Karamihan sa atin ay naghahanap ng pasyalan o isang lugar na makakapagpaaliw satin ng husto
lalong-lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista at isa na rito ang Baguio City na napapalibutan ng probinsya ng Benguet na matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Ang Baguio ay isa sa mga pinupuntahan ng mga dayuhan at maski hindi taga-Baguio dahil sa kakaibang klima dito. Kabilang ito sa mga sikat na lugar ditto sa Pilipinas lalong nasa North Luzon, kilala ito bilang City of Pines at Summer Capital of the Philippines- hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig lalong-lalo na kapag bumagsak ang temperature na halos umabot sa 10 degree Celsius o mas mababa pa tuwing sasapit ang kapaskuhan.
Isa sa mga pook pasyalan dito sa Baguio City na kung saan
makikita ang Dancing Fountain at isang malawak na ilog kung saan maaari kung maglibot-libot at mamangka sa halagang 150 pesos. Pumunta rin kami na sa Baguio Teacher’s Camp na tila pinapahayag ng mga tao na dito nanatili ang mga hukbong sandatan bago magsimula ang Word War II kaya sinasabing may nagmumulto sa lugar na ito. Kabilang din sa kadalasang pinupuntahan namin ay ang Botanical Garden, sa lugar na ito ay makikita ang mga matatandang Igorot kung saan pwerde kang kumuha ng litrato kasama sila. Isa rin sa mga napuntahan namin tuwing gabi ang ‘’Baguio Night Market’’ na makakabili ka ng mga damit, kagamitan o accessories, masarap na pagkain, at iba pang bilihin na magaan lamang sa bulsa. Pinuntahan din namin ang Mines View