You are on page 1of 1

Abril 2, 2021

“Good Friday”
Medyo mahaba-haba ang araw na ito kumpara sa mga normal na araw sa aking
buhay. Birnes Santo ngayon at naalala ko pupunta pala ako ng simbahan. 7:00 AM na
ng ako’y magising, dali-dali akong bumangon at bumaba ng bahay para makapaghanda
papuntang simbahan, 9 AM kasi ang oras ng pagkukumpisal ngayon. Mabuti nalang din
kahit na hindi ako nakahingi ng pahintulot sa aking ina kagabi at hindi na nakapaglinis
ng aming bakuran kasi tanghali na nang akoy magising ay hindi nagalit ang aking ina,
bagkos sinabihan niya pa ako na mag-agahan muna bago aalis. Maaga kasi gumising
si mama kasi mayroon kaming munting tindahan at sa paghahanda na rin ng aming
agahan. Mga bandang 9:15 AM ay nakarating na ako sa simbahan at saktong sakto
hindi pa ganoon karami ang mga tao, nakita ko ang aking dalawang kakilala na kasama
ko rin sa organisasyon sa simbahan na si Hannah na kaklase ko at si Anna Marie.
Pagkatapos ng pagkukumpisal namin ay umuna na ako sa pag-uwi sa kanilang dalawa.
Pagka-uwi ko naman ng bahay ay nakita ko sila mama na naghahanda para sa
pagluluto ng “benignit”, naatasan akong magpa-giling ng niyog. Nang makarating na
ako sa tindahan ay nakita ko aking kababata na si Bebe, lalaki siya pero bebe ang
palayaw niya. Naalala ko tuloy noong panahon na naglalaro at nag-bahay bahayan
kami sa katunayan nga akala ko noon bading siya kasi napakahinhin ng kilos niya para
siyang babae kaya komportable ako sa kanya noon, pero kanina lalaking-lalaki na siya
ang boses niya napaka-matipuno kaya medyo naiilang na ako sa kanya.
Nakapagkwentuhan kami ni Bebe tungkol sa pag-aaral naming dalawa at pagkatapos
nauna na rin akong umuwi sa kanya kasi natapos ng gilingin ang mga niyog na
pinagigiling ko. Pagkauwi ko ay agad namang niluto ni mama ang pagkain, habang
naghihintay ay nakipag-kwentuhan naman kami ng aking kapit-bahay at ng maluto na
ay kumain na rin kami ng luto ni mama na “Benignit”. At pagkatapos nun ay ako na
naman ang nagbantay ng aming tindahan kasi natutulog si mama. Nang dumilim na ay
nagluto na naman si mama para sa hapunan, hindi na ako nakasalo sa kanila kasi
nauna na akong kumain. Ganito natapos ang araw ko ngayon.

You might also like