You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

EDUKASYON SA PAGPAKATAO 6

GRADE: VI QUARTER: 2 WEEK : 9 DAY: 1-5

COMPETENCY Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa.


:
ESP6P-IId-i-31
OBJECTIVES : Natutukoy ang paraan ng pagpapakita ng pagmamlasakit sa kapwa.
CONTENT Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao na may
:
kaakibat na paggalang at responsibilidad.
LEARNING Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pah. 46-51
RESOURCES Zenaida R. Ylarde; Gloria A. Peralta EdD
Edukasyon sa Pagpakatao 6 pah.100-107
Lizbeth C. Tan
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)
1. Pag-awit ng isang Action Song
2. Balik-aral – Ano ang leksyon natin kahapon?
3. Paano mo iwasan ang bullying?

B. Pagganyak: (Motivation)
1.Magpapakita ng mga larawan ng mga batang tumutulong sa kapwa
2. Pagtatanong tungkol sa larawan
3. Naranasan mo na bang tumulong sa kapwa? Anu-anoang inyong mga ginawa?
4. Bakit kayo tumutulong?
C. Paglalahad: (Presentation)
1.Pakikinig ng isang maikling kwento tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa
2.Pagsasagot sa mga tanong tungkol dito
D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)
1. Ipabasa ang maikling kwento, “Edukasyon sa Pagpapakatao 6 pah.100-101
2. Talakayin ang mga tanong sa pah.102 at ipasagot sa mga bata
3. Bakit kaya inuna niyang iligtas ang buhay ng ibang tao kayasa kanyang sarili?
4. Ano ang natutuhan mo sa binasang kwento?

E. Paghahasa (Exercises)
Sagutin ang Gawin ang Tama A at B sa Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 6 pah 50.

F. Paglalahat: (Generalization)
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay nagpapatibay ng pagsasamahan at
pagkakaibigan.
1.Ano ang kabutihang nadudulot ng paggalang sa suhestiyon ng kapwa?
2.Bakit mahalaga ang pagtulong at pagmalasakit sa kapwa?
G. Paglalapat (Application)
1.Naranasan mo narin bang makilahok sa pamimigay ng mga relief goods sa mga
nasalanta sa bagyo at lindol? Anu-ano ang inyong mga ipamigay?
2. Sa palagay ninyo, bakit kailanagan natin silang tulungan?

H. Pagtataya: (Evaluation)
A. Isulat ang inyong maging pasya sa bawat sitwasyon sa Suriin pah, 103-105
B. Piliin ang mga nararapat mong gawin upang maipadama mo ang
pagmalasakit sa iyong kapwa.
a.Pagtulong sa mga kababayan anuman ang relihiyon at pangkat
b. Pagpili sa mga taong dapat bigyan ng tulong
c. Paglahok sa mga programang tumutulong sa mga nangangailangan
d. Pagsasawalang bahala sa pangangailangan ng kapwa
e. Pagbibigay kasiyahan sa mga nangangailangan at kapus-palad
f. Pagbibigay tulong sa mga nagangailangan
g. Pagbingi-bingihan sa mga humingi ng tulong
h. Pagdama sa pangangailangan ng kapwa at pagtulong sa abot ng
makakaya

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Gumuhit ng larawan na iyong gagawin upang maipadama mo ang pagmamalasakit
sa iyong kapwa. Lagyan ito ng kapsiyon sa ibaba.

Inihanda ni:
EMILIA C. CONCHA
T-III/SIC Cantaongon ES
Loon North District

You might also like