You are on page 1of 1

Sagana sa yaman ang lupa ng Pilipinas.

Ang sektor ng pagsasaka, ang sumusustena sa pagkain ng


malaking populasyon ng bansa. Mabubungkal ang katotohanang kung sino pa ang nagtatanim ng ating
makakain ay sila pa ang kadalasang nakabaon sa kahirapan. Ang pagsasaka ay isang mabigat na gawain
na kahit sa gitna ng matinding sikat ng araw ay patuloy pa rin sa pagbubungkal ng lupa ang isang
magsasaka sapagkat nakaatang sa kanyang mga balikat ang katotohanang siya ang nagpapakain sa Inang
Bayan.

Madungis, pangit, mabaho, yagit at kung anu-ano pa. Iilan lang naman yan sa napakaraming negatibong
bagay na siyang ating napapansin at nasasabi habang tinitignan natin ang kanilang sitwasyon. Si Mang
Kulas ay isang masipag na magsasaka at mapagmahal na asawa kay Aling Juana, mayroon silang
dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Nakatira sila sa bundok sa mayprobinsya, ang kanilang
simpleng kubo ay yari sa kawayan na may limang baitang ang hagdanan, ang bubong ay ang dahon ng
anahaw, at ang ding ding ay yari sa sawali. Halos puno ang kanilang asa paligid kayat damang dama ang
hampas ng sariwang hangin. Pagmulat ng kanilang mata ay madirinig ang mga tilaok ng manok, huni ng
mga ibon, unga ng baka at ang tahol ng mga aso. Kahit pagod ang magsasaka galing sa bukid ay bawi
naman ito sa yakap ng mga mahal niya sa buhay at ang mabangong amoy at malasang pagkain na
ihahain. Pagsapit ng gabi ay masasabi mong napaka payapa sa lugar na ito dahil ang madidinig lamang ay
ang tunog nang nagkukuskusang puno at sariwang hangin. Komportable ang buhay at maaliwalas ang
kanilang pagiisip dahil makakalimutan nilang ang kanilang mga probleme pag nasilayan ang paglubog ng
araw.

Napakalawak at sobrang laki ang na-i-ambag at ma-i-aambag ng ating mag magsasaka; sa ating
komunidad, sa ating bansa, at sa buong mundo, kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng
pagpupugay at halaga bilang kapalit ng kanilang pagpapakahirap sa kabukiran. Ang pagiging marumi sa
paningin, yung mga paang mapuputik, mga tsinelas na kay nipis, mga gutay-gutay na damit at ang mga
pawis na hindi natutuyo ay ang mga simbolo kung bakit mapa-hanggang ngayon, tayo ay nakakakain,
may masisigla at malalakas ang katawan.

You might also like