You are on page 1of 2

“Ang pangangailangan ng mga bulaklak”

Isinulat ni: Bb. Jenelyn B. Licot

Magandang araw mga binibini at ginoo, ako’y nagpapasalamat dahil naglaan kayo ng
oras sa panonood ng aking nagawang bidyu para sa aking talumpati na pinamagatang
“Ang pangangailangan ng mga bulaklak”. Batid kung sa pamagat palang ay alam niyo
na kung ano ang nilalaman ng aking talumpati, pero bago ko ito sisimulan ay ipapakilala
ko muna ang aking sarili ako nga pala si Bb. Jenelyn B. Licot ang inyung
mananalumpati, nag-aaral sa kursong Bachelor of Secondary Education major in
Filipino. Ang talumpating ito ay hindi lamang nakatuon sa kung paano mag-alaga ng
bulaklak bagkus iniugnay ko ito sa reyalidad o totoong buhay, kaya’t sisimulan ko na
ang aking talumpati.

Ang mga bulaklak ang isa sa mga nagbibigay ng kulay at buhay sa ating mga tao, para
sa akin ay hindi makukumpleto ang isang bahay kung walang bulaklak na makikita na
itinanim dito. Hindi lang atraksyon ang naibibigay ng mga makukulay na bulaklak sa
atin, kung hindi nagbibigay rin ito ng kaluwagan ng ating isipan mula sa mga problema
na ating kinakaharap araw-araw sa tuwing pinagmamasdan natin ang mga ito. Pero
paano nga ba mag-alaga ng mga bulaklak? gaya nating mga tao kinakailangan din ng
mga bulaklak ng taong mag-aalaga sa kanila, hindi sila mabubuhay na sila lang dahil
kailangan nila ng taong hindi lang pag-aalaga ang maibibigay kung hindi pagmamahal
rin. Ang mga pangunahing kinakailangan upang mabuhay ang bulaklak ay una tubig,
init ng araw, lupa at pataba, pero hindi basta bastang mag-alaga ng bulaklak, bago
nating simulang magtanim ng iba’t ibang uri ng bulaklak ay kinakailangan muna nating
pag-aralan ang bawat isa sa mga ito dahil may kanya kanya silang pangangailangan at
paraan kung paano alagaan, may mga bulaklak na kinakailangan binyagan ng tubig
araw-araw kagaya nitong bulaklak na tinatawag sa pangalang “Pitonia”, kinakailan
talaga nitong mabinyagan ng tubig araw-araw kasi kung hindi ay malalanta agad ito.
Pero ito namang bulaklak na tinatawag sa pangalang “Cactus” okay lang na
mabinyagan mo ng dalawa hanggang tatlong araw sa isang linggo kasi kaya nitong
mabuhay ng mahaba ng hindi nabibinyagan araw-araw, ito ang klasi sa mga bulaklak
na nabubuhay sa disyerto o sa mga maiinit na lugar. Bakit nga ba kinakailangan ng
mga bulaklak ang init ng araw? gaya nating mga tao hindi tayo magkakaroon ng sigla
sa ating pangangatawan kung hindi tayo nagpapakita sa init ng araw o walang araw na
nagpapakita sa araw-araw nating buhay, makikita natin ito sa mga taong nakatira sa
malalamig na lugar makikita natin ang kaputlaan ng kanilang labi at kutis dahil walang
araw na nagpapakita sa kanilang lugar, makukumpara din natin na mas masisigla ang
mga taong nakakaranas ng init ng araw kaysa sa kanila. Ganyan din ang mga bulaklak
ang init ng araw ang isa sa nagbibigay sa kanila ng kasiglahan at buhay, kaya
kailangan natin silang ilagay sa lugar na makikita ng init ng araw upang mas magbunga
talaga sila ng mga masisigla at makukulay na mga bulaklak, at syempre kinakailangan
ng mga bulaklak ang lupa gaya natin kung wala ang ating mga magulang na siyang
gumawa at nagluwal sa atin sa mundong ito ay wala rin tayo mabubuhay kaya ang lupa
ang nagsisilbing magulang ng mga bulaklak dahil dito natin sila itinatanim at ito ang
nagsisilbing sandalan nila para mabuhay. Pero bakit nga ba kinakailangan ng pataba
ang mga bulaklak? Bakit hindi pwedeng lupa, tubig at init lang? maiiugnay ko rin ito sa
atin bilang tao hindi tayo mabubuhay ng malusog at masigla ang pag-iisip at
pangangatawan kung tanging tubig, pagkain, init ng araw at hangin lang ang mayroon
tayo kinakailangan din natin ng ehersisyo, pagmamahal at pag-aalaga mula sa mahal
natin sa buhay, kung hindi tayo nag-eehersisyo ay magiging mataba o patpatin at
walang kasigla-sigla ang ating pangangatawan, kung wala ding pagmamahal at pag-
aalaga na nararanasan at nararamdaman natin sa kapwa natin ay wala ring
kasiglahang makikita sa ating mata, kaya oo kinakailangan talaga ng pataba ang mga
bulaklak para tumubo silang malusog, mataba at makukulay na mga bulaklak. Iyan
lamang ang aking masasabi sa kung paano mag-alaga ng mga bulaklak muli maraming
salamat sa panonood at pakikinig ng aking nagawang talumpati ako nga pala si Bb.
Jenelyn B. Licot ang inyong mananalumpati.

You might also like