You are on page 1of 21

Aralin 1- Mga Balita’t Impormasyon ay Unawain, Ating

Suriin

Layunin: Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan

ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan o

patalastas na nabasa o narinig.

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical

Thinking)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kwaderno, metacards, tsart,

video clips

Integrasyon: Media literacy/Art

Pamamaraan:

Alamin Natin:

1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang mag-ulat ng balitang

napakinggan sa radyo o telebisyon. Pag-usapan ang

balitang iniulat.

2. Iparinig sa mga mag-aaral ang kwentong “ Nakababahalang

Balita”. Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa

pakikinig.
3. Magtanong tungkol sa kwento.

4. Ipasagot sa mga bata ang sumusunod pang karagdagang

mga tanong:

a) Ano ang natutuhan mo sa balitang iyong narinig?

b) May pagkakataon bang hindi ka naniwala sa balitang

iyong narinig sa radio o telebisyon? Ipaliwanag.

c) Paano mo masasabi na ikaw ay naging mapanuri sa mga

balitang narinig mo sa radio o telebisyon? Ipaliwanag.

d) Naranasan mo na bang mali ang iyong pagkakaintindi sa

balitang iyong narinig? Magbigay ng halimbawa.

e) Kung ikaw ang bata sa kwento, ganun din ba ang

gagawin mo? Pangatwiranan.

5. Magbasa muli ng isang balita.


Lolo, 75, Biglang Milyonaryo

Labis ang kasiyahan nang isang 75-anyos na lolo


matapos na masikwat ang halos P22 milyong jackpot sa
lotto.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office


(PCSO) General Manager Ferdinand Rojas II, solong
napanalunan ng winner na taga-Quezon City, ang jackpot
ng 6/42 lotto na binola noong Abril 7.

Nakuha nito ang kumbinasyong 23-15-04-07-06-36


na may jackpot prize na P22, 612,748

6. Tanungin ang reaksyon ng mga bata ukol sa balita.

Pagbigayin sila ng kanilang opinyon tungkol dito.

Isagawa Natin

Makatutulong sa pagkilala ng mapanuring pag-iisip ang mga

Gawain sa Isagawa Natin.

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa pisara. Suriin

ang mga balitang nakasulat sa metacards. Tukuyin kung ito

ay positibong balita o negatibong balita. Ipadikit ito sa

tamang kolumn ng tsart na nakahanda sa pisara. Pag-

usapan ang mga sagot.


2. Hayaang matuklasan ng mag-aaral ang pagkakaiba ng

positibong balita at negatibong balita. Ipatukoy sa kanila

kung alin sa mga balita ang masasabing magandang balita

at alin ang mapanghamong balita. Pangatwiranan.

3. Patnubayan ang mga mag-aaral na maisagawa ang

Gawain 2 na

Panoorin at Suriin

Hayaan ang mga batang manood ng isang komersiyal

sa telebisyon ukol sa pagpaplano ng pamilya.

(Family Planning TVC 2014 halaw sa

https://youtube.com/watch?v=2pNWpojebjc)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Gamit ang

template na nasa Kagamitan ng Mag-aaral, ipatala sa mga

bata ang impormasyong kanilang napanood. Ipoproseso ito

kung ang kanilang napanood ay may positibo at negatibong

aspekto. Sa loob ng TV, isulat ang impormasyong inyong


napanood. Isulat sa kahong nasa kaliwa ang aral ng

programa at sa kanan ang hamon sa inyo nito.

4. Bigyan ang bawat pangkat ng tatlong minuto upang isagawa

ang Gawain.

Maaari itong maging interactive o sa pamamagitan ng

isang paggabay at pagkatuto. Sa bahaging ito, kailangang

magamit ang teoryang social-interactive learning.

Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay matututo sa

pamamagitan ng pagtatalakayan sa kanilang kapuwa mag-

aaral. Huwag kalimutang bigyan sila ng mga pamamaraan

kung papaano nila gagawin ang talakayan na hindi

makaiistorbo sa ibang pangkat.

Gawing magaan sa mag-aaral ang pag-uulat sa

unahan.

