You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN – GRADE 4

Pamantayan sa Pagkatuto. Nasusuri ang kahalagahan ng matalinong pagpapasya sa


pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.
I. Layunin
Pagkatapos ng 45-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nasusuri ang mga napapanahong isyung kinakaharap ng mga


yamang likas ng bansa sa pamamagitan ng “Fly News Present”;
b. nabibigyang-diin ang implikasyon ng isyung kinakaharap ng mga
yamang likas ng bansa sa pamamagitan ng “Tool Box Diagram
Analysis”; at
c. nakagagawa ng mga simpleng hakbang na nagpapakita ng
pagpapahalaga at pangangalaga sa yamang likas sa pamamagitan
ng “Imaginary Chart Zone”.

II. Nilalaman

Paksa: Kahalagahan at Pangangalaga sa Likas Yaman

Konsepto: Ang pagbibigay halaga at pangangalaga sa likas yaman o tinutukoy


sa ekonomika bilang yamang lupa, lupain o hilaw na materyal ay likas na
nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao,
sa isang likas na anyo. Kadalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman
sa laki ng kaibahan ng biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema.

Kahalagahan: Ang pagbibigay halaga at pangangalaga sa likas yaman na


pinagkukunan at pinanggagalingan ng mga pangunahing pangangailangan ng
tao ay isang pangunahing tungkulin ng tao upang mapa-unlad at maipreserba
ang mga ito maayos na pamamaraan tulad ng mga pagkain, paggawa ng
tirahan, mga kasuotan at mga kagamitan sa pang-araw araw na pamumuhay.

Sanggunian: Blando, R. et. al (2014) Araling Panlipunan, Vibal Publishing


House, Inc. Araneta Avenue, Quezon City pahina 78-84; AP4LKE-IIb-d-3

Kagamitan: Eroplano, cartolina, larawan, manila paper, marker, laptop, at


projector

III. Pamamaraan

A. Gawain sa Silid-aralan (Panalangin, Pagliban, Pagpulot sa kalat, at


Pagbati)
B. Panglinang na Gawain
1. Pagbabalik–Aral
1.1 Ano ang tinalakay natin kahapon?
1.2 Ano-ano ang mga halimbawa ng likas na
yaman?

2. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng isang larawan na may
kaugnayan sa Likas na Yaman. Magtatanong ang
guro sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang
napapansin sa larawan na ipinakita na nakabitay sa
tali.

C. Pagsusuri

1. Ano ang epektong maidudulot kung hindi natin bibigyan ng


pansin ang mga likas na yaman ng bansa?
2. Ano kaya ang kahalagan ng Yamang Likas ng bansa sa atin
bilang isang mamamayan?
D. Paglalahad (Inductive Method)

1. Paglalahad ng paksa sa klase.


2. Refresher Orb Tool
2.1 Hahatiin ang klase sa tatlong grupo.
2.2 Bawat grupo ay may isang representante na
kukuha sa refresher orb tool na magsisilbing
daan upang gamutin ang kanyang mga
kasama gamit ang Eroplano;
2.3 Bawat mag-aaral ay pansamantalang isang
“Zombie” sa loob lamang ng 2-minuto;
2.4 Ang refresher orb tool na galing sa Eroplano ay
magsisilbing isang daan upang gumaling ang
kanyang mga kasama at maging normal ito na
may kasamang artikulo sa “Kahalagahan at
Pangangalaga sa Likas na Yaman”;
2.5 Bibigyan lamang ng 10-minuto ang bawat
pangkat upang magkaroon ng diskusyon.
2.6 Pagkatapos ang 10-minuto, bibigyan lamang
ng 3 minuto ang bawat grupo upang ilahad ang
kanilang nasaksihan ayon sa dokumentong
nakuha nila sa pamamagitan ng information
graph board.

