Taun-taon kaming lahat na mag-anak ay nagbabakasyon sa Bohol, Philippines, lugar
na pinagmulan ng aming ama’t ina. Naging tradisyon na ito ng aming pamilya. Kahit na mahirap ang panahon ay humahanap ng paraan ang aking mga magulang upang makapunta lamang sa lugar ng kanilang sinilanganan. Nakasanayan na din namin ito, dahil sa tuwing pista kami umuuwi sa Bohol. Tunay nga’t napakasayang masaksihan ang pagdiriwang ng mga boholano’t boholano sa kanilang pista dahil bawat barangay ng Bohol ay kaugnay lamang ang petsa na pagdiriwang ng pista. Isang buwan nagdiriwang ang Bohol ng pista na nahahati ng petsa para sa mga barangay na kabilang dito. Naging daan din ang pagbabakasyon namin sa Bohol upang makilala namin ang aming mga pinsan at kamag-anak doon, dahil kaming magkakapatid ay dito lang isinilang sa Misamis Oriental. Kaya’t ito lang ang naging paraan upang mapalapit kami sa aming kamag-anak doon. Naging daan din ito upang makapagpahinga kami at masaksihan ang kagandahan ng Bohol, pumupunta kami sa mga patok na lugar sa Bohol. Pero noong 2020 ay nalungkot kaming lahit kasi maliban sa hindi kami nakapag- bakasyon sa Bohol, ay naging taon din ito ng pandemya at mga kalamidad sa bansa at sa boung mundo. Nang matapos na ang buwan ng mayo sa taong ito ay hindi talaga namin naramdaman ang kasayahang nasaksihan namin noong nagdaang taon. Dahil pinasarado lahat ng biyaheng pandagat at himpapawid sa lahat ng lugar sa Pilipinas para hindi na lumaganap ang sakit sa bansa. Hindi rin nagawang magdiwang ng pista ang mga boholano’t boholana dahil mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad at gobyerno ang pagtitipon tipon ng mga tao. Masaya ako sa naging tradisyon naming mag-anak, dahil nakakapiling at nakikita ko ang aking lola’t lolo. Nakakalungkot lamang mabalitaan na pagkauwi namin dito sa Misamis Oriental ay nawalan na ng buhay ang aking lolo, para bang hinintay niya lamang kami para makita niya sa huling pagkakataon. At ngayon naman mas nalungkot ako at ang aking pamilya dahil si lola ay nagkakasakit na at hindi na makatayo. Sobrang pagkalugmok talaga ang ipinadanas ang taon na ito sa akin at kahit na sino man. Masakit man isipin ang mga pangyayari sa taong 2020. Ngunit patuloy parin ang buhay. Baka sa ngayon at sa susunod pa na mga taon ay masasaksihan na natin ang ating hinahangad na kalayaan mula sa pandemya at iba pang pagsubok na dulot ng taong 2020. Patuloy parin ang buhay, mababalik rin sa dati ang lahat. At nawa’y hindi na natin aabusuhin ang ating kalikasan. Nang makapagbakasyon na tayong lahat sa gusto na nating lugar at magawa na ang mga bagay na gusto nating gawin.