Isapuso Natin

1. Ipagawa ang Isapuso Natin.

2. Gagawa ang guro ng isang hugis puso. Dito ay ilalagay ng

mag-aaral ang kanilang sarili sa pamamagitan ng

pagkukulay ng bahagi ng puso kung anong antas ang


pagiging mapanuri nila bilang mag-aaral sa mga balita o

impormasyong narinig o nabasa.

3. Ipaskil ang natapos na Gawain. Pagbigayin ng mga papuri,

puna at reaksyon ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang

ginawa. Magkaroon ng talakayan.

4. Matapos ito, ipabigkas sa mga mag-aaral ang kawikaang

“May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.”

5. Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang

pakahulugan sa kawikaan.ng pagiging responsible sa

pakikinig at pagbabahagi ng mga balita

Bigyang diin ang kahalagahan ng pagiging responsible

sa pakikinig at pagbabahagi ng mga balita.

6. Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ang mga ito sa

mga mag-aaral ng may pang-unawa. Ipaliwanag ng

mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ng

mga mag-aaral.
Isabuhay Natin

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin.

2. Pag-iisipan ng mga mag-aaral ang mga tanong na ito:

1. Paano kaya natin dapat suriin ang mga impormasyon o

balitang ating napakinggan o nabasa?

2. Makaaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating

naihatid sa ating kapuwa?

3. Magpagawa ng poster tungkol sa temang “Balita ay suriin,

maliming basahin at unawain.”

4. Ipaskil ang mga natapos na gawain ng mga mag-aaral.

Bigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng

maayos at magandang poster.

Subukin Natin

1. Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin

Natin.

2. Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang Gawain,

muli itong iproseso. Mahalaga na maipakita nila ang

kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot.

Sagutin ang mga sumusunod:


 Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?

 Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot?

 Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?

Sabihing muli itong pagnilayan ng mga mag-aaral.

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin.

Pagawain sila ng “Bongga Clap”. Mahusay mong natapos

ang aralin. Ngayon ay handa ka na sa susunod na aralin.

Maaaring magtakda muli a making ng isang balita at

humanda sa pag-uulat.
Aralin 9

Mga Balita’t Impormasyon ay Unawain,

Ating Suriin

Naranasan mo na bang magkwento o magsabi ng mali o

kulang na impormasyon sa iyong kapuwa? Ano ang naging resulta

nito?

Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan kung matama nating

pakikinggan at susuriin ang mga balita’t impormasyong ating

nababasa o naririnig.

Ang pagpapahalaga sa katotohanan sa pamamagitan ng

masusing pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na

nabasa, mga programa sa telebisyon at napapanood sa internet

ay makatutulong sa wastong pagpapasya na makabubuti para sa

lahat.
Alamin Natin

Gawain 1

Suriin ang kwento.

Nakababahalang Balita

Isang umaga, pagkagaling ni Aling Lina sa palengke

ay kaagad siyang nagbasa ng mga balita sa dyaryo.

“Ayon sa report ng International Rice Research

Institute (IRRI), nasa P23 milyong halaga ng kanin ang

nasasayang sa Pilipinas araw-araw. Sa dami ng nasasayang

na kanin, maaari pang pakaiinin ang 4.3 milyong Pilipino na

nagugutom. Mas marami umanong nasasayang na kanin sa


Luzon kumpara sa Visayas at Mindanao. Sa mga restaurant

at fastfood ay mas lalo nang maraming naaksayang kanin.

Umano’y oorder ang customer nang sobrang kanin pero

hindi naman inuubos.”

Mula sa editorial na “Aksaya sa Kanin” ng Pilipino Star Ngayon,

January 26, 2014

Nabahala si Nanay Lina sa nabasang balita sa dyaryo.

Pagdating niya sa bahay ay ibinahagi niya ang nabasa sa

mga anak.

“Lubos akong nababahala mga anak. Sapagkat bilang

mga taga-Luzon kailangang makatulong tayo upang

masolusyunan ang isyung ito. Pihadong tataas na muli ang

presyo ng bigas ngayon lalo na’t may banta ng El Niño.” ang

sambit ng ina.

