You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN – BAITANG 9

Pamantayan sa Pagkatuto. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang


araw-araw na buhay.

I. Layunin

Pagkatapos ng 45 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nailalahad ang mga pamamaraan upang malabanan ang
kakapusan sa pamamagitan ng role-playing.
b. Nakapagmumungkahi pa ng mga ibang pamamaraan
upangmalabanan ang kakapusan sa pammagitan ng
conservation poster.
c. Nagpapakita ng kooperasyon sa pamamagitan ng
pangkatang gawain.

II. Nilalaman

Paksa: Mga Paraan upang Malabanan ang Kakapusan sa Pang araw-araw na


Pamumuhay.

Konsepto: Ang pagtukoy sa mga pamamaraan upang maiwasan ang kakapusan


sa pang araw-araw na pamumuhay at sa kinakaharap. Ang mga pamamaraan na ito ay
makakatulong hindi lang sa bawat indibidwal kundi para sa pangkalahatan. Ito ang
magbibigay solusyon sa mga suliranin tulad ng kakapusan upang mapababa ang mga
epekto nito.

Kahalagahan: Naisasabuhay ang pagtitipid sa mga likas na yaman na ating


pinagkukunan ng ating kabuhayan upang maiwasan ang kakapusan sa pang araw-araw
na pamumuhay at sa hinaharap. Bukod pa rito, maipapakita nila ang kahalagahan ng
pag-aaral ng araling ito at maisasabuhay sa pang araw-araw nilang pamumuhay na
kinakailangang isa alang-alang ang mga ito para sa seguridad ng hinaharap at mga
susunod na henerasyon.

Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum AP9MKE-Ia-1, EASE IV Modyul 1,


AP9MKE-Ia-2, Ekonomiks (Batayang Aklat) IV. 2000. pp. 15- 16.

Kagamitan: Manila paper, Laptop, Projector

III. Pamamaraan

A. Gawain sa Silid-aralan
B. Panglinang na Gawain

1. Pagbabalik–Aral

a. Ano ang paksang ating tinalakay kahapon?

b. Bakit nasasabing isang suliranin ang pagkakaroon ng


kakapusan?

2. Pagganyak

Picture Analysis

Ang mga mag-aaral ay inaatasang magbigay ng kanilang


sariling interpretatsyon mula sa larawan na nasa itaas. Ang
mga sumusunod ay pamprosesong tanong upang maging
gabay ng mga bata sa kanilang analysis.
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Ano ang ipinahihiwatig nito?
3. Bakit ito nagaganap?
4. Sa tingin mo ay may solusyon pa ang suliranin na ito?

C. Pagsusuri
1. Bakit maituturing na isang suliraning panlipunan ang
kakapusan?
2. Bakit nakakaranas ng kakapusan ang isang indibidwal?
3. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga pamamaraan upang
malabanan ang kakapusan sa pang araw-araw na
pamumuhay?
D. Paglalahad (Inductive Method)

1. Paglalahad sa Klase
2. Finding ways
1.1 Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa apat.
Bawat grupo ay may kanya kanyang aktibidad
na kanilang gagawin.
1.2 Bawat pangkat ay bibigyan ng isang papel
nanaglalaman ng topic na kanilang napili. Bawat
pangkat ay bibigyan ng 10 minuto para sa
pagdiskusyon sa mga artikulo/pahayag.
1.3 Pagkatapos ng 10 minuto ay bibigyan ng 3
minuto ang bawat lider o representaives ng
pagkat upang i presenta ito sa harapan.

Gabay sa paggawa ng aktibidad

1. Basahing mabuti ang kontekstong


nasa isang pirasong papel na
ibinigay ng iyong guro.
2. Tukuyin ang mga pamamamaraan
upang maiwasan ang kakapusan sa
pang araw-araw na pamumuuhay.
3. Ilagay ang mga ito sa smart art.

1.

