You are on page 1of 3

JENELYN B.

LICOT
BSED FILIPINO- 3A
PHOTO ESSAY

“DAKILA”

Hindi
paman tayo naisilang ay kapakanan na natin ang kanilang inaalala. Mula sa pag-aalaga
sa kanilang sarili upang ang buhay na kanilang dala-dala sa kanilang sinapupunan ay
magkaroon ng malusog at saganang pangangatawan at pag-iisip. Tunay na dakila ang
kanilang pagmamahal magkulang man sa sarili huwag lang sa kanilang minamahal na
anak at pamilya. Ang tinutukoy ko sa simula palang ay ang ating dakilang ina na siyang
nagluwal at nagbigay ng buhay sa ating lahat. Buhay na kanilang minahal, inalagaan at
inaruga.
Masasabi kung isa ako sa mga maswerteng nilalang na nabubuhay sa mundo dahil
nagkaroon ako nang mapag-alaga at mapagmahal na ina. Damang dama ko ang
kanyang pag-aalala at pag-aalaga tuwing nagkasakit at napabayaan ko ang aking sarili.
Kitang-kita ko ang pagod at puyat na kanyang kinakaharap araw-araw magampanan
lamang ang responsibilidad bilang isang ina.

Ang luto ng ating ina ang pinakamasarap sa lahat. Mayroon mang mga pagkain sa
mamahaling restawrant na ating mabibili, ngunit hindi nito matutumbasan ang sekretong
rekados ng ating ina. Bawat lutong kanilang hinahanda ay sinasamahan nila ito ng
pagmamahal na siyang dahilan kung bakit talagang hinahanap-hanap natin ang
kanilang sekretong timpla na sila lang din naman ang nakaka-alam.
Ang aking ina ay tunay na dakila hindi man niya kami nabigyan ng magagara at
mamahaling bagay sa mundo ngunit binigyan niya kami ng isang tahanan na sabik
naming uwian sa tuwing kami ay nasa eskwelahan, trabaho o iba pang lakad malayo sa
aming tirahan.

Ang galit sa kanyang mukha at di kaaya-ayang nabibigkas ng kanyang bigbig sa tuwing


kami ay nagkasala at nakagawa ng mga bagay na hindi dapat gawin ay isang
palatandaan na mahal niya kami. Sa bawat palo sa pwet at kusot sa tainga at pisnge sa
atin ay siya ring konsensya sa kanilang dibdib dahil nasaktan nila ang sarili nilang
laman, pero bilang anak nila ay dapat din nating maging sensitibo at maingat minsan sa
mga desisyon na gagawin natin para hindi tayo ang maging dahilan ng pagpatak ng
luha nang panghihinayang ng ating ina.

Kung totoo man ang reincarnation ang ina ko parin ang gusto kong maging mama sa
susunod na buhay ko.

You might also like