You are on page 1of 2

PANAYAM

“Misis na OFW”
Ni: Jenelyn B. Licot
Gaano nga ba kahirap sa isang ama para maging isang ilaw ng tahanan at isang ina
para maging padre de pamilya?
Ayon sa Philippine Statistics Authority ang bilang ng mga nag-OFW sa bansa taong
2019 ay umabot na sa 2.2 milyon kung saan 56.0% nito ay mga kababaihan at 44.0%
naman ang mga kalalakihan. Mas dumami pang mga kababaihan ang
nakikipagsapalaran sa ibang bansa nitong nakaraang taon, kaysa mga kalalakihan.
Isa na rito si Melanie Pacaldo, limang taon na siyang nag-OFW sa bansang Quitar.
Mahirap ang kanyang naging buhay roon, bukod sa nakakapagod na trabaho, malupit
na amo ay naging mas nahihirapan siya dahil sa kanyang asawang naiwan sa bahay
nila para maging isang ilaw ng tahanan.
Dahil sa kahirapan at hindi sapat na sahod dito sa Pilipinas ay nakipagsapalaran si
Melanie sa bansang Quitar para matustusan ang pangunahing pangangailangan ng
pamilya. Ang inakala niyang pag-aabroad ang magbibigay sa kanyang mga anak ng
maginhawang buhay ay siya rin naman palang dahilan sa pagkagutom ng mga ito.
Lingid sa kaalaman ni Melanie na ang kanyang mga pinapadalang pera sa asawa
niyang si Jonathan dito sa Pilipinas ay napupunta lang pala sa mga bisyo, babae, at ina
nito. Ang ina ni Jonathan ang kumukuha sa pinapadalang pera ni Melanie dahil hindi ito
marunong magbasa at walang balido na ID para makakuha ng pera.
P20,000 ang pinapadala ni Melanie buwan-buwan at kalahati lamang na pera ang
binibigay ng ina ni Jonathan sa kanya, dumagdag pa ang pagiging babaero at pagka
bisyoso nito. Kaya sa tuwing humihingi ng pera ang mga anak niya para sa pambili ng
pagkain ay wala na itong naibibigay.
Dalawang taon bago malaman ni Melanie ang mga pinag-gagawa ng kanyang asawa.
Wala siyang naipundar na bahay, ang mga anak niya ay parang walang magulang na
nag-aalaga dahil mga sakitin at marumi palagi.
Dahil sa pangyayari ay nagpagdesisyon si Melanie na sa kanyang ina nalang titira ang
mga anak niya at sa kanyang ina nalang din siya magpapadala. Natupad nga ang plano
ni Melanie. Ngunit naging mas marahas ang kanyang asawa.
Sa tuwing nagpapadala si Melanie ng pera sa kanyang ina ay pumupunta si Jonathan
sa bahay ng kanyang ina para kunin ang parti niya sa pinadalang pera kahit wala
naman, walang magawa ang ina ni Melanie kaya binibigay niya ang sampung libo kay
Jonathan.
Napag-usapan ni Melanie at Jonathan na ang perang kinukuha niya mula sa pinadalang
pera ni Melanie ay iiponin nalang para sa pagpapagawa ng bahay. Makalipas ang
limang taong kontrata sa pagtatrabaho sa Quitar ay nakapagpundar na nga si Melanie
ng bahay para sa pamilya, ngunit mas lumala naman ang pagka-mainitin at marahas ni
Jonathan dahil sa paggamit nito ng bawal na gamot.
Oktubre ng taon na ito nakauwi si Melanie, nakita nito ang napundar niya na bahay.
Ilang linggo palang ang lumipas ay nakita niya din kung anong ugaling mayroon sa
asawa niyang si Jonathan, nais ni Melanie na makipaghiwalay sa asawa niya. Ngunit
ayon naman kay Jonathan ay hindi siya aalis sa bahay dahil siya raw ang nagpaggawa
nito, pinagbantaan din ni Jonathan na papatayin si Melanie at kanyang ina kapag
tinuloy ang kanyang planong pagkikipaghiwalay.
Walang nagawa si Melanie kundi magtiis sa kalupitan ng kanyang asawa.
Pinakita ni Jonathan ang pagiging dominante nito, sa loob ng limang taong pagtitiis ni
Melanie sa ibang bansa ay nakapundar nga siya ng isang bahay ngunit nagiba naman
ang tahanan na binuo nila ni Jonathan noong siyay hindi pa nakipagsapalaran.
Tahanan na sanay isang pamilyang masaya, nagmamahalan, at nagtutulungan.
Maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para makaahon sa
hirap ngunit kahit anong pagod at hirap nila sa pagtatrabaho ay hindi parin ito
nasusuklian ng mga materyal na bagay at pagmamahal mula sa pinanghuhugatan nila
ng lakas.
Hindi lahat ng pagkakataon na ang babae dapat ang maiwan sa bahay, marami
namang amang tumayong ilaw ng tahanan at nagampanan ng maayos ang kanilang
responsibilidad. Kung iisipin wala namang mga magulang ang hindi nahihirapang
maipalaki ng maayos ang mga anak nila, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay
kailangan upang makabuo ng isang tahanang puno ng pagmamahal.

You might also like