E. Pagtatalakay (Inductive Method)


1. Video Presentation
1.1 Ang mga mag-aaral ay hihikayating manood ng
isang video presentation tungkol sa mga
pamamaraan upang maiwasan ang kakapusan
sa pang-araw araw na pamumuhay.
1.2 Ang mga mag-aaral ay pangkatin sa tatlo.
1.3 Gagawain ang aktibidad na “EFFECTIVE
DETECTIVE”
1.4 Tutukuyin nila kung ano ang mga pamamaraan
upang maiwasan ang kakapusan sa pang araw-
araw na pamumuhay na naipakita sa video
presentation.
1.5 Pagkatapos ay talakayin ang mga ito sa
pamamagitan ng graphic organizer na ibibigay
ng guro.
1.6 Ang mga bata ay bibigyan ng 10 minuto para
paghandaan ang kanilang presentation.

F. Pagpapahalaga/Paglalahat: SWAT-ME-UP-FROM-THE-MYSTERY-
BOX!
Sa susunod na gawain ay ibibigay ng guro ang
mystery box na may laman na mga katanungan.
Magpapatug-tog ang guro ng kanta habang pinapasa
ng mga mag-aaral ang mystery box sa kanilang
katabi. Ihihinto ng guro ang kanta na hindi
ipapahakata sa mga bata. Kung sino ang nakahawak
sa mystery box, ay kailangang bumunit ng isang
papel at sagutan ang nakapaloob na tanong. Uulitin
ang proseso hanggang maubos ang mga tanong sa
loob ng mystery box.

Gaby na mga tanong: Art of Questioning


1.1 Sa inyong sariling salita, ano-ano ang mga
pamamaraan upang maiwasan ang
kakapusan sa pang-araw araw na
pamumuhay?
1.2 Paano ito nakakatulong para sa suliraning
bigay ng kakapusan sa ating buhay?
1.3 Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang pagtitipid para maiwasan
ang kakapusan?
1.4 Bukod sa mga nabanggit na talakayan, ano-
ano pa ang maaaring maging pamamaraan
upang maiwasan ang kakapusan ngyon at sa
hinaharap?
1.5 Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga
pamamaraan upang maiwasan ang
kakapusan sa pang araw-araw na
pamumuhay?
G. Paglalapat: Conservation Poster
1. Ang susunod na aktibiad ay tinatawa na
"Conservation Poster" na kung saaan ipamamalas ng
mga mag-aaral ang kanilang pagiging artistic at
creative.
1.1 Hahatiin ang klase sa 3 na pangkat.
1.2 Bawat pangkat ay inaatasang gumawa ng
POSTER na nagpapakita ng konserbasyon
sa mga yamang likas atmga paraan kung
paano mapapamahalaan ang kakapusan.
1.3 Bawat pangkat ay magkakapareho ang
paksa na kanilang gagawan ng conservation
poster.
1.4 Bibigyan lamang ng 10 minuto ang bawat
pangkat upang makabuo ng ideya at
makagawa ng POSTER.
1.5 Matapos ang 10 minuto, bibigyan lamang ng
3 minuto ang bawat pangkat upang ilahad
ang kanilang nagawang POSTER MAKING.

IV. Ebalwasyon : REACT-ON-ME


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng ( ♡) kung ang
pangngusap ay nagpapakita ng wastong pamamaraan upang maiwasan ang
kakapusan sa pang araw-araw na pamumuhay at (†) kung hindi.
1. Pag-una sa pagbili/paggastos ng kagustuhan kaysa sa pangunahing
pangangailangan sa buhay.
2. Maaksayang paggamit ng pinagkukunang yaman.
3. Paglalakad kaysa pagsakay ng pampasaherong sasakyan kung malapit lang ang
puputahan.
4. Pag-aasawa ng maaga at pagkakaroon ng anak na marami.
5. Laging pag patay ng mga ilaw at iab pang appliances upang makatipid sa kuryente.

Tamang sagot:

1. ♡
2. †
3. ♡
4. †
5. ♡

Inihanda ni:

Animo, Rhexzel Louise L.

You might also like