E. Pagtatalakay (Inductive Method) Fly News Present

1. Sa oras na ito magkakaroon ng field trip ang buong klase sa


pamamagitan ng Fly News Present. Gagawin ito gamit ang
eroplano at ito ay pupunta sa lahat ng pangkat. Bawat pangkat na
mahintuan ng eroplano ay magtatalakay sa kanilang ginawa na
information graph board. Sa pamamagitan nito ay matatalakay nila
ang lahat ng impormasyon tungkol sa “Kahalagahan at
Pangangalaga sa Likas na Yaman”.

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3

G1: illegal Logging G2: Deforestation G3: Paggamit ng Dinamita

NOON NGAYON NOON NGAYON NOON NGAYON

_____ _________ _____ _________ _____ _________

_____ _________ _____ _________ _____ _________

_____ _________ _____ _________ _____ _________

F. Pagpapahalaga/Paglalahat: Tool Box Diagram Analysis

1. Sa susunod na gawain ay gagamitan ng “Tool Box Diagram


Analysis” ng Eroplano na kung saan sa loob nito ay may mga
katanungan nakalaan. Ang mga katanungang ito ay gagamitin
upang mabigyan ng diin at importansya ang mga impormasyon
tungkol sa kahalagahan at pangangalaga sa likas na yaman.

Gabay na katanungan: (Art of questioning)


1.1 Ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit maraming
pangkat ng tao ang naghahangad na makontrol ang mga
likas na yaman?
1.2 Paano nabuo at umunlad ang sistemang gawaing
patungkol sa mga likas na yaman na ginagamit ng tao?
1.3 Paano nakaimpluwensya ang mga ito sa pag-usbong ng
lipunan?
1.4 Bakit nakakatulong ang mga ito sa pag-usbong ng
lipunan?

G. Paglalapat (Imaginary Chart zone)

1. Sa susunod na gawain ay gagamitan ng “Imaginary Chart Zone”


ng Eroplano na kung saan sa loob nito ay may mga katanungan
nakalaan. Ang mga katanungang ito ay gagamitin upang mabigyan
ng mga simpleng hakbang na nagpapakita ng pagbibigay
kahalagahan at pangangalaga sa likas na yaman.

1.1 Sa salitang “Likas na Yaman”, may implikasyon ba talaga ito


sa ating pamumuhay? Paano?
1.2 Bilang isang indibidwal, paano mo bibigyan ng halaga at
pangangalaga ang ating likas na yaman?
1.3 BIlang isang mag-aaral, ano ang iyong simpleng hakbang sa
sarili at sa komunidad upang makatulong para labanan ang
maaring mangyari sa yamang likas pagdating ng panahon o
bagong henerasyon.

SARILI KOMUNIDAD
1. Magitipid ng papel. Gamitin sa tamang paraan. 1. Maging masunurin sa mga patakaran ng
lokalidad sa mga punong kahoy dahilan sa
2. Magtanim ng puno. Pangalagaan ang sariling
gawaing panggatong.
kapaligiran tulad (sa tahanan, paaralan, at sa buong
komunidad). 2. Tree planting Activity (school-associated).
IV. Ebalwasyon

Panuto: Kumuha ng ½ intermediate paper at sagutin ang mga nakapaloob na


mga katanungan.

Q1: Magbigay ng mga halibawa ng Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman ng Bansang


Pilipinas.

a.________________________________________

b. ________________________________________

c. ________________________________________

Q2: Magbigay ng tatlong uri ng pagkasira ng kapaligiran na dulot ng kalikasan.

a.________________________________________

b. ________________________________________

c. ________________________________________

Q3: Magbigay ng tatlong uri ng pagkasira ng kapaligiran na dulot ng tao.

a.________________________________________

b. ________________________________________

c. ________________________________________

V. Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik ng ibang napapanahong pamumuhay na nangyayari sa


ating mamamayn dito sa pilipinas. Ibigay ang impormasyon at larawan na
nakapaloob nito.

Inihanda ni:

Cedar Jan G. Agua

You might also like