 1

1. Pangkatin ang klase sa tatlo.

2. Magkakaroon ang mga bata ng isang laro – “Jumbled Words”.

(ang Jumbled words/phrases ay hango sa tulang: Pakikibahagi)

Bubuuin ng mga bata ang jumbled words/phrases at ipapakita ito


sa pamamagitan ng ibat- ibang paraan gaya ng pag-awit,

pagtula, rap, atbp. Gagawin ito sa loob ng sampung minuto.

Ipaaala ang pamantayan sa pangkatang gawain.

Pakikibahagi

Ano mang suliranin sa atin ay dumating


Madaling mawawala kung sama-samang lulutasin
Sa isang samahan, dapat ay magtulungan.
Mungkahing ibibigay, tunay na kailangan.

Anumang uri ng talakayan,


Dapat ipaalam laman ng kaisipan.
Ang iyong sariling kuru-kuro
Maaring magturo ng tamang paraan
Upang suliranin ay malunasan.

Kaya mga kaibigan, ating tatandaan,


Ang pakikibahagi sa anumang talakayan,
Payo mo ay mahalaga para sa kalutasan.
Nang ang mga problema ay ating malagpasan.

3. Matapos ang paglalaro lagumin ang ginawa ng mga mag-aaral.

Tanungin sila kung ano ang kanilang naramdaman sa gawain.

Ano ang kanilang naatuthan? Anong pagpapahalaga ang

naipakita? Sikaping mapalabas sa talakayan ang kahalagahan

ng pagpapahalagang ito.

4. Ipabasa sa mga bata ang nabuong tula.


Isapuso Natin

1. Ipasuri sa mga bata ang larawan at ipatala sa mga bata sa

kanilang kuwaderno ang mga gawaing nakahihikayat sa

kanilang mawili sa pag-aaral na makikita sa ibaba.

 Pakikipagtalo
 Pakikinig
 Pakikipagtalakayan
 Pagkopya sa iba
 Pakikilahok
 Paggawa mag-isa
 Pagtatanong

2. Ipaulat sa mga bata ang kanilang ginawa.

Tandaan Natin:

Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang saloobin sa pag-

aaral, subalit ang mainam na paggamit ng mga pamamaraan at

pagbubukas ng isipan sa mga kaalaman ang siyang magiging gabay


sa kawilihan sa pagkatuto hindi lamang sa kanyang sarili,ngunit

maging sa ibang tao.

Ang tamang saloobin sa pag-aaral ay hindi lamang maiipakita

sa kanyang sariling kakayahan at kaalaman, kundi gayundin sa

tulong at impormasyong galing sa iba.

Isabuhay:

Para sa Isabuhay Natin, hayaan ang mag-aaral na pumili ng

nais nilang gawin. Tulungan silang mapaganda o mapabuti ito.

Sabihin sa mga mag-aaral na ang kanilang ginawa ay ididesplay sa

isang exibit na ioorganisa ng klase sa tulong ng guro.

Subukin Natin:

Sagutin nang buong husay.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa

pag-aaral. Lagyan ng ang puwang ng napili mong

kasagutan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

____1. Naggagawa ng takdang aralin bago matulog.

____2. Masayang sumasali sa mga pangkatang gawain sa

klase.
____3. Palaging ikaw ang nasusunod sa mga desisyon sa mga

gawain.

____4. Nakikinig ka sa panuto bago ka gumawa ng gawain.

____5. Hindi mo ibinabahagi sa iba ang kaalamang iyong

natutunan.

____6. Nagtatanong ka sa iyong pangkat kung mayroon silang

nais ibahagi sa pangkat.

____7. Nagpapasa ka ng proyekto sa takdang oras.

____8. Nagtatanong ka sa iyong guro kung may bagay kang

hindi lubos na naunawaan.

____9. Ibinabahagi mo sa iba ang iyong talent.

____10. Ayaw mong lumahok sa gawain kapag hindi mo gusto


ang mga miyembro.

Binabati kita! Ngayon ay mas mawiwili ka nang pumasok at


may positibo ka nang saloobin sa pag-aaral.
Team
ESP

Inihanda nina:

ROWENA T. EBORA
Teacher III
Balete Elementary School

EMMA D. SANDOVAL
Teacher II
Balagtas Elementary School

Pinagtibay nina:

ROWENA T. ASI
Principal III

NESTOR E. ALON
EPS - Values

You might also like

  • W 7 LN
    W 7 LN
    Document5 pages
    W 7 LN
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Document5 pages
    Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • LP Esp LM
    LP Esp LM
    Document176 pages
    LP Esp LM
    Maria Anna Gracia
    No ratings yet
  • Petsa
    Petsa
    Document5 pages
    Petsa
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Document8 pages
    Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • esp-Q2-Week 4
    esp-Q2-Week 4
    Document23 pages
    esp-Q2-Week 4
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 4
    Week 4
    Document4 pages
    Week 4
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 1 Esp TG LM 1
    Aralin 1 Esp TG LM 1
    Document21 pages
    Aralin 1 Esp TG LM 1
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document5 pages
    Week 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 2
    Week 2
    Document6 pages
    Week 2
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 1
    Week 1
    Document7 pages
    Week 1
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 3
    Aralin 3
    Document7 pages
    Aralin 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 2 Lm..... Grade 5 Esp
    Aralin 2 Lm..... Grade 5 Esp
    Document17 pages
    Aralin 2 Lm..... Grade 5 Esp
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet