You are on page 1of 5

Grade Three School Tacurong Pilot Elementary Grade Level Three

Detailed School
Lesson Plan
Teacher GRETCHEN ROSE L. BILLANES Learning Area Science

Teaching September 27, 2019 Quarter 1st


Date and
Time 1:50-2:40

I. Mga Layunin
A. Pamantayang Naipapamalas ang pag-unawa sa rehiyon bilang konseptong
Pangnilalaman heograpikal mapahalagahan ang sariling rehiyon gamit ang mapa at
iba pang kasanayan pangheograpiya

B. Pamantayan sa Nagagamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal sa


Pagganap pagpapanukala ng mga solusyon sa pangunahing problema o isyung
pangkapaligiran ng sariling pamayanan bilang isang rehiyon.

C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang matalino at di matalinong mga paraang pangangasiwa


Pagkatuto ng likas na yaman
AP3LAR-Ii-13

II. Nilalaman Matalino at Di-Matalinong Pangangasiwa ng Likas na Yaman sa


Sariling Lalawigan at Rehiyon
Values: Pagpapahalaga sa mga bagay na nilikha ng Diyos

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Patnubay ng Guro pp.
2. Kagamitan ng
pp. 81-86
Mag-aaral
B. Iba pang
Larawan, LED tv, laptop, tsart, video
kagamitang panturo
IV. Pamamaraan
A. Balik-Aral Pag-aralan at sagutan ang “Magic Square Chart”
Sabihin ang mga naiisip mo sa bawat isang parisukat.

Kapaligiran

Mga tao sa kapaligiran Sikat ng araw at malinis na


hangin

Lugar kung Saan


ka Nakatira
LuL

Ilog, lawa, burol, bundok Pagkain, halaman at mga


hayop

B. Paghahabi sa Gawain: “Bilog ang Mundo”


Layunin ng aralin Tingnan ang larawan ng Earth. Ano-anong kulay ang iyong
nakikita?
Itanong:
 Ano ang nasa kulay berde?
 Ano naman ang nasa kulay puti?
 Alin ang mas malaking bahagi?
 Ilang bahagi ang kulay berde? Ilang bahagi naman ang
kulay puti? (Math/Numeracy Integration)
 Paano natin maipapakita ang pangangalaga sa ating likas
na yaman?
C. Pag-uugnay ng mga Magpakita ng video tungkol sa matalino at di-matalinong
Halimbawa sa pangangasiwa ng mga likas na yaman.
Bagong Aralin https://youtu.be/X2GXfN_y9ys (ICT Integration)
Itanong:
 Ano-anong anyong tubig at anyong lupa ang inyong
napanood?
 Saan ito matatagpuan?
 Ilarawan ang mga anyong tubig at anyong lupa na nabanggit.
 Ano ang mangyayari kung hindi mapangasiwaan ng wasto ang
likas na yaman sa ating rehiyon?
 Paano mapapangasiwaan ng maayos ang mga anyong tubig
at anyong lupa?
D. Pagtalakay ng Magbibigay ang guro ng larawan ng mga likas na yaman na
Bagong Konsepto at nagpapakita ng matalino at di-matalinong pangangasiwa.
Paglalahat ng Bagong
Kasanayan #1

 Sino ang makakagawa ng pangungusap tungkol sa mga


larawan? (Literacy Integration)
 Ano-ano ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa likas na
yaman sa ating rehiyon?
 Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa likas na yaman
sa ating rehiyon?
E. Pagtatalakay ng Pangkatang Gawain:
Bagong Konsepto at
Paglalahad ng 1. Papangkatin ng guro sa tigtatatlong grupo ang klase.
Bagong Konsepto #2 2. Bawat pangkat ay mamimili ng isang tagapagsulat at tagapag-ulat.
3. Susuriin ng guro ang ginawa ng bawat pangkat.

Basahin sa klase ang mga Panuntunan na dapat tandaan sa


paggawa.

1.Gumawa nang maayos at tahimik.Iwasan ang pag-iingay.


2.Iwasan ang paglipat-lipat sa ibang pangkat.
3.Iwasan ang pag-aaksaya ng gamit.
4. Panatilihing malinis ang gawain.
5.Kapag tapos na ang gawain,iligpit ang mga kagamitan at linisin ang
lugar.
(ESP integration)
Pangkat I: “Likas na Yaman ay Makulay”

Kulayan at lagyan ng thumbs up ( ) ang larawan kung ito ay


nagpapakita ng matalinong kaisipan at thumbs down ( )kung hindi.
Ilarawan ang bawat isa.

 Ano ang masasabi ninyo sa bawat larawan?


 Bakit dapat nating alagaan ang ating likas na yaman?

Pangkat II: “Ang Tatlong R,s”


Magpapakita ng maikling dula-dulaan ang mga bata sa pangkat II.

Magandang araw mga bata. Ngayong araw ay pag-aaralan natin


ang tatlong Rs. Ito ay Reduce, Reuse, at Recycle. Ito ay nakakatulong
sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman.

Itanong:

 Ano ang tatlong paraan na nakakatulong sa pangangasiwa ng


likas na yaman?
 Paano nakatutulong ang tatlong Rs sa ating likas na yaman?
 Paano natin mapapakinabangan ang mga patapong bagay?
Pangkat III: ”Puno ng Buhay”
Punan ang tree map ng wastong impormasyon na hinihingi ng
sitwasyon.

Matalinong Di-Matalinong
Pangangasiwa Pangangasiwa
ng Likas na ng Likas na
Yaman Yaman

Itanong:
 Ano-ano ang matalinong pangangasiwa ng kalikasan?
 Ano naman ang di-matalinong pangangasiwa?
 Idikit sa pisara ang mga ginawa ng bawat grupo.
 Iuulat ng napiling tagapag-ulat ang kanilang gawa.
 Suriin ang mga natapos na gawain ng bawat grupo.

Masaya ba kayo sa ating ginawa? Kung kayo ay masaya, pumunta
dito sa harapan ang 3 lider.

Bigyan ng apat na masayang mukha ang


pangkat na nakuha lahat ng tamang sagot.
Bigyan ng tatlong masayang mukha ang pangkat
na nakakuha 3-4 na tamang sagot.
Bigyan ng dalawang masayang mukha ang
pangkat na nakakuha 2-1 na tamang sagot.

F. Panlinang sa Basahin ang tula ng may damdamin upang maipakita ang


Kabihasaan pagpapahalaga sa likas na yaman

Likas na Yaman-Saan Ka Patungo?

Nakita ng buwan itong pagkasira,


Mundo’t kalisakasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol na, sa kabundukan,
Ang tubig – marumi, sa karagatan.

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman,
Namatay sa lason saka naglutangan,
Basurang marami ang siyang dahilan!

Ang tao rin itong may kasalanan,


Sa mga nasirang likas na yaman,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!

G. Paglalapat ng Aralin Masdan ang mga larawan. Lagyan ng tsek ang matalinong
sa Pang-araw-araw pangangasiwa at ekis naman sa di-matalinong pangangasiwa ng
na Buhay likas na yaman.

Ano-ano ang mga magagandang bagay ang inyong makikita sa


paligid?
Sino ang may likha ng lahat ng bagay na nakikita natin
Paano mo pahalagahan ang mga nilikha ng Diyos?
(Values integration)
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang matalino at di-matalinong pangangasiwa ng likas na yaman
sa ating lalawigan o rehiyon?
Paano natin maiwasan na masira ang ating mga likas na yaman?

I. Pagtataya ng Aralin Alin sa mga sumusunod ang matalino at di-matalinong


pangangasiwa ng mga likas na yaman?

Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa mga patlang kung ito ay


matalinong pangangasiwa at malungkot na mukha ( )kung ito
ay di-matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman.

____________1. Ang mga bata sa Ikatlong baitang ay nagtatanim ng


mga punong-kahoy.
____________2. Ang mga nakatira malapit sa ilog ay nagtatapon ng
mga basura kahit saan.
____________3. Pinuputol ang mga malalaking puno upang gawing
troso.
____________4. Ang paggamit ng tatlong Rs upang mapakinabangan
ang mga patapong bagay.
____________5. Pagpapanatiling malinis ang mga ilog, sapa, at dagat.

J. Karagdagan Gawain Magtala ng limang halimbawa ng mga likas na yaman na


para sa Takdang- matatagpuan sa Sultan Kudarat at kung paano ito pinangangasiwaan
Aralin upang hindi masira.

Prepared by:

GRETCHEN ROSE L. BILLANES, T-II

Checked:

JOCELYN C. BARROQUILLO, MT-I

You might also like