“Nakahihinayang na ganun pala kadami ang

nasasayang nating kanin, samantalang napakaraming mga

batang nagugutom.” Dagdag pa niya.


“Huwag kayong mag-alala inay, simula po ngayon ay

sisimulan na namin ni Zed na magtipid ng kanin. Kukuha na

lamang kami ng tamang dami at kaya naming ubusin.” sagot

na Gyrmo.

“Kuya, sabihan din natin ang ating mga kalaro na

huwag magsayang ng kanin, kukuha lamang tayo ng sapat

sa atin lalo na kapag nasa mga handaan.” dagdag ni Zed.

“Tama mga anak, dapat din nating pahalagahan ang

bawat butil ng bigas na meron tayo.” tugon ni Aling Lina sa

dalawang anak.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang natutuhan mo sa balitang iyong narinig?

2. May pagkakataon bang hindi ka naniwala sa balitang

iyong narinig sa radyo o telebisyon? Ipaliwanag.

3. Paano mo masasabi na ikaw ay naging mapanuri sa mga

balitang narinig mo sa radio o telebisyon? Ipaliwanag.

4. Naranasan mo na ba na mali ang iyong pagkakaintindi sa

balitang iyong narinig? Magbigay ng halimbawa.


5. Kung ikaw ang bata sa kwento, ganun din ba ang

gagawin mo? Pangatwiranan.

Gawain 2

Makinig sa balitang babasahin ng guro. Ibigay ang inyong

reaksyon o opinyon tungkol sa balitang inyong narinig.

Isagawa Natin

Gawain 1

Suriin ang mga balitang nakasulat sa metacards. Tukuyin

kung ito ay positibong balita o negatibong balita. Ipadikit ito sa

tamang kolumn ng tsart na nakahanda sa pisara.

Mga Makabagong Instrumento para sa Monitoring


ng mga Sakuna, Ibinigay ng Japan sa Pilipinas.

Ilang Kabataan, Huli sa Aktong Gumagamit ng


Ilegal na Droga: Isa Inaresto.

DENR: 5 Bagong Insidente ng Sunog sa Bundok,


Nangyari sa Albay; 20 Pamilya, Lumikas.
Bagong Warship ng PHL Navy na Binili sa
Amerika, Bumiyahe na Patungong Pilipinas.

Sundalo Patay, 8 Sugatan sa Bakbakan ng Militar


at Abu-SayYaf sa Basilan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Anu-ano ang mga balitang napili ninyo na masasabing

Positibong Balita? Negatibong Balita?


2. Alin sa mga balita ang masasabi ninyong magandang balita

at alin ang mapanghamon? Bakit?

Gawain 2

Panoorin at Suriin

Panoorin ang komersyal sa telebisyon tungkol sa

pagpaplano ng pamilya.

(Family Planning TVC 2014 halaw sa

https://youtube.com/watch?v=2pNWpojebjc)

Gawain 3

Pangkatang Gawain

Suriin ang komersyal na inyong napanood. Sa loob ng TV,

isulat ang impormasyong inyong napanood. Isulat sa kahong nasa

kaliwa ang aral ng programa at sa kanan ang hamon sa inyo nito.


Iulat at ipaliwanag ang inyong sagot.

Isapuso Natin

Ngayon alam mo na ang pagiging mapanuri sa mga

balita’t impormasyong nababasa at naririnig. Narito ang isang


puso, gaano kalaking bahagi ng puso ilalagay mo ang iyong sarili

sa pagiging mapanuri? Kulayan ito mula sa gitnang bahagi.

Unang bahagi – Hindi masuri nang maayos ang mga balita’t

impormasyong narinig o nabasa.

Dalawang bahagi – Medyo nasusuri ang mga balita’t

Impormasyong naririnig o nababasa.

Ikatlong bahagi – Nasusuri ang mga balita’t impormasyong narinig


o nabasa.

Buong puso – Nasusuri nang buong puso at pag-iisip ang mga

balita’t impormasyong naririnig o nababasa.

Basahin ang kawikaan:

“May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.”

Ipaliwanag kung anong pakahulugan ninyo sa kawikaan.

Tandaan Natin

Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig o nababasa ay


nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip tungo sa tamang
pagpapasya. Bawat isa ay may kanya-kanyang pananaw at
opinion sa mga balitang naririnig o nababasa. May mga balitang
nagbibigay ng wastong impormasyon upang lalong mapaunlad
ang kaalaman ng mga mambabasa at nakikinig.

Kapag nakikinig, kinakailangang ibuhos mo ang iyong


atensiyon sa inyong pinapakinggan. Sa unang paliwanag pa
lamang kailangang matukoy mo na kaagad ang paksang sinasabi
o tinatalakay.
Kailangang maging masiyasat din tayo sa mga bagay na
ating napapakinig o nababasa bago tayo sumang-ayon. Dapat
ding masuri natin ang mga impormasyon nang lubos para
mapagpasyahan nang buong pag-iisip ang ating mga desisyon.

Isabuhay Natin

Pag-isipan mo ang mga tanong na ito:

1. Paano kaya natin dapat suriin ang mga impormasyon o

balitang ating napakinggan o nabasa?

2. Makaaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating

naihatid sa ating kapuwa?

Gumawa ng isang simpleng poster tungkol sa temang

“Balita ay suriin, maliming basahin at unawain.”

Ipaskil ang mga natapos na gawain ng mga mag-aaral.

Bigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng

maayos at magandang poster.


Subukin Natin
Lagyan ng tsek ( / ) ang tamang kolumn ng iyong sagot sa

mga alituntunin sa pagiging mapanuring pag-iisip ng mga

impormasyong nababasa at naririnig.

Hindi Minsan Laging


Nagagawa Nagagawa Nagagawa
1. Naipapaliwanag ko
nang maayos at may
kumpletong detalye
ang balita tungkol sa
bagyo.
2. Nababasa ang isang
balita tungkol sa mga
kabataan sa Pilipinas.
3. Naikokompara ko ang
tama at mali sa aking
nabasa sa pahayagan.
4. Kaagad akong
naniniwala sa mga
balitang aking
napakinggan.
5. Sinusuri ko munang
mabuti ang
impormasyong aking
nakalap bago gumawa
ng pagpapasya.

Sagutin ang mga sumusunod:

 Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?

 Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot?

 Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?

Binabati ko kayo! Bigyan ang inyong sarili ng “Bongga


Clap”. Mahusay mong natapos ang aralin. Ngayon ay handa ka na
sa susunod na aralin.

Maaaring magtakda muli a making ng isang balita at humanda sa


pag-uulat.

Team
ESP
Inihanda nina:

ARSENIA R. CUETO
Teacher I
Bagong Silang Elementary School

Pinagtibay nina: VALENTINA G. JAVIER


Teacher I
NESTOR E. ALON Tulo I Elementary School
EPS 1 – Values

ROWENA T. ASI
Principal III

You might also like

  • W 7 LN
    W 7 LN
    Document5 pages
    W 7 LN
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Document5 pages
    Aralin 14 Espw 4 Day 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • LP Esp LM
    LP Esp LM
    Document176 pages
    LP Esp LM
    Maria Anna Gracia
    No ratings yet
  • Petsa
    Petsa
    Document5 pages
    Petsa
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Document8 pages
    Esp 5 DLP 2Q WK 13 Sept 3 8
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • esp-Q2-Week 4
    esp-Q2-Week 4
    Document23 pages
    esp-Q2-Week 4
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 4
    Week 4
    Document4 pages
    Week 4
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 3 A TG
    Aralin 3 A TG
    Document7 pages
    Aralin 3 A TG
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document5 pages
    Week 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 2
    Week 2
    Document6 pages
    Week 2
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Week 1
    Week 1
    Document7 pages
    Week 1
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 3
    Aralin 3
    Document7 pages
    Aralin 3
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet
  • Aralin 2 Lm..... Grade 5 Esp
    Aralin 2 Lm..... Grade 5 Esp
    Document17 pages
    Aralin 2 Lm..... Grade 5 Esp
    Jermee Christine Dela Luna
    No ratings yet